Yamang Nananampalataya Ka kay Jesucristo, Alam Mo Ba Kung Ano ang Cristo?
Sabi ng Diyos, Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo."
"Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan. Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa Diyos, at magbigay ng buhay sa tao."
Mula sa mga salita ng Diyos, maaari nating makita na si Cristo ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na sinuotan ng katawang-tao bilang isang pangkaraniwang tao upang dalhin ang Kanyang salita at gawain sa mundo at magpakita sa sangkatauhan. Kapwa Siya na may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Mula sa panlabas, si Cristo ay mukhang isang ordinaryo at normal na tao. Mayroon Siyang parehong mga patakaran sa buhay at nakikilahok sa parehong mga aktibidad tulad ng anumang iba pang normal na tao, at may normal na damdamin ng tao. Ngunit ang diwa ni Cristo ay pagka-Diyos. Maaari Niyang simulan ang isang bagong kapanahunan at tapusin ang isang lumang kapanahunan. Maaari Niyang ipahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Siya, alinsunod sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, ay maaaring ipahayag ang katotohanan upang tustusan at iligtas ang tao, at magagawa Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Walang nilikha na may kakayahan nito. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao-Siya ay si Cristo. Ang Panginoong Jesus ay mukhang isang ordinaryo, normal na tao mula sa panlabas, ngunit mayroon Siyang banal na diwa. Maaari Niyang ipahayag ang katotohanan, bigyan ang mga tao ng paraan ng pagsisisi, gawin ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapako sa krus. Nagagawa rin Niya ang mga palatandaan at kababalaghan, tulad ng pagpapakalma ng hangin at dagat, pagpapakain ng limang libong katao na may limang tinapay at dalawang isda, at pagbuhay ng mga patay. Ang lahat ng gawain at salita ng Panginoong Jesus ay naghahayag ng disposisyon ng buhay ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ito ang mga bagay na hindi kayang makamit ng nilalang. Ang lahat ng ito'y sapat na nagpapatunay na ang Panginoong Jesus ay si Cristo, ang nagkatawang-taong Diyos.
________________________________
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.