Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagbalik na Panginoong Jesus
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Matapos ang gawain ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali't itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka't ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumilipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at sa sandaling ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang mag-isa, nguni't ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Bawa't bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Gayundin, may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa Kanyang paraan ng paggawa, sa kinalalagyan ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Nguni't hindi alintana kung paano Siya sinasalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya'y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
-mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaaring makakita at kahit ang patay ay maaaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi natuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni't, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nangungumpisal ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo'y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka't ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka't ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni't ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
-mula sa "Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka't minahal at iginalang nila Ako. Subali't ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon-Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma'y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw nguni't nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay mapapagpala dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali't sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos-Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.
-mula sa "Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng 'Puting Ulap'" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ipinagpapatuloy ng Diyos ang Kanyang mga pagbigkas, gumagamit ng iba't ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin habang kasabay na binibigyang-tinig ang Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, ipinakikita sa atin ang paraan kung paano tayo dapat lumakad, at binibigyang-kakayahan tayo na maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating pansin sa himig at paraan ng Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng pangkaraniwang taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nagtitiis ng puyat at gutom para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakakaranas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkamapanghimagsik. Ang may ganitong pagkatao at pag-uugali ay hindi karaniwang tao, ni hindi ito maaaring taglayin o makamit ng sinumang nilalang na ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi angkin ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng sinumang nilikha. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may gayong kalinaw at ganap na pagtarok sa ating kalikasan at diwa, o nakakahatol sa pagkamapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o nakakapagsalita sa atin at gumagawa sa ating kalagitnaan nang ganito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan ng mga ito, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagpakita sa atin ng daan at makakapagdala sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagbunyag ng mga hiwaga na hindi pa naipaalam ng Diyos mula sa paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makakapagligtas sa atin mula sa gapos ni Satanas at ng ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Inihahayag Niya ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula na ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at naghatid ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at Siya ay nagdala na sa atin ng pag-asa, tinatapos ang ating pamumuhay sa kalabuan at hinahayaan ang ating buong pagkatao na lubos na mamasdan, nang buong kalinawan, ang daan ng kaligtasan. Kanyang nalupig na ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay na, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan-hindi ba't Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, gising man o nananaginip, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!
-mula sa "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Naisulong na ng gawaing ginagawa sa kasalukuyan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; iyan ay, ang gawain sa ilalim ng buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay nakasulong na. Bagama't natapos na ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkaroon na ng pag-unlad sa gawain ng Diyos. Bakit paulit-ulit Kong sinasabi na ang yugtong ito ng gawain ay nagtatayo sa ibabaw ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan? Nangangahulugan ito na ang gawain sa kasalukuyan ay pagpapatuloy ng gawaing ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagsulong doon sa ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang tatlong yugto ay mahigpit na magkakaugnay at ang bawat kawing sa kadena ay nakadugtong sa isa. Bakit sinasabi Ko rin na ang yugtong ito ng gawain ay nakatayo roon sa ginawa ni Jesus? Kung sakaling hindi nakatayo ang yugtong ito sa gawaing ginawa ni Jesus, isa pang pagpapapako sa krus ang kailangang maganap sa yugtong ito, at ang gawaing pagtubos ng nakaraang yugto ay kailangang ulitin muli. Magiging walang saysay ito. Kaya't hindi sa ganap nang natapos ang gawain, kundi nakasulong na ang kapanahunan at ang antas ng gawain ay naitaas nang mas mataas pa kaysa rati. Maaaring sabihin na ang yugtong ito ng gawain ay itinatayo sa pundasyon ng Kapanahunan ng Kautusan at sa bato ng gawain ni Jesus. Ang gawain ay itinatayo nang yugtu-yugto, at ang yugtong ito ay hindi isang bagong pasimula. Tanging ang pinagsamang tatlong yugto ng gawain ang maaaring ituring na anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Ang gawain ng yugtong ito ay ginagawa sa pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Kung hindi magkaugnay ang dalawang yugtong ito ng gawain, kung gayon bakit hindi inulit ang pagpapako sa krus sa yugtong ito? Bakit hindi Ko pasan ang mga kasalanan ng tao, kundi tuwiran Kong hinahatulan at kinakastigo ang tao? Kung ang Aking gawaing hatulan at kastiguhin ang tao at ang pagparito Ko ngayon hindi sa pamamagitan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ay hindi sumunod sa pagpapapako sa krus, hindi sana Ako naging marapat na hatulan at kastiguhin ang tao. Talagang dahil kaisa Ako ni Jesus kaya pumarito Ako upang direktang kastiguhin at hatulan ang tao. Ang gawain sa yugtong ito ay buong itinatayo sa gawain ng sinusundang yugto. Iyan ang dahilan kung bakit tanging ang ganitong uri ng gawain ang makapagdadala sa tao, isa-isang hakbang, sa kaligtasan. Ako at si Jesus ay mula sa iisang Espiritu. Bagama't wala Kaming kaugnayan sa Aming mga katawang-tao, iisa ang Aming mga Espiritu; bagama't ang nilalaman ng ginagawa Namin at ang gawain na ginagampanan Namin ay magkaiba, magkapareho Kami sa diwa; magkaiba ang porma ng Aming mga katawang-tao, nguni't ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan at ang magkaibang mga kinakailangan sa Aming gawain; magkaiba ang mga ministeryo Namin, kaya ang gawain na dala Namin at ang disposisyon na ibinubunyag Namin sa tao ay magkaiba rin. Iyan ang dahilan kung bakit ang nakikita at nauunawaan ng tao ngayon ay hindi katulad roon sa nakaraan; ito ay dahil sa pagbabago sa kapanahunan. Sa lahat ng iyan, Sila ay magkaiba sa kasarian at porma ng Kanilang mga katawang-tao, at hindi Sila ipinanganak sa parehong pamilya, at lalo nang hindi sa parehong panahon, gayunman iisa ang Kanilang mga Espiritu. Sa lahat ng iyan, ang Kanilang mga katawang-tao ay walang kaugnayan sa dugo ni anumang uri ng pisikal na pagkakamag-anak, hindi maitatangging Sila ay pagkakatawang-tao ng Diyos sa dalawang magkaibang panahon. Hindi mapasisinungalingang katotohanan na Sila ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos, bagama't hindi sila magkadugo at magkaiba ang kanilang pantaong wika (ang isa ay lalaki na nagsasalita ng wika ng mga Judio at ang isa ay babae na eksklusibong nagsasalita ng Tsino). Para sa mga kadahilanang ito kaya nabuhay sila sa magkaibang bansa upang gawin ang gawain na kinakailangang gawin ng bawat isa, at sa magkaibang panahon din. Sa kabila ng katunayang iisa Silang Espiritu at nagtataglay ng parehong kakanyahan, ganap na walang mga pagkakatulad sa panlabas Nilang mga katawang-tao. Ang pagkakatulad lamang Nila ay ang parehong pagkatao, nguni't pagdating sa panlabas na kaanyuan ng Kanilang mga katawang-tao at ang mga pangyayari sa Kanilang kapanganakan, hindi Sila magkapareho. Ang mga bagay na ito ay walang epekto sa Kani-kanilang gawain o sa pagkakilala ng tao tungkol sa Kanila, dahil, sa huling pagsusuri, iisa Silang Espiritu at walang makapaghihiwalay sa Kanila. Bagama't hindi Sila magkadugo, ang buong persona Nila ay nasa patnubay ng Kanilang mga Espiritu, na naglalaan sa Kanila ng magkaibang gawain sa magkaibang mga panahon, at ang Kanilang mga katawang-tao sa magkakaibang linya ng dugo. Ang Espiritu ni Jehova ay hindi ang ama ng Espiritu ni Jesus, at ang Espiritu ni Jesus ay hindi ang anak ng Espiritu ni Jehova: Iisa Sila at parehong Espiritu. Tulad ng nagkatawang-taong Diyos ngayon at si Jesus. Bagama't hindi Sila magkadugo, Sila ay iisa; ito ay dahil iisa ang Kanilang mga Espiritu. Kayang gawin ng Diyos ang gawain ng habag at mapagmahal na kabaitan, gayundin ang matuwid na paghatol at pagkastigo sa tao, at yaong pagtawag ng mga sumpa sa tao; at sa katapusan, kaya Niyang gawin ang gawain ng pagwasak sa mundo at pagpaparusa sa masama. Hindi ba Niya ginagawa Mismo ang lahat ng ito? Hindi ba ito ang kapangyarihang walang hanggan ng Diyos?
-mula sa "Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman para sa tao'y lubos na hindi gaya noong una, kaya ang dalawa ay tila lubusang walang anumang pagkakapareho, at wala noong unang gawain ang makikita ngayon. Kahit na ang gawain ng ikalawang nagkatawang-taong laman ay naiiba mula roon sa nauna, hindi nito pinatutunayan na ang Kanilang pinagmulan ay hindi iisa at pareho. Kung pareho ang Kanilang pinagmulan ay depende sa kalikasan ng gawain na ginawa sa pamamagitan ng mga laman at hindi sa Kanilang panlabas na mga balat. Sa panahon ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay dalawang beses na nagkatawang-tao, at sa parehong panahon ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasinaya sa isang bagong kapanahunan, naghahatid ng bagong gawain; pinupunan ng mga pagkakatawang-tao ang isa't isa. Imposible para sa mga mata ng tao na sabihin na ang dalawang laman ay talagang nagmula sa parehong pinanggalingan. Kaya nga, ito ay higit sa kakayahan ng mata ng tao o ng isip ng tao. Nguni't sa Kanilang kakanyahan Sila'y pareho, pagka't ang Kanilang gawain ay nagmumula sa parehong Espiritu. Kung nagmumula ang dalawang nagkatawang-taong laman sa parehong pinanggalingan ay hindi mahahatulan ng kapanahunan at lugar kung saan Sila ipinanganak, o iba pang dahilan, kundi sa pamamagitan ng banal na gawain na inihayag Nila. Ang ikalawang nagkatawang-taong laman ay hindi gumaganap ng kahit anong gawaing ginawa ni Jesus, dahil ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa kinasanayan, nguni't sa bawat panahon ito'y nagbubukas ng bagong daan. Ang pangalawang pagkakatawang-tao ay hindi layuning palalimin o patatagin ang impresyon ng unang katawang-tao sa isipan ng mga tao, kundi upang punuan ito at upang gawin itong perpekto, para palalimin ang pagkakilala ng tao sa Diyos, para suwayin ang lahat ng patakaran na umiiral sa puso ng mga tao, at para lipulin ang mga maling larawan ng Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay maaaring sabihin na walang indibidwal na yugto ng sariling gawain ng Diyos ang makapagbibigay ng ganap na pagkakilala tungkol sa Kanya; bawat isa'y nagbibigay lamang ng parte, hindi ng kabuuan. Kahit ang Diyos ay nagpahayag na ng Kanyang buong disposisyon, dahil sa limitadong kakayahan ng tao sa pag-unawa, ang kanyang pagkakilala tungkol sa Diyos ay hindi pa rin kumpleto. Ito'y imposible, gamit ang wika ng tao, na ipabatid ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos; gaano ba kakaunti maaaring lubos na maihayag ng isang yugto ng Kanyang gawain ang Diyos? Siya ay gumagawa sa katawang-tao sa ilalim ng takip ng Kanyang normal na pagkatao, at makikilala lamang Siya ng isa sa pamamagitan ng mga pagpapahayag ng Kanyang pagkaDiyos, at hindi sa pamamagitan ng Kanyang katawang panlabas. Ang Diyos ay nagiging katawang-tao para payagan ang tao na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga iba't ibang gawain, at wala kahit dalawang yugto sa Kanyang gawain ang pareho. Tanging sa paraang ito magagawa ng tao na magkaroon ng lubos na kaalaman sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, hindi nakakulong sa isang aspeto. Kahit na ang gawain ng dalawang nagkatawang-taong laman ay magkaiba, ang kakanyahan ng mga katawang-tao, at ang pinagmulan ng Kanilang gawain, ay magkapareho; Sila lamang ay umiiral para gampanan ang dalawang magkaibang yugto ng gawain, at lumitaw sa dalawang magkaibang kapanahunan. Kahit ano pa man, ang mga nagkatawang-taong laman ng Diyos ay magkabahagi sa parehong kakanyahan at sa parehong pinanggalingan-ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagtanggi.
-mula sa "Ang Diwa ng Katawang-tao na Tinatahanan ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
____________________________________
Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, pinamunuan ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan. Mula sa Kapanahunan ng Kautusan hanggang sa Kapanahunan ng Biyaya at hanggang sa Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw, ano ang plano ng Diyos? Ano ang pangwakas na kahahantungan ng sangkatauhan? Dito sasabihin sa iyo ng mga salita ng Diyos ang lahat ng mga bagay. --Ang Tatlong Yugto ng Gawain