Ang mga Sakuna ay Nangyayari Saanmang Dako: Paano Tayo at ang Ating mga Pamilya Makakatamo ng Awa ng Diyos sa mga Sakuna?
Ang lockdown, quarantine, at curfew ay nagdala ng malaking abala sa ating trabaho at buhay. Kailangan din nating magsuot ng mga mask sa mukha saan man tayo magpunta, maghugas ng kamay nang madalas, at mag-disinfect ng bahay. Nahaharap sa pandemya, nararamdaman natin na ang mga kalamidad ay patuloy sa paligid natin. Lahat tayo ay nag-aalala tungkol sa ating sarili at mga pamilya, umaasa na makahanap ng landas upang maprotektahan ng Diyos.
Kung gayon paano natin makukuha ang awa at proteksyon ng Diyos sa mga sakuna? Mahahanap mo ang landas sa mga sumusunod na salita ng Diyos.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira-Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon
"Kahit gaano man ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng sako at naupo sa abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang baguhin ang Kanyang puso. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod-ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan-galit pa rin sa kanila ang Diyos. Nang dumaan sila sa serye ng mga pagsisisi, unti-unting humupa ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive at napalitan ng awa at pagpaparaya sa kanila. Walang anumang salungatan tungkol sa magkaparehong pahayag ng dalawang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa magkaparehong pangyayari. Paano mauunawaan at malalaman ng isang tao ang ganitong kawalan ng pagkakasalungatan? Magkasunod na ipinahayag ng Diyos ang dalawang magkatapat na bahaging ito ng mga diwa nang magsisi ang mga taga-Ninive, upang makita ng mga tao ang pagiging totoo at pagka-di-napupuno ng diwa ng Diyos. Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ng mga tao ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao, na dahil dito, buong laya Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, at kung saan ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan ng kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay malinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit; hinihingi Niya sa isa ang tunay na pagsisisi. Hangga't ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang puso at ang Kanyang saloobin sa kanila."
________________________________
Repleksyon sa Ebanghelyo: Sinabi ng Panginoong Jesus, "Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit." (Mateo 4:17). Mula rito, makikita na ang mga tunay na nagsisisi lamang ang maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Kung gayon ano ang tunay na pagsisisi? Mangyaring i-click ang "Repleksyon sa ebanghelyo ngayon" upang mahanap ang sagot!
Sumnod: Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos | Sipi 22
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.