Ano ang Pinakamahalagang Paraan upang Masalubong ang Panginoon?
Ngayon ang mga kalamidad ay palala nang paalala, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na. Ngunit hindi pa natin nasalubong ang Panginoon. Naisip mo na ba ang tungkol sa isyung ito? Pinabayaan na ba tayo ng Panginoon? Kung gayon, paano natin masasalubong ang Panginoon?
Sa katunayan, sa pagsalubong sa pagdating ng Panginoon, ipinakita sa atin ng Panginoong Jesus ang daan. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin Siya" (Mateo 25:6). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na maging matalinong dalaga sa pagsalubong sa Kanyang pagbabalik. Kaya, kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik, dapat tayong aktibong maghanap at mag-imbestiga, makinig mabuti sa mga salita ng Diyos, at tanggapin at sumunod sa Kanya kapag nakilala natin ang tinig ng Diyos. Sa gayon ay makikita natin ang pagpapakita ng Panginoon at masusundan ang Kanyang mga yapak.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos-sapagka't kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang 'Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.' At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!"
"Lahat ng kayang sumunod sa kasalukuyang mga pagpapahayag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Hindi mahalaga kung paano man sila dati, o kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila dati-yaong mga nagkamit na ng pinakabagong gawain ng Diyos ang mga pinakapinagpala, at yaong hindi nakasusunod sa pinakabagong gawain sa kasalukuyan ay inaalis. Nais ng Diyos yaong kayang tanggapin ang bagong liwanag, at nais Niya yaong tumatanggap at nakakaalam sa Kanyang pinakabagong gawain. Bakit sinasabi na dapat kang maging isang malinis na birhen? Nagagawa ng isang malinis na birhen na hangarin ang gawain ng Banal na Espiritu at maunawaan ang mga bagong bagay, at higit pa rito, nagagawang isantabi ang mga dating palagay, at sumunod sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan."
Ngayon, ang Panginoon ay bumalik bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw. Tanging kapag sinundan lamang natin ang bagong gawain ng Diyos maaari tayong maging mga sumusunod sa mga yapak ng Cordero.
________________________________
Mahal na mga kapatid, natatandaan nyo pa ba ang parabula ng sampung dalaga na sinabi ng Panginoong Jesus? Nais mo rin bang maging matalinong mga dalaga upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya, ano ang pagpapakita ng mga matatalinong dalaga? Ano eksakto ang tinutukoy na "langis"? Sa pamamagitan lamang ng pag-alam sa mga katanungang ito maaari tayong magkaroon ng mga paraan upang magsanay at makatagpo ang Panginoon.
Sumnod: Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Sinundan: Alam Ko na Ngayon ang Bagong Pangalan ng Diyos
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.