Nais Mo bang Malaman kung Anong Klaseng Tao ang Pangangalagaan ng Diyos sa Gitna ng mga Sakuna?

15.06.2021

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna."

"Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila'y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng kasamaan, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang katiwasayan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa."

Kaibigan, pagkatapos basahin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, alam mo ba kung anong klase ng tao ang makakakuha ng proteksyon ng Diyos sa gitna ng mga sakuna? Tama, ang pinoproteksyunan ng Diyos ay yaong nakikinig sa mga salita ng Diyos, nagsasagawa ng katotohanan, sinusunod ang Diyos, nagmamahal sa Diyos, at matapat sa Diyos. Kaya, nais mo bang malaman kung paano maging ganong klaseng tao at makamit ang proteksyon ng Diyos?

________________________________

Nalilito ka ba kung bakit ang mga sakuna ay madalas na nangyayari sa kasalukuyan? Ano ang magagawa natin upang ang ating sarili at ang ating pamilya ay pagpalain sa mga sakuna? Ang video na ito ay mayroong mga sagot. I-click upang manuod ngayon: Pagpalain ng Diyos

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar