Kumawala sa mga Pagkaintindi Tungkol sa Lahi at Katutubong Pinagmulan para Mahanap ang Pagpapakita ng Diyos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ikaw ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, nararapat kang humakbang sa labas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa pananaw ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng ilang tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga pagkaintindi at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga pagkaintindi tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang hindi ka masisikil ng sarili mong mga pagkaintindi; sa ganitong paraan lamang magiging karapat-dapat kang salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, lagi kang mananatili sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos." ("Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).