Ang Panginoon ay Bumalik Na at ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lumalaganap: Sinalubong Mo na ba ang Panginoon?

Simula nang ang nagbalik na Panginoong Jesus, Makapangyarihang Diyos, ay nagsimula na bumigkas ng mga salita noong 1991, ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono ng mga huling araw ay nagsimula na. Bagaman ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dumaranas ng matinding panunupil at pag-uusig ng partidong namamahala sa Tsina, sa ilalim ng pamumuno ng Banal na Espiritu, ang ebanghelyo ng Diyos ay lumaganap sa buong mainland China, at milyong mga tao ang bumalik sa harap ng Makapangyarihang Diyos. Ngayon, ang ebanghelyo ng kaharian ay mabilis na lumaganap sa bawat bansa sa mundo. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao ay makikita sa Internet para sa mga tao ng lahat ng mga bansa upang saliksikin at siyasatin. Bukod pa, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nakagawa ng maraming mga video ng sanaysay ng mga salita ng Diyos, mga music video, himno, video ng karanasan sa buhay, variety shows, pelikulang ebanghelyo, at marami pang iba. Lahat ng mga ito ay makikita sa malalaking plataporma sa Internet. Ang mga tao mula sa iba't ibang denominasyon na tunay na nananampalataya sa Diyos at naghahanap sa tunay na daan ay siniyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at parami ng paraming mga tao ang nanunumbalik sa Makapangyarihang Diyos. Marahil ay narinig mo na ang panghuling ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Kung gayon, anong pipiliin mo kapag narinig mo ang magandang balitang ito? Paano mo sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon?
________________________________
Maraming tao ang nakakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay lumitaw na at lahat ay may hinagap na malamang na bumalik na ang Panginoon. Paano tayo dapat maghanda upang salubungin ang Panginoon? Matapos basahin ang artikulong ito, malalaman mo ito ...
Inirerekomenda: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon