Tagalog Christian Movie Trailer | Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train

01.05.2021

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa'y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. ... Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. ... Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

________________________________

Nais mo bang tanggapin ang pagdating ng Panginoon? Narito nais naming magbahagi ng higit pang mga katotohanan at misteryo ng pagbabalik ng Panginoon, kasama na ang mga propesiya ng Bibliya, mga palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon, ang misteryo ng rapture, paghatol sa mga huling araw, at ang misteryo ng kaharian ng langit, at iba pa. Inaasam naming matulungan kang masalubong ang pagdating ng Panginoon sa lalong madaling panahon at ma-rapture sa kaharian ng Diyos.

Sumnod: Paano dapat maranasan ng isang tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para makatamo ng pagliligtas?

Sinundan: Ano Si Cristo? Ano ang Diwa ni Cristo?

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar