Alam Mo Ba Kung Paano Darating ang Panginoon sa Mga Huling Araw?

30.06.2021

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan, kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Bukod dito, hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ito rin ang katawan kung saan bumabalik ang Diyos sa katawang-tao. Isa itong napakapangkaraniwang katawang-tao. Wala kang makikitang anumang nag-aangat sa Kanya mula sa iba, ngunit maaari kang magkamit mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi pa dating narinig. Itong hamak na katawang-taong ito ang kumakatawan sa lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, nangangasiwa sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos upang maintindihan ng tao. Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na maunawaan ang Diyos na nasa langit? Hindi mo ba lubhang ninanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito-mga lihim na wala pang sinumang taong nakapagsabi sa iyo, at sasabihin din Niya sa iyo ang mga katotohanang hindi mo nauunawaan. Siya ang pintuan mo patungo sa kaharian, at gabay mo patungo sa bagong kapanahunan. Nagtataglay ng maraming mga hiwagang di-maarok ang gayong karaniwang katawang-tao. Maaaring di-malirip sa iyo ang Kanyang mga gawa, ngunit ang buong layunin ng lahat ng gawain Niya ay sapat na upang hayaan kang makitang hindi Siya, gaya ng inaakala ng mga tao, isang simpleng katawang-tao. Sapagkat kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos at ang pangangalagang ipinakita ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw. Bagaman hindi mo naririnig ang mga salita Niya na tila yumayanig sa mga kalangitan at lupa, o nakikita ang mga mata Niya na tulad ng mga lumalagablab na apoy, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang pamalong bakal, gayunman, maririnig mo mula sa Kanyang mga salita na mapagpoot ang Diyos, at mababatid na nagpapakita ang Diyos ng habag para sa sangkatauhan; makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan Niya, at bukod dito, matatanto ang malasakit ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos na nasa langit na namumuhay kasama ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na mabatid, sundin, igalang, at mahalin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit bumalik Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon."

Makikita mula sa mga salitang ito ng Diyos na ang Panginoon ay darating sa katawang-tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at na Siya ay magpapahayag ng maraming katotohanan, na nagsasabi sa atin kung paano makikilala ang Diyos, ang misteryo ng patutunguhang kapalaran ng sangkatauhan, ang daan patungo sa kaharian sa langit, at iba pa. Ihahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan at misteryo na hindi natin nauunawaan. Sa puntong ito, sabik ka bang hanapin ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw? Huwag kang mag alala. Bumalik na ang Panginoon bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, na nagpahayag ng lahat ng katotohanang kinakailangan upang makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan, upang mabago at dalisayin ang tao at palayain ang tao nang ganap mula sa pagkaalipin ng kasalanan, at pagkatapos ay dalhin ang tao sa kaharian ng Diyos. Natutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13).

Ngayon, tanging kung hahanapin at tatanggapin natin ang pagpapakita at gawain ng bumalik na Panginoon at makamit ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay magkakaroon tayo ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng Diyos.

________________________________

Nagbabagsakan na ang mga sakuna at ang klima ay hindi normal, na nagpapakita na ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay naglilitawan. Kaya, paano natin dapat salubungin ang Panginoon? Ang kasagutan ay nasa sumusunod na artikulo...
Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon 

Magrekomenda nang higit pa: 

Sinabi ng Panginoong Jesus na paparito Siyang muli, kaya pagbalik Niya sa mga huling araw, sa anong paraan Siya magpapakita sa mga tao? 

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar