Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano naligtas si noe sa baha?

15.03.2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano naligtas si noe sa baha?

Sinabi ng Panginoong Jesus, "At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao. Sapagka't gaya ng mga araw bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong, At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:37-39).

Noong kapanahunan ni Noe, sangkot ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain at hindi naiisip ang tungkol sa pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ang pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilunok sila ng sakuna ng malaking baha. Tanging ang pamilya ni Noe na may walong kasapi ang nakinig sa salita ng Diyos, pumasok sa arka, at nakaligtas. Ngayon, dumating na ang mga huling araw. Palalim nang palalim ang kasamaan ng sangkatauhan. Iginagalang ng lahat ang kasamaan at karahasan.... Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, dumating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ito ang huling pagkakataong nililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan ngayon upang makamit ang kaligtasan ng Diyos at makapasok sa arka ng mga huling araw?


Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na



_________________________________________________

Anong uri ng mga tao ang maaaring madala sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."(Mateo 7:21). Mula sa salita ng Panginoon, makikita natin na tanging yaong mga pagsunod sa kalooban ng Diyos ay makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya,

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar