Matapos Maunawaan ang Katotohanan tungkol sa Kung Paano Makikilala ang Totoong Cristo at ang mga Huwad na Cristo, Hindi na Ako Nagbulag-bulagan Pa
Ni Xiangwang, Malaysia
Mula pagkabata palagi akong kasama ng aking ina, isang diyakono sa iglesia at guro sa Sunday School, sa pananampalataya sa Panginoon. Madalas akong dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng Biblia kasama siya at, sa paglaki ko, nalipat ako sa grupo ng mga kabataan mula sa grupo ng mga bata.
Ang pastor na responsable sa pagbibigay ng mga sermon sa grupo ng mga kabataan ay dalubhasa sa teolohiya. Madalas niyang sabihin sa amin na hindi madali ang maging pastor at na kung walang inspirasyon ng Banal na Espiritu, napakahirap manatili sa gawain ng pagiging pastor. Samakatwid inidolo namin siya, naniniwala na siya yaong taong kinalulugdan ng Diyos at na tumatanggap ng inspirasyon mula sa Banal na Espiritu. Kapag nagturo siya sa amin, madalas siyang gumamit ng dalawang talata mula sa Biblia: "At kung magkagayon kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito, ang Cristo; o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan: Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang" (Marcos 13:21-22). Sasabihin niya sa amin na maraming magsisilitawang huwad na Cristo sa mga huling araw at hihikayatin kami na laging maging maingat at huwag basta-basta maniniwala at makikinig sa iba pang mga sermon. Lalo na para sa amin na walang pang matibay na pundasyon sa Biblia at napakaliit ng mga tayog, sinabi niya na makabubuti sa amin na hindi makinig, magbasa o magsaliksik ng kahit anong sermon na ipapangaral ng sinuman mula sa iba pang denominasyon, para hindi kami malinlang.
Bukod pa rito, babanggitin din nang madalas ng pastor ang mga partikular na iglesia na dapat naming lubusang iwasan sa abot ng aming makakaya, kabilang ang Kidlat ng Silanganan, at ikinuwento niya sa amin ang ilan sa mga negatibong publisidad na kumakalat tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Nang marinig ito ng mga miyembro ng aking grupo, sinabi nilang lahat na iiwasan nila ang iglesiang iyon. Madalas ipangaral ng pastor sa amin na, hangga't lagi naming binabasa ang Biblia, patuloy na regular na dumadalo sa mga pagtitipon at ginagampanan nang regular ang mga espirituwal na debosyon, nagkukumpisal at nagsisisi ng aming mga kasalanan sa Panginoon araw-araw at matiyagang naghihintay sa lahat ng oras, kami ay dadalhin sa kaharian sa langit kapag dumating ang Panginoon. Lubos akong naniwala sa sinabi niya, hindi nangahas na basta pumunta at makinig sa mga sermong ipinangaral ng iba pang mga iglesia, at ginawa ko nang lubos ang naaayon sa mga tagubilin ng pastor. Dahil diyan, nadama ko na mayroon na akong lugar kasama ng mga yaong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon.
Isang araw noong Agosto 2017, si Brother Hu mula sa aming iglesia ay biglang bumisita sa paaralan at sinabi sa akin sa tinig na napakaseryoso, "May isang napakahalagang bagay akong sasabihin sa iyo. Ang nanay mo at ang kapatid mong babae ay parang naniniwala na ngayon sa Kidlat ng Silanganan." Nagulat ako nang marinig ko ang balitang ito, at nasabi ko sa aking sarili: "Hindi ba't palagi kaming hinihikayat ng pastor na huwag makipag-ugnayan kahit kailan sa Kidlat ng Silanganan? Paano nagsimulang maniwala rito ang nanay ko?" Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Brother Hu ang tungkol sa ilan sa mga negatibong publisidad na may kaugnayan sa Kidlat ng Silanganan, at habang mas nakikinig ako, mas lalo akong natakot at nag-alala. Hindi ko maubos maisip: "Ano ang maaari kong gawin? Ano ang maaari kong gawin?" Kapagdaka, sinabi ni Brother Hu, "Umuwi ka agad at tanungin mo ang nanay mo kung talagang nagsisimula na siyang maniwala sa Kidlat ng Silanganan. Ngunit kapag tinanong mo siya, kunwari ay wala ka pang alam na anuman. Una makinig ka muna sa sasabihin niya, pagkatapos ay bigyan mo ako ng recording ng pag-uusap ninyo." Dahil natakot ako na nalihis na ang aking ina, sumang-ayon ako.
Totoo nga, pagkauwi ko pa lang ng bahay sinabi sa akin ng aking ina na bumalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos at na, sa mga huling araw, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita at ginampanan ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos upang dalisayin at baguhin ang tao, at upang lubos na iligtas ang tao mula sa mga gapos ng kasalanan. Nagpatuloy pa siya sa pagsasabi na ito ang huling yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan at na, kung hindi namin ito tatanggapin, hindi kami magkakaroon ng isa pang pagkakataon na maligtas. Sinabi niya na umaasa siya na magmamadali akong alamin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at dumalo sa isang pagtitipon sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang sabihin niya ito, naisip ko agad ang mga negatibong publisidad hinggil sa Kidlat ng Silanganan na sinabi sa akin ni Brother Hu at nakadama ako ng matinding pagtutol sa mga sinabi niya. Ngunit para lihim na mairekord ang aming pag-uusap, pinigilan ko ang aking damdamin at patuloy na nakinig sa kanya.
Nang sumunod na araw, sinabihan ako ng aking ina na dumalo online sa pagtitipon kasama ang mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ngunit kaagad ko siyang sinansala at sinabing, "Inay, ayaw kong dumalo sa kanilang mga pagtitipon, at hindi ka na dapat pang dumalo sa kanila kahit kailan. Parang lalo pang nahuhulog ang loob mo sa kanila." Mahinahong tumugon ang aking ina, "Mula noong dumalo ako sa mga pagtitipon at pagbabahagi kasama ang mga kapatid na lalaki at babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon ako ng bagong pananaw at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos sa Biblia, at natitiyak ko sa aking puso na ang mga pagbabahagi nila ay puno ng liwanag at na ang mga ito ay mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Higit sa lahat, nilutas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang maraming bagay na gumugulo sa aking isipan, at lubos akong nakatitiyak ngayon na talagang nasa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu at na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan...." Sa sandaling iyan, puno ang isipan ko ng mga pagkaunawa tungkol sa Kidlat ng Silanganan at hindi ko basta matatanggap ang anumang sabihin ng aking ina. Pagkatapos, nagbukas ako ng internet at ipinakita sa aking ina ang ilan sa mga negatibong publisidad na nauugnay sa Kidlat ng Silanganan na sinabi sa akin ni Brother Hu, at sinabi ko, "Nakita mo na, Inay? Napakalinaw na nakasaad ang lahat dito sa internet, at madalas ding sabihin sa atin ng ating pastor na huwag nating alamin ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan. Sana sabihin mo po sa akin na hindi ka na makikipag-ugnayan sa kanila mula ngayon."
Hindi tiningnan ng aking ina ang mga negatibong publisidad, ngunit nagpatuloy lamang sa mahinahong pagsasalita sa akin, sinasabing, "Mahal kong anak, ang pamahalaang Chinese Communist ay isang organisasyong ateista na nasusuklam sa pagpapakita at gawain ng Diyos at kinapopootan ang sinumang may paniniwala sa relihiyon. Sa China, ang Protestanismo at Katolisismo ay kinukundena ng pamahalaang CCP bilang mga kulto, at ang Biblia ay kinukundena bilang isang aklat ng mga kulto, hindi mabilang na kopya nito ang sinunog o sinira, at ngayon hindi ito pinahihintulutang ibenta sa China. Maraming Protestante at Katoliko ang dinakip, inusig at ibinilanggo ng pamahalaang CCP, at ang ilan ay nilumpo o pinatay. Tinuligsa nang matindi ng mga grupo ng pandaigdigang karapatang pantao at ng mga bansa sa kanluran ang pamahalaang Chinese Communist nang maraming beses. Talaga bang mapapaniwalaan mo ang mga salita ng gayong kasamang rehimen na kumakalaban sa Diyos? Karapat-dapat ba itong tumasa at kumundena ng pagpapakita at gawain ng Diyos? At bakit hindi tayo pinahihintulutan ng mga pastor at mga elder na alamin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang kanila bang mga kilos ay alinsunod sa mga turo ng Panginoon? Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, 'Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit' (Mateo 5:3). Makikita natin sa mga salita ng Panginoon na ninanais ng Panginoon na maging bukas ang isipan natin sa paghahanap na masigasig na nagsisiyasat kapag narinig natin na pinatototohanan ng isang tao ang pagbabalik ng Panginoon, dahil sa paraan lamang na iyan malugod nating matatanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Mahal kong anak, bilang mga mananampalataya sa Panginoon, bakit nakikinig tayo sa mga opinyon ng ibang mga tao ngunit hindi sinusunod ang mga salita ng Panginoon? Kung naniniwala tayo sa sinasabi ng pastor at sa mga negatibong publisidad na inilabas ng napakasamang rehimeng iyan, at nagsasawalang-kibo tayo at mapagdepensa kapag naririnig natin ang pagpapatotoo ng isang tao sa pagbabalik ng Panginoon, iyan ba ay ayon sa kalooban ng Panginoon? Sa paggawa niyan, hindi ba't kinakalaban natin ang mga salita ng Panginoon? Ang mga mananampalatayang Judio sa panahon ni Jesus ay hindi hinanap o inalam ang mga salita at gawain ng Panginoon, bagkus ay nagbulag-bulagan at naniwala sa ginawang mga kasinungalingan ng mga Fariseo tungkol sa Panginoon, at dahil dito kanilang tinanggihan at kinundena ang Panginoong Jesus at sa huli ay ipinako Siya sa krus at sila ay pinarusahan ng Diyos. Dapat nating matutuhan ang aral sa kabiguan ng mga Judio at hindi mapalampas ang ating pagkakataon na malugod na matanggap ang Panginoon. Ipinropesiya ito nang maraming beses sa Pahayag: 'Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia' (Pahayag 2, 3). Mula sa talatang ito makikita natin na, kapag bumalik ang Panginoon, Kanya ring ipahahayag ang Kanyang mga salita, at kung nais nating malugod na matanggap ang Kanyang pagbabalik, dapat tayong matutong makinig sa tinig ng Diyos. Sa pagbabasa at pagsasaliksik lamang ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos malalaman mo kung ang mga ito ay tinig ng Diyos." Pagkasabi niya nito, kinuha ng aking ina ang isang aklat na may pamagat na Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw at ibinigay sa akin.
Tiningnan ko ang aklat sa kanyang mga kamay pero hindi ko ito kinuha. Dahil hindi ko pa rin maaaring matanggap ang mga sinasabi niya, sinabi ko na lamang, "Ayaw kong basahin iyan," pagkatapos ay tumalikod at pumunta ako sa aking silid.
Habang nakaupo sa mesa ko, huminahon ako at pinag-isipan ang mga sinabi ng aking ina. Sinabi ko sa aking sarili: "Hindi naman talaga mali ang sinabi ni Inay. Pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan na bumalik na ang Panginoon, ngunit nagbulag-bulagan lang ako at naniwala sa mga sinasabi ng pastor at naniwala sa mga negatibong publisidad na inilabas tungkol sa Kidlat ng Silanganan ng pamahalaang Chinese Communist nang hindi man lang binabasa ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Naisip ko na ito ay tila isang di-makatuwirang pasiya na ginawa ko. Kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at tumanggi akong tanggapin Siya, kung gayon pinalampas ko ang aking pagkakataon na malugod na tanggapin ang Panginoon. Ngunit palaging ipinapangaral sa amin ng pastor na magsisilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at kung mangyayaring malihis ako, hindi ba't mauuwi sa wala ang pananampalataya ko sa Panginoon?" Nag-alangan ang aking puso, at hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, kaya nanalangin ako sa Panginoon: "Oh Panginoon! Palagi kong inaasam ang Iyong pagbabalik ngunit natatakot ako ngayon na malinlang ng mga huwad na Cristo na magsisilitawan sa mga huling araw. Oh Panginoon! Ang mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan ay nagpapatoto0 na Ikaw ay nagbalik na, kaya kung Ikaw ay tunay na nagbalik bilang Makapangyarihang Diyos, hinihiling ko na liwanagan Mo ako at gabayan ako, at pahintulutan akong makilala ang Iyong tinig."
Nang sumunod na araw, muli akong hinikayat ng aking ina na dumalo sa isa sa kanyang mga pagtitipon. Matapos ang ilang pag-aatubili, nagpasiya akong makinig online sa kung anumang sasabihin nila. Nang kasisimula pa lamang ng pagtitipon, nakadama ako ng labis na pagkabalisa at talagang hindi ako nakinig sa ibinabahagi ng mga kapatid na lalaki at babae. Kalaunan, nagbahagi si Brother Zhang ng tungkol sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos gayon din ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Diyos sa mga huling araw; naantig ang aking puso at habang patuloy akong nakikinig, lahat ng ito ay lalong naging mas maganda at mas bago sa aking pakiramdam. Bagama't dati na akong dumadalo sa mga klase sa pag-aaral ng Biblia, ang sinasabi lamang ng mga mangangaral ay tungkol sa mahimalang katangian ng gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga himalang ginawa Niya, o kaya'y nagsasabi ng tungkol sa kung paano sinunod ng mga banal noon ang Diyos para magawa ang mga tagubilin ng Diyos, at iba pa. Hindi nila kailanman binanggit ang anumang tungkol sa plano ng pamamahala ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Dahil sa ibinahagi ni Brother Zhang nagtamo ako ng bahagyang pagkaunawa hinggil sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan; lahat ng bagay na ito ay hindi ko kailanman naunawaan noon kahit nabasa ko na ang Biblia nang maraming taon. Sa oras na natapos ang pagtitipon, nagbago ang isip ko. Nagpasiya ako na sisiyasatin ko muna ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at na buburahin ko ang recording na ginawa ko sa pag-uusap namin ng aking ina.
Sa oras ng patitipon namin sa ikatlong araw, tinalakay namin ang pagkakaiba ng matatalinong dalaga at ng mga mangmang na dalaga. Sinabi ni Brother Zhang, "Ang matatalinong dalaga ay matatalino dahil inasam nila ang pagpapakita ng Diyos at alam kung paano makikinig sa tinig ng Diyos. Sila ay matatalino, nagtataglay ng kakayahan, at sila ay mga taong nagmamahal at naghahanap ng katotohanan. Kaya nga, nang marinig nila ang balita na dumating ang Panginoon, masigasig silang naghanap at nagsaliksik-ang mga taong tulad nito ay hindi malilinlang ng mga huwad na Cristo. Ang mga mangmang na dalaga ay hindi nagmamahal ng katotohanan, hindi sila nagtutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, ni hindi nila alam kung paano ito pakinggan; sila ay nalilito at hindi makahiwatig at, hinggil sa pagdating ng Panginoon, ang mapanghahawakan lamang nila ay ang sarili nilang pagkaunawa at mga imahinasyon para tanggihan at kundenahin ang gawain ng Diyos. Halimbawa, hindi pinahahalagahan ng ilang kapatid na lalaki at babae ang pakikinig sa mga salita ng Panginoon sa kanilang pananampalataya sa Kanya, ngunit sa halip naniniwala sila sa sinasabi ng mga pastor at mga elder. Anuman ang sabihin ng mga pastor at elder, iyan ang pinaniniwalaan nila at, bagama't naniniwala sila sa Panginoon sa pangalan, ang totoo ay tinutularan at sinusunod nila ang mga pastor at mga elder. Pagkatapos may ilan pang mga kapatid na lalaki at babae na nakatuon lamang sa pagbabantay nang nagbubulag-bulagan laban sa mga huwad na Cristo, at hindi sila naghahanap o nagsasaliksik kahit narinig na nila na ipinalalaganap ng isang tao ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon-hindi ba't katulad ito ng hindi pagkain sa takot na mabulunan? Ang mga tao bang tulad nito ay may kakayahang malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon?"
Ang mga salita ni Brother Zhang ay nagbigay sa akin ng biglaang pagdaloy ng kaalaman, at naisip ko, "Tama iyan! Sa loob ng mahabang panahon, naniwala ako sa mga ipinangangaral ng aking pastor, at hindi ko inalam ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kung tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ba't nahayag ako bilang isang mangmang na dalaga? Sinabi ng Panginoong Jesus, 'Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan' (Mateo 7:7). Palagi kong inasam na malugod na matanggap ang Panginoon at nagpapatotoo ngayon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na bumalik na ang Panginoon. Dapat akong maging isang matalinong dalaga at masigasig na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, dahil iyan lamang ang naaayon sa kalooban ng Diyos." At dahil dito, nagpasiya ako na alamin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Sa pagtitipon kinabukasan, itinanong ko, "Brother, ibinahagi mo kahapon na ang susi sa pagiging matalinong dalaga ay ang magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Nadama ko na tila mayroon na ako ngayong landas na tatahakin para masiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit madalas sabihin ng aking pastor sa kanyang mga sermon na maglilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw para linlangin ang mga tao, kaya paano natin makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo? Hindi ko nauunawaan ang aspetong ito ng katotohanan, kaya naisip ko kung maaari ka bang magbahagi sa akin ng tungkol dito?"
Sinabi ni Brother Zhang, "Napakahalaga ng tanong mo dahil tuwiran itong nauugnay sa kung malugod ba nating matatanggap o hindi ang pagbabalik ng Panginoon. Hangga't mauunawaan natin ang katotohanan tungkol sa paraan kung paano makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo, gaano man subukang gayahin ng mga huwad na Cristo ang Diyos, mananatili tayong hindi nalilinlang nila. Tungkol sa kung paano makikila ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo, sinasabi ng Panginoon, 'Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang' (Mateo 24:23-24). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Panginoon na ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw ay gagamit halos ng mga tanda at mga kababalaghan para malinlang ang mga tao. Dahil wala sa mga huwad na Cristo ang katotohanan at ang diwa nila ay sa yaong masasamang espiritu at mga demonyo, ang magagaya lamang nila ay ang gawain noon ng Diyos at gagawa ng ilang simpleng mga tanda at mga kababalaghan, o di kaya naman ay ipapaliwanag nang mali ang Biblia para lituhin ang mga tao sa pamamagitan ng mga teoriyang puno ng misteryo. Tanging si Cristo lamang ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at Siya lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan, makapagpapakita ng daan at makapagbibigay ng buhay. Lahat ng yaong tinatawag ang kanilang sarili na Cristo ngunit hindi makapagpahayag ng katotohanan, ay tiyak na mga huwad na Cristo at impostor, at ito ang prinsipyo kung saan makikilala natin ang pangunahing kaibhan ng mga huwad na Cristo."
Matapos pakinggan ang ibinahagi ng kapatid, muli kong binasa nang mabuti ang siping ito ng Banal na Kasulatan at bigla na lang naging malinaw ang lahat: "Oo, talagang sinasabi sa Biblia na ang mga huwad na Cristo ay gagawa ng mga dakilang tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Kaya paanong hindi makikita ng mga pastor na iyon na mahusay sa Biblia ang prinsipyong ito kung saan makikilala natin ang mga huwad na Cristo?"
Nagpadala si Brother Zhang ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: "Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. ... Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit-kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus-uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangan mong malinawan ito" ("Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nagbahagi si Brother Zhang, sinasabing, "Makikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman lumang Diyos, at hindi Niya kailanman ginawa ang iisang gawain nang dalawang beses. Sa tuwing magpapasimula ang Diyos ng bagong yugto ng gawain, nagpapahayag Siya ng bagong mga salita at nagbibigay sa tao ng bagong mga landas ng pagsasagawa. Nang dumating ang Panginoong Jesus, halimbawa, Hindi Niya inulit ang gawain ng pagpapahayag ng mga batas at mga utos, ngunit sa halip ginamit Niya ang gawaing iyan bilang batayan para gampanan ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan, at nagbigay Siya sa mga tao sa panahong iyan ng mga bagong paraan na isasagawa. Halimbawa, itinuro Niya sa mga tao na magtapat at magsisi, mahalin ang kanilang mga kaaway, matutong magpatawad, mahalin ang isa't isa, at iba pa. Ngayon dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at hindi Niya inulit muli ang paraan sa pagsisisi, bagkus ginagamit Niya ang gawin ng pagtubos bilang batayan sa pagganap ng gawain ng paghatol at pagdalisay sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Sa yugtong ito ng gawain, ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit sa halip ipinapahayag ang Kanyang mga salita nang praktikal upang ihayag ang ating tiwaling mga disposisyon at hatulan ang ating pagiging hindi matuwid. Kasabay nito, ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ang lahat ng katotohanan na kinakailangan natin para matamo ang tunay na pagliligtas at ipinauunawa Niya sa atin ang landas tungo sa pagbabago ng disposisyon, sa pamamagitan nito maiwawaksi natin ang tiwali nating mga disposisyon at maaakay ng Diyos tungo sa Kanyang kaharian. Ang karamihan sa mga huwad na Cristo, sa kabilang banda, ay sinasaniban ng masasamang espiritu at lahat ay kakaiba ang kayabangan at kakatwa. Hindi nila nagagawang makapagsimula ng bagong mga kapanahunan, ni hindi nila magagawang wakasan ang mga kapanahunan, lalo na ang magpahayag ng katotohanan para maipakita sa mga tao ang landas tungo sa pagbabago ng disposisyon. Ang magagawa lamang nila ay gayahin ang gawain noon ng Panginoong Jesus at gumawa ng mga simpleng tanda at kababalaghan para malinlang ang mga tao. Gayunpaman, tungkol sa dakilang mga himala na ginawa ng Panginoong Jesus, gaya ng pagbuhay sa patay at pagpapakain ng limang libong katao sa pamamagitan ng dalawang isda at limang piraso ng tinapay, hindi basta magagaya ng mga huwad na Cristo ang mga gawang ito, dahil tanging Diyos lamang ang nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, at hindi kailanman makakamtan ng mga huwad na Cristo ang gayong mga bagay.
Dahil sa pagbabahagi ng kapatid noon ko lamang naunawaan na ang gawain ng Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at ang makakaya lamang gayahin ng mga huwad na Cristo ay ang gawain noon ng Diyos at gumagawa ng ilang simpleng tanda at kababalaghan. Wala silang kakayahan, gayunman, na gawin ang gawain ng Diyos, at hangga't nauunawaan natin ang mga prinsipyo sa likod ng gawain ng Diyos, hindi tayo malilinlang. Sa nakalipas na panahon, palagi akong natatakot na malinlang at dahil dito hindi ako nagkalakas-loob na pakinggan ang anumang sermon na ibinigay ng Kidlat ng Silanganan, lalo na ang hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa halip, itinago ko ang aking sarili sa iglesia, nakinig ng mga sermon doon at nagpuri sa Panginoon, iniisip na ito ang pinakaligtas na gawin, at na makakasama kong muli ang Panginoon balang-araw. Iniisip ito ngayon, gayunman, sa pagiging sobrang walang kibo at mapagdepensa at hindi masigasig sa paghahanap ng mga pagbigkas ng Panginoon sa mga huling araw ay talagang madali kong mapapalampas ang aking pagkakataon na malugod na matanggap ang Panginoon.
Ipinagpatuloy ni Brother Zhang ang kanyang pagbabahagi, sinasabing, "Ang Diyos ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at bukod sa mga paraan para makilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo sa pamamagitan ng mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, makikilala rin natin sila sa pamamagitan ng diwa ni Cristo." Sa puntong iyan, nagpadala si Brother Zhang ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: "Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka't Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni't hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao't madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni't ito'y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo" ("Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nagpatuloy si Brother Zhang sa kanyang pagbabahagi, sinasabing, "Makikita natin sa mga salita ng Diyos na si Cristo ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos-nagtataglay Siya ng banal na diwa, ginagampanan Niya ang gawain ng Diyos, ipinapahayag Niya ang disposisyon ng Diyos, maipapahayag Niya ang katotohanan para palakasin at patnubayan ang tao sa anumang oras at sa anumang lugar, at tanging si Cristo ang makagagawa sa gawain ng pagliligtas sa tao. Ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, halimbawa, at ang Kanyang pagpapakita at gawain ang tumapos sa Kapanahunan ng Kautusan at nagpasimula sa Kapanahunan ng Biyaya. Sinambit din Niya ang Kanyang mga salita para pagkalooban ang sangkatauhan ng paraan ng pagsisisi, upang malaman nila nang malinaw ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mabigyan sila ng isang paraang susundin kapag nagkaroon ng mga pagsubok. Sa pamamagitan ng mga salita ng Panginoong Jesus, naunawaan ng tao kung paano manalangin sa Panginoon, kung paano makitungo sa isa't isa, kung paano magpatawad sa isa't isa, at iba pa. Higit pa rito, ipinahayag ng Panginoong Jesus ang Kanyang disposisyon na magiliw na pagmamahal at pagkahabag, Siya ay nagpagaling ng mga maysakit, nagpalayas ng mga demonyo at nagkaloob ng walang hanggang biyaya sa tao. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus para tubusin ang sangkatauhan, sa gayon natapos ang gawain na tubusin ang buong sangkatauhan at iligtas tayo mula sa mga gapos at mga tanikala ng batas, gayon din ang iligtas tayo mula sa panganib na makundena at maparusahan ng kamatayan dahil sa paglabag sa batas. Ilan lamang ito sa mga bagay na ginawa ng Panginoong Jesus, at walang sinuman ang makahahalili sa Kanya sa paggawa ng mga ito. Mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, makikita natin na Siya ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Gayon din, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao sa mga huling araw at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nagpahayag na Siya ng napakaraming salita, ginampanan Niya ang gawain ng paghatol at pagkadalisay, at ipinapahayag ang matuwid na disposisyon ng Diyos na maringal, mabagsik at di-naaagrabyado. Ang mga salitang binanggit ng Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang naghahayag ng misteryo ng buong plano ng pamamahala ng Diyos at ng wakas at huling hantungan ng tao, ngunit ipinapaliwanag din ng mga ito nang buong linaw ang mga katotohanang kinakailangan natin para madalisay at makamtan ang tunay na pagliligtas ayon sa ating mga pangangailangan. Halimbawa, ipinapaliwanag Niya kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang tao, ang katotohanan ng pagiging tiwali ng tao sa mga kamay ni Satanas, kung paano hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang tiwaling mga disposisyon ng tao, kung paano mananampalataya ang tao sa Diyos at susunod sa Diyos, kung anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos at kung anong uri ng tao ang kinasusuklaman at inaalis Niya, kung paano tayo magsusumigasig upang magawang perpekto ng Diyos, at iba pa. Sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, malinaw nating nakikita ang diwa at ugat ng ating katiwalian dahil kay Satanas at nauunawaan na natin ang matuwid, banal at di-naaagrabyadong disposisyon ng Diyos. Pagkatapos wala tayong magagawa kundi ang magpatirapa sa lupa sa harapan ng Diyos nang may tunay na pagsisisi, tayo ay nagiging mas mapitagan at masunurin sa Diyos at unti-unti, iwinawaksi natin ang ating napakatiwaling mga disposisyon, pinalalaya ang ating sarili mula sa mga gapos ng kasalanan at tinatamo ang tunay na pagliligtas ng Diyos. Ang mga pagbigkas at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nagdadala sa atin ng katotohanan, ng daan, at ng buhay-ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos Mismo at Siya ay si Cristo na nagkatawang-tao. Hindi nagtataglay ang mga huwad na Cristo ng diwa ng Diyos at hindi nila kayang maipahayag ang katotohanan, lalo na ang magampanan ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang magagawa lamang nila ay pakunwaring paghahayag para malinlang at mapinsala ang mga tao. Kapag nakinig ang tao sa kanila, wala silang matatamong lakas na anuman, kundi higit sa lahat, ang kanilang mga puso ay padilim nang padilim, pasama nang pasama, walang masusulingan saanman, at sa huli sila ay walang salang lalamunin ni Satanas. Kung gayon, malalaman natin mula sa mga pagbigkas at gawain ng Diyos, at sa ipinapahayag na disposisyon ng Diyos kung Siya nga ang nagkatawang-tao na si Cristo.
Matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang ibinahagi ng kapatid, lubos kong naunawaan ang katotohanan tungkol sa kung paano makikilala ang totoong Cristo at ang mga huwad na Cristo. Tanging si Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at tanging si Cristo ang makapaghahayag ng katotohanan at makagaganap ng gawain ng Diyos Mismo. Lahat ng yaong tinatawag ang kanilang sarili na Cristo ngunit hindi makapagpahayag ng katotohanan at hindi makagaganap ng gawain ng pagliligtas sa tao ay mga huwad na Cristo. Sa wakas ay nahanap ko na ang daang tatahakin at hindi na nagbulag-bulagan at walang kibo dahil sa takot na malinlang ng mga huwad na Cristo. Salamat sa Diyos!
Pagkatapos niyon, nagbahagi si Brother Zhang sa akin ng iba pang mga katotohanan, tulad ng misteryo ng pagkakatawang-tao, ang pagkakaiba ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao, ang nakapaloob na kuwento tungkol sa Biblia, at marami pang iba. Habang patuloy akong nakikinig, mas lalo akong nakadama ng kasiyahan, at inasam ko araw-araw na dumalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid na lalaki at babae. Tuwing matatapos ang pagtitipon, tatalakayin namin ng aking ina ang bagong kaalaman na natamo namin sa pagtitipon, at unti-unti, bahagya kong naunawaan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos ng ilang panahong paghahanap at pagsasaliksik, natiyak ko na tunay ngang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, Pagkatapos ay nagsimula na akong ipalaganap ang ebanghelyo at ibalita ang pagbabalik ng Panginoon sa mas maraming tao na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos.
Kalaunan, nagpunta kami ng aking ina sa dati naming iglesia para dumalo ng samba sa araw ng Biyernes. Pagkatapos ng pagtitipon, sa aming pagkabigla, nagsimulang magpalabas ang pastor ng video na naglalahad ng mga maling paratang laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang makita ko ang ginawang mga kasinungalingan at paninirang-puri nila laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagalit ako, at naisip ko: "Walang katotohanan ang lahat ng sinasabi nila tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Wala silang kontak sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at hindi rin nila siniyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya paano nila magagawa ito nang walang basehan at basta na lang hinusgahan ang gawain ng Diyos?"
Pagkatapos mapanood ang video, iniutos ng pastor, dalawang diyakono at dalawang miyembro ng kapulungan ng iglesia na maiwan kami ng aking ina. Itinanong sa amin ng pastor, "Kayo bang dalawa ay nananampalataya na sa Makapangyarihang Diyos?" Sumagot kami, "Oo."Sa sandaling sinabi namin ito, kaagad napatayo ang isa sa mga diyakono at, itinuturo ang aking ina, mabalasik na sinabi, "Naniniwala ka na ngayon sa Makapangyarihang Diyos? Mula bukas, hindi ka na pahihintulutang magturo sa Sunday school. Bukas ng hapon, pupunta ako sa bahay ninyo at kukunin ang pera ng iglesia."
Sinabi ng aking ina, "Maaari mo itong kunin kahit anong oras mo gustuhin."
Galit na itinanong ng pastor, "Ang buong mundo ng relihiyon ay tumututol at kumukundena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit ka magpupumilit na makipag-ugnayan sa kanila?"
Sumagot ang aking ina, sinasabing, "Pastor, taglay ba ng mundo ng relihiyon ang katotohanan? Sinabi ba ng Panginoong Jesus na sa pagsunod lamang sa mundo ng relihiyon ay malugod nating matatanggap ang Panginoon? Nang magpakita ang Panginoong Jesus at ginampanan ang Kanyang gawain sa lahat ng taon na iyon na nakalipas, hindi lamang tinanggihang hanapin o siyasatin ng mga lider mismo ng mga Judio ang Kanyang gawain, ngunit hinadlangan din nila ang mga mananampalataya na tanggapin ito, at gumawa pa ng mga kasinungalingan tungkol sa Panginoong Jesus, napopoot na tinanggihan, hinusgahan at nilapastangan Siya. Sa huli, nagkasala sila sa disposisyon ng Diyos at sa gayon sila ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Kung susunod kami sa sinasabi mo, na ang anumang paraan na tinututulan at kinukundena ng mundo ng relihiyon ay hindi ang tamang daan, hindi ba't nangangahulugan iyan na itinatatwa mo maging ang gawain ng Panginoong Jesus? Ayaw mong hanapin o saliksikin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw dahil tinututulan at kinukundena ng mundo ng relihiyon ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-naaayon ba ito sa mga salita ng Panginoon? Bilang pastor at mga diyakono ng iglesia, bakit basta na lang ninyo kinukundena at hinuhusgahan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang hindi man lang nag-abalang alamin ito? Sa pamamagitan ng pagbabasa ng marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sa pagkaunawa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at na ang mga ito ay tinig ng Diyos, natiyak namin na ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus." Nagulat ako nang magpakita sila ng mapang-uyam na pagwawalang-bahala sa sinabi ng aking ina at hindi ito tinanggap.
Nagbukas ang aking ina ng isang app sa kanyang phone at binasa sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos isa sa mga miyembro ng kapulungan ng iglesia ang buong yabang na nagsalita at nagsabi ng ilang kalapastanganan tungkol sa Makapangyarihang Diyos. Galit na sinabi ng aking ina, "Napakayabang mo. Ang mga salitang ito ang katotohanan-hindi mo ba kayang makilala ito? Hindi mo ba mauunawaan ang tinig ng Diyos nang marinig mo ito? Talaga bang tupa ka ng Diyos?"
Sa mapang-uyam na ngiti, tinitigan nila kami nang may pagmamataas. Pagkatapos ay mayabang na sinabi ng pastor, "Ang Isa na hinihintay namin ay ang Panginoong Jesus na may mga sugat ng pako sa Kanyang mga kamay at na darating sa anyo ng isang Judio. Maliban sa Panginoong Jesus, wala kaming kahit anong tatanggapin, kahit katotohanan pa ang ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos." Nakita ang katigasan ng kanilang ulo, hindi na namin sinubukan ng aking ina na kausapin pa sila. Nakita ko na ang ugali nila ay kaparehong-kapareho ng mga Fariseo na tumanggi sa Panginoong Jesus; naniwala sila sa Diyos ngunit hindi nila hinanap ang katotohanan, ni nagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Sa halip, sila ay mayayabang at palalo lamang, ipinagpilitan nila ang kanilang sariling pagkaunawa at mga imahinasyon at basta na lang nila hinusgahan at tinanggihan ang gawain ng Diyos-sila talaga ang mga yaong tila naglilingkod sa Diyos ngunit ang totoo sila ang mga yaong tumanggi sa Kanya.
Pinagbantaan kami ng pastor, sinasabing, "Bibigyan namin kayo ng isang buwan para makapag-isip. Kung patuloy pa rin ninyong ipagpipilitan ang inyong pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos sa loob ng isang buwan, tatanggalin ko kayo sa iglesia."
Galit kong sinabi, "Hindi na ninyo kailangan pang maghintay ng isang buwan. Tanggalin na ninyo kami ngayon. Sa pag-uukol ng panahon sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, nakatitiyak na kami na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Narinig na namin sa wakas ang tinig ng Diyos, kaya kahit hindi ninyo kami tanggalin, hindi na rin kami babalik para dumalo ng mga pagtitipon sa iglesiang ito."
Ibinaba ng pastor ang kanyang tinig at mahinahong sinabi, "Hindi puwede iyan. Kung tatanggalin namin kayo ngayon, ano na lang ang iisipin sa amin ng mga kapatid na lalaki at babae? Sasabihin nila na tinanggal namin kayo dahil lamang sa pagdalo sa ilang pagtitipon online, at pagkatapos magmumukha kaming walang awa. Sa loob ng isang buwan, sasabihin namin sa mga kapatid na lalaki at babae sa ating iglesia na ginawa namin ang lahat para payuhan kayo at binigyan kayo ng mahabang panahon para mapag-isipan ito, ngunit sa huli nagpumilit pa rin kayo na manampalataya sa Makapangyarihang Diyos at nagpasiyang lisanin ang iglesia, at saka lamang namin kayo tinanggal."
Nang marinig ang sinabing ito ng pastor, nakadama ako ng pagkasuklam, at ayaw ko nang magsalita pa sa kanila. Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad, hawak ang aking ina. Habang papaalis kami, binalaan kami ng pastor: "Nasa inyo na kung mananampalataya kayo sa Makapangyarihang Diyos o hindi, ngunit hindi ko na kayo tutulutang makipag-ugnayan sa sinuman sa mga kapatid na lalaki at babae sa aming iglesia."
Nang lisanin namin ang iglesia, pasado ala-una na ng umaga. Nang pag-isipan ko ang katatapos na pangyayari, hindi ako makapaniwala na ang pastor, ang mangangaral na lagi naming hinahangaan dahil sa kanyang moralidad at kabutihan ay ganoon ang gagawin. Kapagdaka, pumasok sa isipan ko ang mga salita ng Diyos: "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni't ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may 'matipunong laman,' paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?" ("Lahat ng Taong Hindi Kilala ang Diyos ay mga Taong Kontra sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Noon pa man inisip ko na ang mga pastor at mga elder ay mga tagapaglingkod ng Panginoon at na sila dapat ang mayroong pinakamahusay na pagkaunawa sa Biblia at ang pinakamasunurin sa kalooban ng Diyos. Palagi kong naiisip na, kapag bumalik ang Panginoon, tiyak na malugod nilang matatanggap ang Panginoon. Hindi ko kailanman inakala na kapag narinig ng pastor ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, hindi lamang niya sa hindi hahanapin o sisiyasatin ito, kundi magiging napakayabang at mapagmagaling din siya, ipagpipilitan ang kanyang sariling pagkaunawa at mga opinyon, at huhusgahan at kukundenahin niya ang Diyos at ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Wala siyang pusong may takot sa Diyos, kaya nga sa pagkukunwaring "pinoprotektahan ang kawan," hinadlangan at pinigilan niya ang mga mananampalataya na saliksikin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw para lamang mapanatili ang kanyang sariling katayuan at kabuhayan. Para sa mga yaong mananampalataya na tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang ginawa ng mga pastor at mga elder ay takutin sila ng mga pagbabantang tatanggalin sila sa iglesia at inutos pa sa iba pang mga kapatid na lalaki at babae sa kanilang iglesia na huwag silang tanggapin nang sa gayon ay hindi sila makapangaral ng ebanghelyo sa kanilang mga kapatid na lalaki at babae. Talagang mga balakyot at masasama sila! Upang mapanatili ang kanilang mga katayuan at kabuhayan, ang mga Fariseo sa panahon ni Jesus ay tinanggihan at kinundena nang matindi ang Panginoon at ipinako Siya sa krus. Kaparehong-kapareho ng mga pastor at mga elder ngayon ang ugali ng mga Fariseo-sila ang mga anticristo na inilantad ng mga salita ng Diyos sa mga huling araw, at sila ang mga demonyong lumalamon sa mga kaluluwa ng tao. Sa sandaling iyan, lubos kong naunawaan sa wakas na kapag naniniwala sa Diyos ang isang tao nang hindi nakikilala ang Diyos at ang Kanyang gawain, gaano man sila tila nahihirapan o gaano man nila tila ginugugol ang sarili, lagi nilang tatanggihan ang Diyos at magkakasala sa disposisyon ng Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanilang kayabangan at palalong masamang mga disposisyon.
Sa sandaling iyan, ang tanging nagawa ko ay pasalamatan at papurihan ang Diyos sa aking puso. Iniisip ang nangyari noon, ako ay nalinlang ng tila banal na anyo ng mga pastor at mga elder at sa tuwina ay inidolo sila, tinularan at sinunod sila. Tungkol sa malugod na pagtanggap sa Panginoon, sinunod ko rin sila at tinanggihan ang Diyos. Inilantad sila ng Diyos kung sino talaga sila para makita ko, sa wakas, ang napopoot sa katotohanan, napopoot sa Diyos na masamang pag-uugali ng mga pastor at mga elder, at nagawa ko na makalabas sa masalimuot na landas na inilatag nila para sa akin at malugod na natanggap ang pagbabalik ng Panginoon. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagliligtas sa akin, at hangad ko na masigasig pang kamtin ang katotohanan sa landas ng pananampalataya sa Diyos upang maaaring masuklian ko ang pagmamahal ng Diyos!