Dumating na ang Mga Huling Araw: Ikaw ba ang Tupa na Sumusunod sa mga Yapak ng Diyos?
Ngayon, ang mga sakuna ay patuloy na nagaganap sa buong mundo, at ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay natupad na. Samakatuwid, ang Panginoon ay maaaring bumalik na. Paano natin mahahanap ang mga yapak ng Diyos at masalubong ang Panginoon?
Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27).
Sabi ng Diyos, "Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos-sapagka't kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang 'Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.' At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali!"
Maaari nating makita mula sa mga salita ng Diyos na maririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig at ang susi sa pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Ngayong mga araw na ito, maraming tao ang nagpapatotoo sa mga online platform na ang Panginoon ay bumalik, at na Siya ay nagbigkas ng milyun-milyong mga salita at ginagawa ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa tao sa pundasyon ng gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus. Pagkarinig ng balitang ito, dapat tayong gumawa ng may pagkukusa upang maghanap at mag-imbestiga. Hangga't makikilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng bumalik na Panginoon, at pagkatapos ay tanggapin at sundin Siya, masusundan natin ang mga yapak ng Diyos at masasalubong ang Panginoon.
________________________________
Ang mga sakuna sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay pangunahing natutupad na. Maraming tao ang may hinagap na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon?
Sumnod: Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos
Sinundan: Pagtuklas sa Misteryo ng Paghatol
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.