Makapangyarihang Diyos | Magtuon nang Higit na Pansin sa Realidad
Makapangyarihang Diyos | Magtuon nang Higit na Pansin sa Realidad
Taglay ng bawat tao ang posibilidad na gawing perpekto ng Diyos, kaya dapat maunawaan ng bawat isa kung anong paglilingkod sa Diyos ang ganap na angkop sa mga layunin ng Diyos. Hindi alam ng karamihan sa mga tao kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos at walang ideya kung bakit dapat silang maniwala sa Diyos. Ibig sabihin, karamihan sa mga tao ay walang pagkaunawa sa gawain ng Diyos o sa layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos. Hanggang sa kasalukuyan, iniisip pa rin ng karamihan sa mga tao na ang paniniwala sa Diyos ay tungkol sa pagpunta sa langit at ang kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa. Wala pa rin silang ideya ukol sa partikular na kabuluhan ng paniniwala sa Diyos, at higit pa rito wala silang taglay na anumang pagkaunawa ukol sa pinakamahalagang gawain ng Diyos sa Kanyang plano ng pamamahala. Para sa lahat ng uri ng kanilang sariling mga katwiran, ang mga tao ay hindi man lamang nagkakaroon ng anumang interes sa gawain ng Diyos at hindi nagbibigay ng anumang saloobin sa mga layunin ng Diyos o sa plano ng pamamahala ng Diyos. Bilang isang indibidwal sa ganitong daloy, dapat malaman ng bawat tao kung ano ang layunin ng kabuuang plano ng pamamahala ng Diyos, ang mga katotohanan na tinupad na ng Diyos, bakit pinili ng Diyos ang grupong ito ng mga tao, kung ano ang mga layunin nito at kabuluhan, at kung ano ang nais matamo ng Diyos sa grupong ito. Sa lupain ng malaking pulang dragon, nagawa ng Diyos na itaas ang gayong grupo ng mga taong di-pansinin, at nagpapatuloy Siyang gumagawa hanggang sa ngayon, sinusubukan at ginagawa silang perpekto sa lahat ng uri ng mga paraan, nagsasabi ng hindi mabilang na mga salita, nagsasagawa ng maraming gawain at nagpapadala ng napakaraming mga gamit serbisyo. Mula sa pagsasakatuparan ng Diyos sa gayon kalaking gawain, maaaring makita na napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos. Hindi pa kayo makakikita dito nang buo. Kung gayon, huwag ninyong ituring ang gawain na ginawa sa inyo ng Diyos bilang isang simpleng bagay; hindi ito isang maliit na bagay. Ang ipinakikita pa lamang sa inyo ng Diyos sa kasalukuyan ay sapat na upang magbulay kayo at makaunawa. Tanging kapag tunay at ganap ninyong maunawaan ito saka kayo makakaranas nang mas malalim at makagagawa ng pagsulong sa inyong buhay. Ang nauunawaan ng mga tao at ginagawa sa ngayon ay talagang napakakaunti at hindi lubos na nakapagpapalugod sa mga layunin ng Diyos. Ito ang kakulangan ng tao at ang kabiguan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga resulta na dapat matamo ay hindi natamo. Ang Banal na Espiritu ay walang paraan na gumawa sa maraming mga tao sapagka't mayroon silang gayong kababaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos at hindi nakahanda na ituring ang gawain sa tahanan ng Diyos bilang isang bagay na mahalaga. Walang paltos silang napipilitan lamang para makaraos, o kaya ay sumusunod lang sa karamihan, o gumagawa lang bilang palabas. Sa kasalukuyan, dapat maalala ng bawat tao sa daloy na ito kung ang ginawa ninyo ay ang lahat na ng inyong makakaya, at kung ibinuhos ninyo ang lahat ng inyong pagsisikap. Hindi tinupad ng mga tao ang kanilang mga tungkulin sa anumang paraan. Hindi sa hindi ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain nguni't dahil sa hindi ginagawa ng mga tao ang sa kanila, na nagiging imposible para sa Banal na Espiritu na gawin ang Kanyang gawain. Tapos na ang Diyos sa pagpapahayag sa Kanyang mga salita, nguni't hindi sila nakapamalagi sa anumang paraan at napag-iwanan, hindi nagawang makaagapay sa bawat hakbang, hindi nagawang sundan nang malapitan ang mga yapak ng Cordero. Kung ano ang dapat nilang sundin ay hindi nila sinusunod; kung ano ang dapat nilang isagawa ay hindi nila isinasagawa; kung ano ang dapat nilang ipanalangin ay hindi nila ipinanalangin; kung ano ang dapat nilang alisin ay hindi nila inaalis. Hindi nila ginawa ang alinman sa mga bagay na ito. Kung gayon, ang usapang ito na pagpunta sa piging ay walang laman at walang totoong kahulugan sa anumang paraan. Ito ay sa sariling guni-guni ng mga tao. Maaaring sabihin na sa kasalukuyan hindi tinupad ng mga tao ang kanilang tungkulin sa anumang paraan. Ang lahat ay nakasalalay sa paggawa at pagsasabi ng Diyos Mismo sa mga bagay, samantalang ang gampanin ng mga tao ay talagang napakakaunti lahat. Silang lahat ay walang kabuluhang basura na hindi alam kung paano makikipagtulungan sa Diyos. Ang Diyos ay nagsalita na ng daan libong mga salita, nguni't hindi isinagawa ng mga tao ang mga ito sa anumang paraan, mula sa pagtalikod sa laman, pagtatapon sa mga pagkaunawa, pagsasagawa ng pagkamasunurin sa Diyos sa lahat ng mga bagay, pagpapaunlad sa pagkaunawa at pagkakamit ng pananaw nang sabay, ang pagpapalaya sa katayuan ng mga tao sa kanilang mga puso, pag-aalis sa mga diyus-diyosan na sumasakop sa kanilang mga puso, paghihimagsik laban sa indibidwal na mga layunin na hindi tama, hindi pagkilos batay sa kanilang mga damdamin, paggawa sa mga bagay nang patas nang walang kinikilingan, pag-iisip nang higit tungkol sa mga kapakanan ng Diyos at ang impluwensiya ng mga ito sa iba kapag sila ay nagsasalita, paggawa ng mas maraming bagay sa kapakanan ng gawain ng Diyos, pag-iisip ng kapakanan ng tahanan ng Diyos sa lahat ng kanilang ginagawa, hindi pagpahintulot sa kanilang mga damdamin na siyang tumukoy ng kanilang pag-uugali, pagtatapon sa kung ano ang nakagagalak sa kanilang laman, pag-aalis ng makasariling mga dating pagkaintindi, at iba pa. Sa totoo lang ay nauunawaan ng mga tao ang ilang mga bagay sa lahat ng mga salitang ito na hinihingi ng Diyos sa kanila, nguni't hindi nga lamang sila nakahandang isagawa ang mga ito. Paano pa makagagawa ang Diyos at pakikilusin sila? Paano nagagawa ng mga mapaghimagsik sa mga mata ng Diyos na magkaroon pa rin ng lakas ng loob na piliin ang mga salita ng Diyos upang hangaan ang mga ito? Paano sila nagtataglay ng lakas ng loob upang kainin ang pagkain ng Diyos? Nasaan ang konsensya ng tao? Hindi nila tinupad kahit paano ang mga tungkulin na dapat nilang tuparin, kaya ang pagsasalita tungkol sa paggawa ng lahat ng kanilang makakaya ay walang kabuluhan. Hindi ba sila mga nananaginip? Walang magiging pag-uusap tungkol sa realidad kung walang pagsasagawa. Yaon ay malinaw na katotohanan!
Dapat ay pinag-aaralan na ninyo ang mas makatotohanang mga aralin sa ngayon. Walang pangangailangan para sa gayong katayog, walang laman na pananalita na hinahangaan ng mga tao. Pagdating sa pagsasalita tungkol sa kaalaman, ang bawat tao ay mas mataas kaysa sa nauna, nguni't hindi pa rin nila taglay ang landas na isasagawa. Gaano karaming tao ang nakaintindi sa mga alituntunin ng pagsasagawa? Gaano karami ang natuto ng totoong mga aral? Sino ang makapagbabahagi tungkol sa realidad? Ang makapagsalita ukol sa kaalaman sa mga salita ng Diyos ay hindi maitutumbas sa iyong dalisay na tayog. Ipinakikita lamang nito na ikaw ay isinilang na matalino at likas na magaling. Wala pa rin itong saysay kung hindi mo maituturo ang daan, at ikaw ay walang kabuluhang basura lamang! Hindi ka lamang ba nagpapanggap kung wala kang masasabing anuman tungkol sa isang totoong landas na isasagawa? Hindi mo ba ito hinuhuwad kung hindi mo maiaalok ang iyong totoong mga karanasan sa iba, upang sa gayong paraan ay mabibigyan mo sila ng mga aral kung saan maaari silang matuto o isang landas na isasagawa? Hindi ka lamang ba isang huwad? Anong halaga ang taglay mo? Magagampanan lamang ng gayong tao ang bahagi ng "imbentor ng teorya ng sosyalismo," hindi "nakapag-aambag sa pagpapairal ng sosyalismo." Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay hindi pagkakaroon ng katotohanan. Ang pagiging walang realidad ay pagiging walang kabuluhan. Ang pagiging walang realidad ay pagiging patay na naglalakad. Ang pagiging walang realidad ay pagiging isang "Marxist-Leninist na palaisip," walang halaga bilang isang sanggunian. Hinihimok Ko ang lahat ng mga tao na manahimik tungkol sa mga teorya at magsalita tungkol sa isang bagay na totoo, isang bagay na dalisay at mahalaga, pag-aralan ang ilang "makabagong sining," magsalita ukol sa isang bagay na makatotohanan, mag-ambag ng ilang realidad, at magkaroon ng ilang diwa ng katapatan. Harapin ang realidad kapag nagsasalita at huwag makibahagi sa di-makatotohanan at labis na pagsasalita upang paligayahin ang mga tao o upang magawa nilang mag-isip ukol sa iyo sa naiibang paraan. Ano ang halaga ng gayon? Anong saysay ang mayroon sa pagpukaw ng sigasig ng mga tao para sa iyo? Maging medyo "masining" sa iyong pananalita, maging medyo mas patas pa sa iyong paggawi, maging medyo mas makatwiran pa sa iyong gawain, maging medyo mas makatotohanan pa sa pagsasalita sa mga tao, laging isipin ang kapakanan ng tahahan ng Diyos sa bawat pagkilos, hayaang gabayan ng iyong konsensya ang iyong mga damdamin, huwag tumbasan ang kagandahang-loob ng pagkasuklam, o maging di-mapagpasalamat sa kagandahang loob, at huwag maging isang ipokrito, upang hindi maging isang masamang impluwensiya. Kapag kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, lalong iugnay ang mga ito sa realidad, at kapag ikaw ay nagbabahagi, magsalita nang mas marami tungkol sa makatotohanang mga bagay. Huwag maging nakakahamak; hindi ito makasisiya sa Diyos. Maging mas matiyaga at mapagparaya pa nang kaunti, mas mapagbigay pa nang kaunti, mas mabait pa nang kaunti, at matuto mula sa "espiritu ng punong ministro."[a] Kapag mayroon kang mga saloobin na hindi maganda, sanayin ang pagtalikod sa laman nang mas madalas. Kapag ikaw ay gumagawa, magsalita nang mas marami ukol sa makatotohanang mga landas at huwag masyadong maging matayog o hindi na ito maaabot ng mga tao. Mas kaunting kagalakan, mas maraming pag-ambag-ipakita ang iyong walang pag-iimbot na diwa ng katapatan. Maging mas mapagsaalang-alang tungo sa mga layunin ng Diyos, lalong mas makinig sa inyong konsensya, at lalong pakatatandaan at huwag kalimutan kung paano kayo pinaaalalahanan ng Diyos dahil sa pagmamalasakit para sa inyo. Basahin ang "lumang almanak" nang mas madalas. Manalangin nang madalas at magbahagi nang mas madalas. Huwag magpatuloy sa pagiging lito, nguni't magpakita ng lalo pang katinuan at magkamit ng ilang pagkaunawa. Kapag ang iyong kamay na makasalanan ay iniuunat, hilahin ito pabalik at huwag itong hayaang humaba nang husto. Wala itong kabuluhan! Wala kayong makukuha mula sa Diyos maliban sa mga sumpa; maging maingat. Hayaan ninyong mahabag ang inyong puso sa iba at huwag palaging sasalakay na may hawak na mga sandata. Magbahagi nang mas marami tungkol sa kaalaman ng katotohanan at magsalita nang mas marami tungkol sa buhay, pinapanatili ang isang espiritu ng pagtulong sa iba. Gumawa ng mas marami at magsalita nang mas kaunti. Maglaan ng mas marami sa pagsasagawa at mas kaunti sa pananaliksik at pagsusuri. Paantig nang mas madalas sa Banal na Espiritu, at bigyan ang Diyos ng mas maraming mga pagkakataon upang gawin kang perpekto. Alisin ang mas maraming mga sangkap ng tao-mayroon pa ring napakaraming mga paraan ang tao sa paggawa ng mga bagay. Ang mababaw na paggawi at pag-uugali ay kasuklam-suklam pa rin. Alisin ang mas marami sa mga ito. Ang inyong mga kalagayang pangkaisipan ay masyadong kasuklam-suklam pa rin. Lalong itama ang mga ito. Ang katayuan ng mga tao na sumasakop sa inyong mga puso ay napakarami pa rin. Magbigay ng mas maraming katayuan sa Diyos at huwag maging di-makatwiran. Ang "templo" ay sa Diyos sa simula pa lamang at hindi dapat sakupin ng mga tao. Sa kabuuan, magtuon ng mas maraming pansin sa pagkamakatuwiran at mas kaunti sa mga damdamin, at pinakamainam na alisin ang laman; magsalita ng mas marami tungkol sa realidad at mas kaunti tungkol sa kaalaman, at pinakamainam na maging tahimik; magsalita ng mas marami tungkol sa landas ng pagsasagawa at magkaroon ng mas kaunting walang kabuluhang labis na pananalita, at pinakamainam na umpisahan nang magsagawa simula ngayon.
Ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay hindi ganoon katayog. Kung maglalaan ang mga tao ng kaunting pagsisikap, sila ay makatatanggap ng isang "pasadong marka." Ang totoo, ang pagkaunawa, pagkilala, at pagkaintindi sa katotohanan ay mas masalimuot kaysa sa pagsasagawa ng katotohanan. Ang pagkilala at pag-intindi sa katotohanan ay dumarating pagkatapos ng pagsasagawa muna ng katotohanan. Ito ang hakbang at ang paraan ng gawain ng Banal na Espiritu. Paanong hindi mo sinusunod ito? Magagawa mo bang taglayin ang gawain ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay sa paraan mo? Gumagawa ba ang Banal na Espiritu ayon sa iyong kasiyahan, o batay sa iyong mga pagkukulang ayon sa mga salita ng Diyos? Wala itong kabuluhan kung hindi mo ito makikita nang malinaw. Bakit ba gumugugol ang karamihan sa mga tao ng maraming pagsisikap sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nguni't pagkatapos ay taglay lamang ang kaalaman at walang masasabing anuman tungkol sa isang totoong landas? Iniisip mo ba na ang pagkakaroon ng kaalaman ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng katotohanan? Hindi ba iyon isang litong pananaw? Nakakapangusap ka ng maraming kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, datapwa't wala sa mga ito ang naglalaman ng anumang tunay na landas. Sa ganito, hindi mo ba niloloko ang mga tao? Hindi ka ba gumagawa ng hungkag na palabas na walang anumang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganyang asal ay nakapipinsala sa mga tao! Mas mataas ang teorya, mas walang-wala itong realidad, at mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad; mas mataas ang teorya, mas ginagawa ka nitong lumaban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tratuhin ang pinakamatatayog na teorya tulad ng mahalagang kayamanan; sila ay mapaminsala at walang silbi! Marahil may ilang tao na kayang makapagsalita sa pinakamatatayog na teorya-nguni't ang mga ganoong teorya ay hindi naglalaman ng realidad, sapagka't ang mga taong ito ay hindi personal na nakaranas sa kanila, at sa gayon wala silang landas sa pagsasagawa. Ang mga ganoong tao ay walang kakayahang dalhin ang tao sa tamang daanan, at ihahantong lamang ang mga tao na maligaw. Hindi ba ito nakapipinsala sa mga tao? Sa pinakamababa, dapat mong makayanang lutasin ang kasalukuyang mga gulo at hayaan ang mga tao na makamit ang pagpasok; ito lamang ang maituturing bilang debosyon, at tanging sa gayon ikaw ay magiging kwalipikadong gumawa para sa Diyos. Huwag palaging nangungusap ng mararangya, mabulaklak na mga salita, at huwag itali ang mga tao at gawin silang sumunod sa iyo kasama ang iyong maraming hindi-angkop na mga pagsasagawa. Ang magsagawa ng ganoon ay walang epekto, at maaari lamang makadagdag sa pagkalito ng mga tao. Ang pangunahan ang mga tao sa ganitong paraan ay makapagdudulot ng maraming piraso ng regulasyon, na kung saan gagawin ang mga tao na kasuklaman ka. Ito ay pagkukulang ng tao, at ito ay tunay na kahiya-hiya. Kaya, higit pang magsalita tungkol sa mga suliranin na umiiral sa ngayon. Huwag ituring ang mga karanasan ng mga tao bilang pribadong pag-aari at ilabas ito para pahalagahan ng iba. Dapat kayong magkanya-kanya sa paghahanap ng daan palabas. Ito ang dapat isagawa ng bawat tao.
Kung ang iyong ibinabahagi ay makapagbibigay sa mga tao ng isang landas na lalakaran, kung gayon nangangahulugan iyon sa iyo ng pagkakaroon ng realidad. Maging anuman ang iyong sasabihin, dapat mong madala ang mga tao sa pagsasagawa at bigyan silang lahat ng isang landas na lalakaran. Hindi lamang ito tungkol sa paggawa nito upang magkaroon ng kaalaman ang mga tao, nguni't higit na mahalaga, ito ay tungkol sa pagkakaroon ng landas na lalakaran. Upang ang mga tao ay maniwala sa Diyos, dapat nilang lakaran ang landas na pinangungunahan ng Diyos sa Kanyang gawain. Iyon ay, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng paglakad sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Kaya nga, dapat kang magkaroon ng isang landas na lalakaran mo anuman ang mangyari, at dapat kang lumakad sa landas ng pinagiging-perpekto ng Diyos. Huwag kang masyado magpaiwan, at huwag masangkot sa masyadong maraming bagay. Kung lalakaran mo ang landas na pinangungunahan ng Diyos nang hindi nagdudulot ng mga pag-antala saka mo lamang matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at tataglayin ang landas ng pagpasok. Tanging ito ang ibinibilang na karapat-dapat sa mga layunin ng Diyos at pagsasakatuparan sa tungkulin ng tao. Bilang isang indibidwal sa daloy na ito, dapat tuparin nang maayos ng bawat tao ang kanilang tungkulin, gumawa ng mas marami sa kung ano ang dapat ginagawa ng mga tao, at huwag kumilos nang sinasadya. Dapat gawing malinaw ng mga taong nagpapatupad ng gawain ang kanilang mga salita, dapat lalong magtuon ang mga taong sumusunod sa pagbabata ng kahirapan at sa pagsunod, dapat manatili ang bawat tao sa kanilang lugar at huwag lalabis sa nararapat. Dapat maging malinaw sa puso ng bawat tao kung paano sila dapat magsagawa at kung anong gampanin and dapat nilang tuparin. Tahakin ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu; huwag maliligaw o magkakamali. Dapat ninyong makita nang malinaw ang gawain sa kasalukuyan. Ang pagpasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan ang siyang dapat ninyong isagawa. Ito ang unang bagay na dapat ninyong pasukin. Huwag nang magsayang pa ng anumang mga salita sa ibang mga bagay. Ang paggawa sa gawain ng tahanan ng Diyos sa kasalukuyan ay inyong pananagutan, ang pagpasok sa paraan ng gawain sa kasalukuyan ay inyong tungkulin, at ang pagsasagawa sa katotohanan sa kasalukuyan ay inyong pasanin.
Talababa:
a. Ang espirutu ng punong ministro: Isang klasikong kasabihang Tsino na ginagamit para isalarawan ang isang tao na malawak ang pang-unawa at mapagkawanggawa.