Tagalog Christian Song | "Malalaking Pakinabang sa Paniniwala sa Praktikal na Diyos"
Tagalog Christian Song | "Malalaking Pakinabang sa Paniniwala sa Praktikal na Diyos"
Ⅰ
Ang Anak ng Tao'y patuloy na nagsasalita.
Itong hamak na tao nangunguna
sa'tin sa gawain ng Diyos.
Nagdaan na tayo
sa maraming pagsubok at pagkastigo,
at tayo'y sinubok ng kamatayan.
Katuwira't kamahalan ng Diyos ating natututuhan.
Habag at pag-ibig Niya'y natatamasa natin.
Karununga't kapangyarihan N'ya,
pinapahalagahan natin,
nakikitang S'ya'y kaibig-ibig at sabik iligtas ang tao.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa,
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas
at maging perpekto.
Ⅱ
Sa Kanyang salita,
tayo'y namamatay at 'sinisilang muli.
Iniiwan tayong nababagabag at may utang.
Nguni't nagdudulot ito sa atin ng kaginhawahan.
Kanyang salita, dulot ay kirot,
galak at kapayapaan.
Minsan para tayong mga kaaway,
na sinunog ng Kanyang galit,
parang mga tupang kakatayin,
minsan ay Kanyang kinagigiliwan,
tayo'y Kanyang inililigtas,
mga uod sa Kanyang paningin,
mga ligaw na tupa
na Kanyang hinahanap umaga man o gabi.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa,
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas
at maging perpekto.
Ⅲ
Tayo'y kinahahabagan, inaangat,
kinamumuhian N'ya,
inaaliw, pinapayuhan, ginagabayan
at nililiwanagan,
kinakastigo, dinidisiplina, at isinusumpa,
araw-gabi, inaalala, pinoprotektahan, inaalagaan.
Lagi sa ating tabi, tayo'y inaalagaan.
Napagsikapan N'ya ang lahat para sa atin.
Sa salita N'ya,
natamasa natin ang kabuuan ng Diyos
at namasdan hantungang naibigay N'ya sa atin.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa,
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas
at maging perpekto.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon: Tagalog church songs