Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?

14.12.2019

An Qi

Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.

Noong 2016, labis na naging sikat ang pagsusuot ng kuwintas na nakapalibot sa sariling balagat. Nakabili rin ako ng isa nitong mga kuwintas. Isang araw, matapos ang paaralan, masaya akong pumunta sa bahay ng aking lola. Nang dumating ako roon, sinipat niya ako at patangging nagsabi, "Tingnan kung anong uri ng bagay ang nasa palibot ng iyong leeg. Waring kulyar ng isang aso. Kumportable ba ang pakiramdam mo niyan na mahigpit na nakalingkis sa iyong leeg?" Sa umpisa, sadyang masaya ang pakiramdam ko ngunit matapos na marinig kong sabihin niya ito, hindi na ako naging masaya. Walang-galang akong sumagot, "Napakatanda mo na. Ano ang alam mo? Uso ang tawag dito. Kahit na ipaliwanag ko ito, hindi mo maiintindihan!" Sa dahilang ito, naging masungit pa rin ako sa gabi.

Kinabukasan, sinabi ko sa aking lola, "Lola, matagal nang hindi mo sinusuklay ang aking buhok. Maari mo ba itong suklayin?" Nang marinig niyang sabihin ko ito, malugod niyang sinuklay ito para sa akin. Matapos niyang suklayin ang aking buhok nanalamin ako: Susme! Nakapumpon ang aking buhok nang mahigpit kung kaya hinahatak na ang aking mga mata pataas. Higit pa roon, binasa niya ng tubig ang aking buhok, kaya nagsimula itong manlagkit. Hindi ko mapigilang sumigaw, "Ano ang ginawa mo? Sino pa ba ang nagsusuklay ng buhok ng katulad nito ngayon? Ang sagwa! Tingnan mo kung paanong sinusuklay nang may tubig, mistulang dinilaan ng baka ang aking buhok." Sabi ng aking lola, "Hindi ba ito maganda? Maganda ang isang dalagita kapag sinuklay ng masinop at maringal ang kanyang buhok! Dati, masaya ka sa paraang sinusuklay ko ang iyong buhok. Ngayon, tila mayroon ka nang sariling pagkaunawa tungkol sa kung ano ang nasa uso!" Nang marinig kong sabihin ito ng lola, lalo pa akong nagalit. Inisip ko: "Paano ka makakasabay sa panahon kung tinitingnan mo ito ng iyong matatandang mga mata? Noong araw, hindi ka man lang nagkaroon ng cell phone, ngunit ngayon nakagagamit ka na. Maihahambing mo ba ang iyong nakaraan sa kasalukuyang panahon?" Nilisan ko ang bahay ng lola na may kimkim na poot.

Mula noon, hindi ko na nagustuhang pumunta sa bahay ng aking lola dahil sa bawat pagpunta ko, makahahanap siya ng isang bagay na masisita. Minsan, nagsuot ako ng baggy jeans nang pumunta ako sa bahay ng lola. Nang makita niya ako, sabi niya, "Tingnan mo ang pantalong iyan. Masyadong maluwag. At nililis mo pa ang ladlaran. Mukha kang butangero!" Sa isa pang pagkakataon, nagsuot ako ng beggar pants at pumunta ako sa bahay ng lola. Nang makita niyang marumi nang kaunti ang aking pantalon, nilabhan niya ito para sa akin. Ang naging resulta kinabukasan nang sinuot ko ang pantalong iyon, napansin kong nawala ang butas sa pantalon. Sa pagtataka, nagtanong ako: "Ano ang nangyari sa butas ng pantalong ito?" Maktol na nagsalita ang aking lola, "Sinulsihan ko! Mayroong butas sa iyong pantalon, ngunit hindi mo man lang naisip na ibigay mo ito sa iyong nanay upang sulsihan. Paano mo naisusuot nang may gana ang isang sira-sirang pantalon? Sa pagkakataong iyon, galit na galit kong sinabi sa lola, "Sadyang ganito ang pantalong ito. Nang binili ko ito, mayroon na talagang butas. 'Beggar pants' ang tawag dito!" Sabi ng lola ko, "Sa tingin mo madali para sa iyong inay na magkaroon ng pera? Paano ka gumagasta ng pera sa sira-sirang pantalon? May pera ka ngunit hindi mo alam kung saan mo ito ilalaan. Kung hindi iyang buong bukungbukong mo ay di iyang buong tuhod mo...." Pagkaraan, nagsimula siyang pumalakat sa pagsasalita. Bago siya matapos, sa isang sumpong, sinabi ko, "Hindi ka pa tapos? Tuwing dumadalaw ako sa iyong bahay, sinisita mo ako. Marahil hindi na ako dadalaw simula ngayon. Tingnan mo ang ilang mga tao sa TV. Hindi ba nila suot ang parehong bagay? Dapat mong baguhin ang iyong makalumang pananaw, kung hindi wala na tayong pag-uusapan!" Nang marinig ito ng aking lola, nagalit siya. Bulong niya sa kanyang sarili, "Ang alam mo lang ay yaong sipatin mo ako ng isang masamang tingin."

Nang makauwi ako, sinabi ko sa aking inay, "Mula ngayon, hindi na ako pupunta sa bahay ng lola!" Nagtanong ang aking inay, "Bakit? Hindi ba't gustong-gusto mo dating pumunta sa bahay ng iyong lola?" Sinabi ko sa inay ang nangyari sa bahay ng lola. Sabi ng inay ko, "Masyado kang mapili. Ngayon, sinisimulan mo nang hindi pansinin ang iyong lola. Noong labing-dalawang gulang ka, nagsimula kang dumalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng salita ng Diyos. Nanalig ka na sa Diyos nang ilang taon. Dapat mong tingnan ang kalagayang ito alinsunod sa salita ng Diyos. Huwag mo laging hamakin ang iyong lola." Hindi ako nagsalita ng anuman, subalit, sa isip ko, winari ko, "Parehas kayong dalawa. Lipas na ang inyong mga pag-iisip!"

Pagkaraan, binuklat ko ang salita ng Diyos at binasa ang sinabi ng Diyos: "Anong aspeto ng disposisyon ang tinutukoy ng pagpapahiwatig ng 'ang kagaspangan at kahambugan ng kabataan'? Bakit Ko sinasabing yaong mga may gulang na 16 o 17 at yaong mga nasa kanilang gulang na dalawampu ay bata, magaspang at hambog? Bakit Ko ginagamit ang mga salitang ito upang ilarawan ang mga kabataan sa magkakasing-gulang na grupong ito? Hindi dahil sa Ako ay kumakampi sa kanila na nasa grupong ito ng magkakasing-gulang, o mababa ang tingin Ko sa kanila. Ito ay dahil sa ang mga tao sa grupong ito ng magkakasing-gulang ay may taglay na isang partikular na uri ng disposisyon. Sapagkat ang mga tao sa grupong ito ng magkakasing-gulang ay walang karanasan sa mga usapin ng mundo ay mayroong kaunting pagkaunawa ukol sa mga usapin ng buhay ng tao, nang nagsisimula pa lamang nilang makatagpo ang mga kaganapan sa mundo at sa buhay ng tao, iniisip nila, 'Nauunawaan ko. Nauunawaan ko nang lubos. Nalalaman ko ang lahat ng ito! Nauunawaan ko kung ano ang pinag-uusapan ng mga nakatatanda at makasasabay ako sa lahat ng sunod sa modang mga bagay sa lipunan. Ngayon ang mga cellphone ay mabilis na umuunlad, na may mga gampanin na masyadong masalimuot-Alam ko kung paano gamitin itong lahat! Kayong kumpol ng matatandang babae ay walang nauunawaang anuman. Ni hindi man ninyo mabuksan ang telebisyon, at kung magawa man ninyo itong buksan, hindi ninyo ito muling mapapatay.' Mayroong ilang mga kabataan, kapag ang kanilang mga lola ay nakagsasalita sa kanila at sinasabing: 'Gawin mo ito para kay lola,' na sumasagot: 'Humph, ni hindi mo magawa ang ganito. Ang matatanda ay totoong walang silbi!' Anong uri ng paraan sa pagsasalita ang gayon? Huwag kalilimutan, isang araw ikaw ay tatanda rin. Ang kakayahan bang gumawa ng ilang mga bagay kagaya nito ay maituturing na isang kasanayan? Maaari ba itong ibilang na isang kakayahan? Maaari mong sabihin hindi, ngunit kapag ikaw ay nakasasagupa ng ilang usapin, ipahahayag mo ang ganitong uri ng disposisyon. Ano ito? Ito ang kahulugan ng 'Ang mga kabataan ay magaspang at hambog.' Ito ang ipinahahayag ng mga tao" ("Ang Mga Kabataan ay Dapat Makaunawa sa Pamamagitan ng Masasamang Kalakaran ng Mundo" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos kong basahin ang salita ng Diyos, naisip ko: Hindi kaya inilalarawan ako nitong mga salita ng Diyos? Ito mismo ako. Lagi kong kinakaligtaan ang lola at iniisip ko na mangmang siya. Kinakaon niya akong tumulong sa kanya upang gawin ang maraming bagay. Kapag hindi niya mahanap ang isang numero sa kanyang telepono, kailangan niya ako upang tulungan ko siyang hanapin ito. Kapag nilalagay niya sa silent ang kanyang telepono, ginagawa niyang malaking kaguluhan at kinakaon niya ako upang tingnan kung sira o hindi ang kanyang telepono. Naalala ko ang isang pagkakataon na ginawa pa niya akong higit na kahiya-hiya. Sa huli, tinanong niya ang kapitbahay, "Ano ang password para sa iyong take-out[a]?" Nang bumalik ang lola, pinagalitan ko siya. Isa pa, walang kaalam-alam ang aking lola tungkol sa mga sikat na kausuhan at bilang resulta, hangal ang tingin ko sa kanya.... Sa katunayan, ito ang palatandaan ng kagaspangan at kahambugan ng kabataan! Kung hindi ko nabasa ang salita ng Diyos, maniniwala pa rin ako na tama ang aking ginagawa at yaong mga kaisipan ng lola ay labis nang laos at hindi na siya nakahabol sa panahon. Ngayon, naniniwala ako sa Diyos. Hindi na ako maaring maging hambog at bastos tulad sa aking nakaraan. Kailangan kong magbago! Sa pagkakataong yaon, nanalangin ako sa Diyos, "Diyos ko, laging mababa ang pagtingin ko sa lola at iniisip na siya ay hangal. Kapag sinisita niya ako, nagagalit ako. Lagi kong nadarama na hindi kayang unawain ng lola ang aking mga kaisipan. Diyos ko, ayaw ko na maging ganito. Gayunman, hindi ako maaaring umasa sa sarili upang magbago. Diyos ko, tulungan ninyo ako!"

Pagkaraan, may isa pang pagkakataon nang pumunta ako sa bahay ng lola at nang walang tao roon upang makalaro, naglaro ako gamit ang aking cell phone. Gayunman, mahinang-mahina na ang lebel ng baterya ng aking smart phone at pagkaraan ng ilang sandali, nawalan na ito ng karga. Bilang resulta, nang hindi ako naglalaro ng aking cell phone, kinakargahan ko ang baterya nito. Sino ba ang makakaisip nang makargahan ko lang ang aking cell phone sa loob ng lamang ng sampung minuto ay hihilahin na ng lola ang kawad. Sa una, naniwala ako na marahil naisip ng lola na lubos nang nakargahan ang cell phone. Hindi ako nagsalita ng anuman at karaniwan kong isinaksak itong muli. Ang naging resulta ay hinila na namang muli ng lola ang kawad. Nangyari ito nang dalawa o tatlong ulit. Sa wakas, nawalan ako ng pasensiya at galit kong sinabi sa lola, "Hindi pa tapos kargahan ang aking cell phone. Bakit mo hinila ito palagi?" Nagmaktol ang aking lola, "Alam kong hindi pa natapos itong magkarga. Ilang kuryente ba ang kailangan mong sayangin upang lubos na makargahan ito? Dagdag pa, bakit mo ba laging kinakargahan ang iyong cell phone? Tumatagal nang isang linggo ang akin cell phone nang may buong karga!" Matapos kong marinig na sabihin ito ng lola, hindi ko mapigilan na sigawan siya, "Ang cell phone mo ay para sa mga matatandang tao at lubos na itong napaglumaan! Ang akin ay smart phone. Maihahambing mo ba ang iyong cell phone sa akin? Hindi nangangailangan ng maraming kuryente ang aking cell phone upang makargahan. Dagdag pa, binabayaran ng aking inay ang iyong mga pantustos, kaya hindi ko winawaldas ang iyong pera! Napakaramot mo!" Matapos akong maringgan ng lola na smaamain ko siya, malungkot siyang nagsabi, "Tunay na isa kang ingratong bata! Napakawalanghiya mong sumasagot sa akin! Noong maliit ka, kinarga kita at kinalong kita. Nakalimutan mo na ba?" Matapos niyang sabihin ito, galit na umalis ang lola. Matapos umalis ang lola, hindi naging mabuti ang aking pakiramdam. Samantala, labis akong naging malumbay: hindi ko ninais na sigawan ka, ngunit bakit mo ako parating sinusubok na umayon sa mga reglamento ng iyong panahon? Labis ka nang napaglipasan!

Matapos akong umuwi, sinabi ko sa inay ang kalagayang ito. Sabi ng inay, "Hindi ka dapat laging pumapalakat ng salita sa iyong lola. Napakatanda na niya at kailangan mong kausapin siya nang maayos. Dagdag pa, isa kang Kristiyano. Hindi ka dapat labis na mapagmataas na maglalaho na ang iyong bait. Madadakila mo lamang ang Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang matinong pagkatao! Nangusap ang inay habang binubuklat ang salita ng Diyos, "Tingnan mo kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol dito!"

Kinuha ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at sinimulang basahin kung ano ang sinabi ng Diyos, "Kapag ang ilang kabataan ay nagsasalita, hindi sila tumitingin nang tuwid sa taong kinakausap nila, wala silang paggalang para sa sinuman, at ang lahat ng kanilang sinasabi ay puno ng isang bakas ng paghamak. Kung makikipag-usap ka sa kanila ngunit ito ay hindi sa kagustuhan nila, babalewalain ka lamang nila. Mahirap maging isang magulang sa kasalukuyan at napakahirap makilala ang mentalidad ng mga kabataan. Kung magsasabi sila ng isang maling salita, ang kanilang anak ay magdadabog at galit na aalis, at napakahirap para sa kanila na makipag-usap sa mga nakatatanda. Iyon ay upang sabihin na mayroong mga suliranin sa pag-iisip ang maraming kabataan ngayon, at na ang mga bagay ng normal na pagkatao ay pakaunti nang pakaunti. Ang sitwasyon bang ito ay hindi nilikha ng masasamang kalakaran at ng masamang lipunang ito?" ("Ang Mga Kabataan ay Dapat Makaunawa sa Pamamagitan ng Masasamang Kalakaran ng Mundo" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Matapos kong basahin ang salita ng Diyos, naging napakahirap ito sa akin na kayanin. Pakiramdam ko na waring tumatanggap ako ng pangangastigo. Tinutukoy ako ng salita ng Diyos. Ito ang naging daan upang pakitunguhan ko ang lola. Kapag sinasabi niya na mali ako, nag-aalboroto ako. Kapag gumawa siya ng isang bagay na hindi sang-ayon sa akin, kung hindi ako pumapalakat ng salita sa kanya, hihiyain ko siya. Medyo masama ang timpla ko. Naisip ko kung paano ako minahal ng lola sa buong panahon. Kapag may isang bagay na masarap kainin, hindi niya masasabik na kainin ito. Hihintayin niya ako at ibibigay niya ito sa akin. Gayunman, kung hindi ako masungit sa kanya tungkol sa isang bagay, magiging masungit ako sa kanya tungkol sa ibang bagay. Kung nagpalit kami ng mga katayuan at ako ang lola at tinatrato ako ng aking apo ng ganito, magiging napakasama ng aking pakiramdam! Sa higit kong pag-iisip nito, higit akong nakaramdam ng pagsisisi. Sa pagkakataong ito, sinabi ng inay sa akin, "Sinusunod ng mga tao ngayon ang mga uso ng mundo. Naghahanap sila ng materyal na kaligayahan. Hinahanap nila ang anuman na sikat sa lipunan. Ang mga uso ng lipunan ay hindi ang katotohanan at hindi ito ang mga positibong bagay. Kung maiimpluwensiyahan at mamamanipula tayo ng mga uso ng lipunan, ang pananaw ng ating buhay at ang paraan ng ating pagtingin sa mga bagay ay magiging lubhang sira ang ayos. Magiging sadyang paglabag ito sa mga salita ng Diyos, sa katotohanan at sa matinong pagkatao. Magiging dahilan ito upang kamuhian tayo ng Diyos. Gayunman, naniniwala tayo na sinusundan nating mabuti ang mga uso ng lipunan at nakatindig tayo sa harapan ng ating panahon. Waring alam na natin ang lahat. Alam natin ang lahat at walang makakapigil sa atin. Naniniwala tayo na tayo mismo ay may lubos na kakayahan. Unti-unti, nagiging higit at labis na mapagpalalo ang ating mga kalooban, kahambugan at pangmamata. Mababa ang tingin natin sa lahat at walang sinuman ang nagtatangkang sumubok sa atin. Ito ang mga kahihinatnan na nagreresulta kapag ang mga tao ngayon ay palihim na naiimpluwensiyahan ng mga uso ng lipunan." Matapos sabihin ito ng inay, natanto ko na ang aking mga sariling manipestasyon ay lubhang katulad sa kung ano ang ipinabatid ng salita ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Diyos, "At na ang mga bagay ng normal na pagkatao ay pakaunti nang pakaunti." Labis akong nahirapan na kayanin ito. Nagsimula akong kamuhian ang sarili: Paanong naging napakasama ko? Tama ang lola ng sinabi niya na isa akong napakawalang-utang na loob na batang laos! Nang inisip ko dati kung paano ako nagsalita sa sarili kong lola, nagsimula akong magtaka kung paano siya pinalungkot nito. Napakasama ko at ignorante talaga! Samakatuwid, nagdasal ako sa Diyos, "Diyos ko, napakasama talaga ng aking kalooban tungkol sa pagngalit ko sa lola sa panahong ito. Hindi ko na nais maging ganitong uri ng anak. Kailangan kong baguhin ang aking palalong kalooban, maisabuhay ang isang matinong pagkatao at maging mabuting-asal at magalang na anak. Diyos ko, gabayan ninyo ako!"

Sa panahong ito, madalas akong nagdasal tungkol sa kalagayang ito. Kapag pumupunta ako sa bahay ng aking lola, maglalaan ako ng partikular na pansin sa pagsasagawa ng aspektong ito. Sa mga pagkakataong kakausapin ako ng lola nang masalitang paraan at naguguluhan ang aking loob, nagdarasal ako sa Diyos sa aking puso. Matapos akong magdasal, hindi na ako ganoon kagalit. Mayroong isang pagkakataong naghahanda ako upang lumabas kasama ng lola. Naghahanap ang lola sa kanyang aparador ngunit hindi siya makahanap ng kahit anumang maisuot na gusto niya. Tinanong niya ako, "Ano kaya ang isusuot ko?" Gusto kong sabihin: Napakatanda mo na at hindi na mahalaga kung ano ang iyong isusuot! Sa sandaling ibubulalas ko na ang tungkol dito, naging malay ako na mali ito at nagpapamalas ako ng isang mapagpalalong kalooban. Sa pagkakataong iyon, inalala ko ang salita ng Diyos tungkol sa "ang kagaspangan at kahambugan ng kabataan." Bilang resulta, sabi ko, "Sa totoo lang, magaganda ang mga damit na ito. Gayunman, tila mainit ang panahon ngayon. Marahil hindi ka dapat magsuot ng labis. Suotin mo ito, mas manipis ito." Mula noon, sa bawat pagkakataon na gusto kong mag-alboroto sa harap ng aking lola, inaaalala ko ang mga salita ng Diyos tungkol sa pagtatapat at paghuhukom. Samakatuwid, malay kong iwinaksi ang laman at isinagawa ang katotohanan. Nang simulan kong isagawa ang katotohan sa pagsasanay sa ganitong paraan, naging napakapanatag ko. Hindi na ako naging mainisin tulad ng dati kapag nagagalit ako sa lola. Sa nakalipas, dahil sa ilang mga maliliit na bagay, nagagalit ako sa lola. Bihira kong makuha ang pagkakataon na bumalik sa kanyang bahay, ngunit kapag nakabalik ako, parehas kaming hindi masaya dahil sa aking ngalit. Lalo na kung pinaglilimian ko ang mga nanghihinang mata ng lola matapos akong pumalakat ng salita, nakadama ako ng labis na pagluluksa. Nakita ko ang aking sarili na napakapalalo at nawalan na ako ng pagkatao. Mula ngayon, hindi na ako dapat labis na mapagpalalo. Kailangan kong mabuhay alinsunod sa salita ng Diyos. Kailangan kong mamuhay ng isang matinong pagkatao at paligayahin ang ibang tao at ang Diyos!

Pagkaraan, hanggang kasama ko ang lola, hindi tinangkang lumisan ng aking puso sa Diyos dahil alam ko na kung umasa ako sa sarili, hindi ko kakayanin ang paggapi sa aking bulok na kalooban. Mayroong isang pagkakataon ng pumunta ang aking lola sa aming lugar upang dumayo. Yugto ng pananghalian habang nagluluto kami, napadagdag siya ng sobrang bigas. Karaniwan sa aming tatlo na hindi kami kumakain ng maraming kanin. Naisip ko: Nagluto ka ng napakaraming taon. Hindi mo alam kung ilan karaming bigas ang isasaing? Hustong magsasalita ako sa aking lola ng buska, sa sang-iglap, naisip ko ang salita ng Diyos: "Uwag kalilimutan, isang araw ikaw ay tatanda rin. Ang kakayahan bang gumawa ng ilang mga bagay kagaya nito ay maituturing na isang kasanayan? Maaari ba itong ibilang na isang kakayahan?" ("Ang Mga Kabataan ay Dapat Makaunawa sa Pamamagitan ng Masasamang Kalakaran ng Mundo" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pagkakataong ito, natanto ko na ang aking mapagpalalong gawi ay isang pabalik-balik na sakit. Sa puso ko, sinabi ko sa Diyos, "Diyos ko, muli nais ko na namang mag-alboroto at kagalitan ang lola. Alam ko na ito ang mapagpalalong gawi ng pagsusumiklab ko at ito ay mali. Hindi ito ang Inyong kalooban. Utang na loob, tulungan ninyo akong iwaksi ang aking pagkapalalo at mamuhay ng matinong pagkatao!" Matapos akong makapagdasal, napanatag ang aking puso at pabiro kong sinabi sa lola, "Naparami ang paglagay mo ng bigas. Sa dami ng bigas dito sa palayok, hindi ko alam kung gaano karaming tubig ang idadagdag. Kung magdaragdag ako ng maraming tubig, ay di maglulugaw na lamang tayo." Nang marinig na sabihin ko ito sa lola, nagsimula siyang tumawa. Pinuri niya ako at nagsabing labis na akong nagbago. Hindi lamang sa alam ko kung paano magsinop sa bahay, hindi na gaanong kasama ang aking timpla tulad ng dati. Sinabi niya na naggulang na ako ngayon at naging maayos. Alam ko na ngayon, hindi na ako nagsasalita ng mga bagay alinsunod sa isang mapagpalalong kalooban. Marunong na akong kaunti at maayos na akong kaunti. Ang lahat ng ito ay dahil sa mga salita ng Diyos na nagpapabago sa akin. Kung aasa ako sa sarili, marahil hindi na ako nagbago.

Pagkaraan, mapapadalas akong sumundo sa lola upang ikuwento niya sa akin ang kanyang nakaraan. Unti-unti, nagsimula kong maunawaan na ang mga kasalukuyang gawi ng aking lola at nakaugnay sa kanyang nakaraang buhay. Kung isinilang ako noon sa panahon ng lola, maaaring naging katulad ko rin siya. Kapag nag-iisip ako sa pananaw ng lola, nagsisimula akong maunawan siya. Kapag binabago ko ang pagtingin ko sa mga bagay, bitawan ang sariling kahambugan at simulang pakitunguhan ang lola ng maayos, ang puwang ng henerasyon sa pagitan ko at ng lola ay unti-unting naglalaho. Ngayon, hindi ko na maaaring sabihin na napaglipasan na ang aking lola. Sa kasalungat, natututo ako ng ilang mga positibong bagay mula sa lola na hindi angkin ng aking henerasyon. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapabago sa akin. Ang lahat nawa ng karangalan ay sa Makapangyarihang Diyos!

Talababa:

a. Sa Tsino, katunog ng WiFi ang "Wai Mai," na nangangahulugang "iuwi."

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar