Chinese Christian Song | Ialay ang Puso Mo sa Harap ng Diyos Kung Naniniwala Ka sa Kanya (Tagalog Subtitles)

07.12.2020

Yamang naniniwala ka sa Diyos,

dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos.

Kung iaalok mo at iaalay ang iyong puso sa harap ng Diyos,

kung gayon sa panahon ng pagpipino magiging imposible para sa iyo

na itatwa ang Diyos, o iwan ang Diyos.

Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos

ay magiging mas malapit na, at mas normal na,

at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging mas madalas na.

Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan,

kung gayon gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos,

at ng mas maraming panahon sa ilalim ng paggabay ng Kanyang mga salita,

magkakaroon din ng higit pang mas maraming mga pagbabago sa iyong disposisyon,

at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw.

Kapag dumating ang araw at ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo,

hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos,

nguni't magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos.

Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro.

Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro.

Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay,

at isusuko nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya;

ikaw ay magiging saksi ng Diyos,

at yaong pinakaiibig ng Diyos.

Ang pag-ibig na nakaranas ng pagpipino ay matatag, at hindi mahina.

Hindi alintana kung kailan o kung paano ka isasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok,

nagagawa mong huwag mag-alala

kung mamamatay ka man o mabubuhay,

isasantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos,

at masayang titiisin ang anuman para sa Diyos-

at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay,

at magiging totoo ang pananampalataya.

Sa gayon ka lamang magiging yaong tunay na iniibig ng Diyos,

at yaong tunay na ginawang perpekto ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

________________________________

Rekomendasyon: Daily devotion tagalog version App

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar