Para sa Buhay ng Tao, Tinitiis ng Diyos ang Lahat ng Pagdurusa
Wala pang sinumang sumuri
sa mga lihim ng pamamahala sa pinagmulan at pagpapatuloy ng buhay ng tao.
Diyos lamang, na nakauunawa sa lahat ng ito, ang tahimik na nagtitiis
ng pasakit at mga dagok na ibinibigay ng
tao, na nakatanggap ng lahat mula sa Diyos ngunit hindi nagpapasalamat.
Binabalewala ng tao ang lahat ng idinudulot ng buhay,
at, gayundin, "natural lang" na
ang Diyos ay ipinagkanulo, kinalimutan, at hinuthutan ng tao.
Gayon kaya talaga kahalaga ang plano ng Diyos?
Gayon kaya talaga kahalaga ang tao,
ang buhay na nilalang na ito na nagmula sa kamay ng Diyos?
Ang plano ng Diyos ay siguradong mahalaga;
gayunman, ang buhay na nilalang na ito na nilikha ng kamay ng Diyos
ay nabubuhay para sa kapakanan ng Kanyang plano.
Samakatuwid, hindi puwedeng sayangin ng Diyos
ang Kanyang plano dahil sa galit sa sangkatauhang ito.
Para sa kapakanan ng Kanyang plano at para sa hiningang inilabas Niya
kaya tinitiis ng Diyos ang lahat ng hirap,
hindi para sa katawan ng tao kundi para sa buhay ng tao.
Ginagawa Niya iyon para mabawi hindi ang katawan ng tao
kundi ang buhay na inihinga Niya.
Ito ang Kanyang plano. Ito ang Kanyang plano.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Manood ng higit pa: Tagalog Christian Songs with Lyrics