Hindi Mo Nakita ang Pagbabalik ng Panginoon, Ngunit Hindi Ito Nangangahulugan na Hindi Pa Nagbalik ang Panginoon
Sa kasalukuyan ang iba't ibang mga sakuna ay nagaganap at ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay natutupad na. Ang Panginoon ay nakabalik na. Gayunpaman, maraming mga tao ang nag-iisip na ang Panginoon ay hindi pa nakabalik dahil hindi nila nakita ang Panginoon na bumaba kasama ng mga ulap. Iniisip nila na maaaring dumating ang Panginoon pagkatapos ng kalamidad. Upang sabihin ang katotohanan, kung kailan darating ang Panginoon ay hindi mapagpapasyahan ng tao. Hindi mo pa nakita ang Panginoon, hindi ito nangangahulugang hindi pa bumalik ang Panginoon. Ngayon isang grupo ng mga tao ang sumalubong na sa Panginoon. Nais mo bang malaman kung ano ang nangyayari?
Sa katunayan, ayon sa mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagdating ng Panginoon, ang pagdating sa ibabaw ng ulap ay hindi ang tanging paraan, ngunit mayroon ding isa pang paraan ng pagbabalik ng Panginoon -ang pagdating nang lihim sa pagkakatawang-tao, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus:
"Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip" (Mateo 24:44). "Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). Sinasabi sa atin ng mga talatang ito na kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay magiging ang Anak ng tao, gaya ng isang magnanakaw, na palihim na natatago sa gitna ng mga tao. Ang "Anak ng tao" ay nangangahulugang isang taong ipinanganak mula sa tao, na naninirahan kasama ng mga tao na may hitsura ng isang pangkaraniwan at normal na tao tulad ng Panginoong Jesus, kaya ang Panginoon ay magkakatawang-tao at magiging ang Anak ng tao muli kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw. Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos ay: Siya ay unang darating nang palihim bago ang sakuna, bumibigkas at gumagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay at pagkatapos ay bababa kasama ng mga ulap upang hayagang magpakita, gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Ngayon ang mga tao na nakakarinig sa mga salita ng nagkatawang-taong Diyos at nakikilala ang tinig ng Diyos nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon.
________________________________
Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, "ako'y madaling pumaparito" Ngayon ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay lumitaw na, kaya nagbalik na ang Panginoon. Kung gayon paano natin sasalubungin ang Panginoon?
Mangyaring i-click ang link at makikita mo ang paraan ng pagsasanay. Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon