ebanghelyo ngayong araw | Ang Pinaka-pinagpala ay Yaong mga Nakikinig sa mga Salita ng Diyos at Sinalubong ang Panginoon

20.10.2020

Ebanghelyo ngayong araw | Ang Pinaka-pinagpala ay Yaong mga Nakikinig sa mga Salita ng Diyos at Sinalubong ang Panginoon

Sa kasalukuyang kapanahunan kapag madalas na nangyayari ang mga sakuna, anong uri ng mga tao ang pinaka-pinagpala? Sila ang mga taong nasalubong ang Panginoon at nakamit ang pangwakas na kaligtasan. Kung gayon paano natin masasalubong ang Panginoon? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27). At ito ay binanggit ng 7 beses sa Pahayag 2-3, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang mga talatang ito ng Biblia lahat ay binabanggit ang isang karaniwang salita, "makinig." Na ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng maingat na pakikinig sa mga salita ng Diyos maaari nating masalubong ang Panginoon. Halimbawa, sina Pedro, Juan, ang babaeng Samaritana, at iba pa ay kinilala ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng Panginoon, at sa gayon nasalubong nila ang Mesiyas, nakamit ang kaligtasan ng Panginoon, at naging mga pinagpala. Ngayon, sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na ang Panginoon ay nakabalik na at na Siya ay ang Makapangyarihang Diyos-ang Cristo ng mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng katotohanan at isinagawa ang isang yugto ng bagong gawain. Kung hahanapin lamang natin at makikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay maaaring magkaroon tayo ng pagkakataon na masalubong ang Panginoon at maging ang pinaka-pinagpala sa mga huling araw.

________________________________

Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang mailigtas ang tao at iperpekto ang tao at gumagamit ng mga salita upang maihayag ang tao at puksain ang tao. Kapag napagtanto natin ang kahalagahan ng salita ng Diyos, dapat nating tanggapin at isagawa ang mga salita ng Diyos. 


Kumusta, mga kapatid! Kung nais mong siyasatin ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos o mayroon kang mga katanungan, mangyaring magpadala ng mensahe sa amin sa Messenger.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar