Ang Pangalan ng Diyos Ay Totoong Misteryoso

09.05.2021

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang ganap na makakatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinapakita ng mga salita Niya na bawat pangalang taglay Niya ay may kahulugan. Kumakatawan sa isang kapanahunan, isang yugto ng gawain. Nagbabago ang mga pangalan ng Diyos ayon sa hinihingi ng gawain Niya, ngunit magbago man ang Kanyang mga pangalan, ang Kanyang disposisyon ay hindi mababago. Ang Diyos ay laging Diyos. Dati, sa Biblia ako kumakapit. Natali ako sa pagkaunawa ko, akala ko, di na magbabago ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hanggang may napanood ako't nalaman ang misteryo ng mga pangalan ng Diyos, at kumalas sa pagkaunawa ko para masundan ang yapak ng Kordero.

Isinilang ako sa isang pamilyang Kristiyano, at sinabi sa'kin ng pamilya ko na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Diyos at Tagapagligtas, at makakapasok lang ako sa kaharian ng langit sa pagdarasal sa Kanya. Nung lumaki na 'ko at nag-aral sa divinity school, madalas sabihin ng pastor, "Si Jesuscristo ang ating Tagapagligtas. Hindi magbabago kailanman ang Kanyang pangalan. Dahil sinasabi sa Biblia na 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man' (Mga Hebreo 13:8). Kaya dapat sang-ayunan natin ang pangalan ng Panginoong Jesus at malulugod tayo kapag Siya'y dumating." Lalong pinatibay ng mga ito ang pananampalataya ko at inilaan ko ang sarili ko para kapag dumating ang Panginoon, iaakyat ako sa kalangitan.

Nagpastol ako ng mga mananampalataya sa lugar namin matapos grumaduate sa divinity school nung Abril 2015. Pero kakaunti lang ang mga dumadalo sa service, nakita ng namamahala na kulang ang mga donasyon at ni hindi makapagtustos, kaya nagpautang siya sa mga miyembro. Nang hindi sila makabayad nang may interes, inaaway sila ng opisyal sa pinansyal at mula nun, ayaw na nilang dumalo sa service.

Para mapasiglang muli ang simbahan, nangaral ako ng ebanghelyo sa lugar namin. Binisita ko'ng mga mananampalataya at nag-organisa ng pagtitipon. Nag-ayuno at nagdasal din ako nang dalawa o tatlong beses sa isang linggo, hinihiling sa Panginoon na gabayan ako para sumulong. Pero kahit anong sipag kong magtrabaho, kaunti pa rin ang mga dumadalo. Sa pagtamlay ng simbahan, nanghina ang loob ko at nabawasan ang pananampalataya ko. Kaya mas nagsikap akong magdasal, magbasa ng Banal na kasulatan, at mag-ayuno, nagdown-load at nanood din ako ng mga pelikulang pangrelihiyon, pero di ko pa rin madama ang gawain ng Banal na Espiritu. Hungkag pa rin ako sa espirituwal at nasa kadiliman Puno ng pasakit akong dumaing sa Panginoon: "Oh, Panginoon! Sabi sa Biblia, hangga't humihiling kami sa Iyong pangalan, ibibigay Mo ito sa'min. Papanglaw na nang papanglaw ang simbahan. Nagdadasal ako sa Iyong pangalan pero bakit hindi ko maramdaman ang presensya Mo? Panginoon, nasaan ka?" Salamat at dininig ng Diyos ang dasal ko.

Isang araw nung Pebrero 2016 Nakita ko ang pellikula sa You Tube na Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia. Malinaw na ipinaliwanag nito ang misteryo ng Biblia. Nagkaro'n ako ng bagong pagkaunawa sa Biblia at pinasaya ako nito. Pero ang ipinagtaka ko ay kung sa'n nagmula ang mga salitang iyon. Wala sa Biblia ang mga ito! Mayamaya'y dinownload ko ang video at pinanood pa ito nang maraming beses, at mas lalo ko itong nagugustuhan. Ang pagbabahagi ay lubos na nakaayon sa Biblia. Nalaman ko na ginawa ito ng Kidlat ng Silanganan, kaya patuloy akong naghanap ng mga pelikula nila at 'di sinasadyang nakita ko ang pelikulang Nagbago ang Pangalan ng Diyos?! Naengganyo ako sa pamagat kaya dinownload at pinanood ko ito agad. Sabi rito, pag dumating ang Diyos sa mga huling araw, di na Siya tatawaging Jesus, magkakaro'n na Siya ng bagong pangalan. Gulat na gulat ako. Naisip ko, "Sinasabi sa Biblia na: 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man' (Mga Hebreo 13:8). Bakit mababago ang pangalan ng Diyos? Sa mga nagdaang panahon, ang mananampalataya'y nagdarasal at kumikilos sa pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi kailanman nagbago 'yan. Ba't nasabi ng Kidlat ng Silangan na nagbago ang pangalan ng Diyos?"

Pagkatapos ay narinig ko ang pagbabahaging ito ni Sister Yang sa pelikula: "Sabi sa Biblia: 'Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.' Ang disposisyon ng Diyos at ang diwa Niya'y walang hanggan at hindi nagbabago. Di ibig sabihing 'di na magbabago ang pangalan Niya." Nagbasa rin siya ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? ... At kaya, ang mga salitang 'Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma' ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang 'Ang Diyos ay hindi magbabago' ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos, sinabi ni Sister Yang: "Sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, gumagawa Siya ng iba't-ibang gawain at nagtataglay ng iba't ibang pangalan sa iba't ibang kapanahunan. Ngunit ang diwa ng Diyos ay hindi nagbabago. Ang Diyos ay laging Diyos. Ibig sabihin, ang pangalan man Niya'y Jehova o Jesus, pareho pa rin ang diwa Niya. Iyon pa rin ang Diyos na gumagawa. Hindi alam ng mga Fariseong Judio na magbabago ang pangalan Niya sa pagbabago ng gawain Niya sa iba't ibang kapanahunan. Inisip nila na tanging si Jehova ang Diyos nila, ang kanilang Tagapagligtas. Kumapit sila sa maling paniniwala nila, na 'Tanging si Jehova ang Diyos; wala nang ibang tagapagligtas kundi si Jehova.' Kaya nang ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa pangalan ni Jesus, matindi nilang kinundena at nilabanan Siya at sa bandang huli ay ipinako pa Siya sa krus. Gumawa sila ng kasuklam-suklam na krimen at sila'y pinarusahan ng Diyos. Walang makakaarok ng karunungan ng Diyos, at walang makapaglilimita sa Kanya. Sa mga huling araw, kung itatatwa natin ang diwa ng Diyos o ang gawaing ginawa ng isang Diyos dahil binago Niya ang Kanyang gawain at pangalan, Kahibangan at kamangmangan ang tawag d'yan! Ang pangalang tinataglay Niya sa bawat kapanahunan ay may kahulugan at dakilang kaligtasan para sa tao."

Sa bahaging ito ng pelikula, naunawaan ko na pwedeng magbago ang pangalan ng Diyos, at totoo rin na, "Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man" tinutukoy sa Biblia, hindi nagbabago ang diwa't disposisyon Niya, pero di ibig sabihing di magbabago ang pangalan at gawain Niya. Nagbabago ang pangalan ng Diyos tulad ng hinihingi ng gawain Niya. Ang pagkaunawa ko'y base sa literal na kahulugan ng nakatala sa Biblia, na di magbabago ang pangalan Niya-yun pala, haka-haka ko lang 'yun! Iginiit ng mga Fariseo na si Jehova ang kanilang Diyos at ang pangalang ito'y hindi magbabago. Kaya naniwala sila na sinumang hindi tinawag na Mesias ay hindi Diyos nang dumating na ang Panginoong Jesus. Nilabanan nila at kinundena ang Panginoong Jesus, kaya tuluyan silang napagkaitan ng Kanyang pagliligtas. Dapat kong isantabi ang mga pananaw ko at makinig sa pagbabahagi sa pelikula para hindi ko masalungat ang Panginoon gaya ng mga Fariseo.

Pagkatapos ay may isa pang itinanong ang pangunahing tauhan: "Anong kahulugan ng bagong pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan?" Naisip ko, "Magandang tanong 'yan, at hindi ko rin alam ang sagot. Nagbahagi lang sila na may kahalagahan ang bagong pangalan ng Diyos at ito'y kaligtasan ng sangkatauhan, kaya anong kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos?" Binasa ni Sister Feng ang ilan sa mga salita ng Diyos. "'Jehova' ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si 'Jesus' ay si Emmanuel, at ito'y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. ... Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya upang muling isilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at nagpapahiwatig ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang 'Jehova' ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang 'Jesus' ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos, nagbahagi si Sister Feng, "Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Iyan ay kumatawan sa disposisyon ng kamahalan poot, pagsumpa't awang ipinahayag Niya sa mga tao ng kapanahunang iyon. Sinimulan Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan sa pangalang Jehova. Nagbigay Siya ng mga batas at pinamunuan ang sangkatauhan sa kanilang buhay. Inutos Niyang mahigpit na sundin ang batas at matutong sambahin at dakilain Siya. Ang mga pagpapala ng Diyos ay darating sa sumusunod sa batas at ang mga lumabag sa batas ay babatuhin hanggang sa mamatay o susunugin ng apoy mula sa langit. Kaya sinunod ito ng mga Israelita at itinuring ang pangalan ni Jehova na sagrado at namuhay nang libu-libong taon sa paggabay ni Jehova. Sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, ang mga tao'y lalong naging tiwali't makasalanan at 'di masunod ang batas. Ang lahat ay laging nanganganib na maparusahan sa pagsuway dito Kaya ang Diyos ay sinimulan ang yugto ng gawain ng pagtubos taglay ang pangalang Jesus. Tinapos Niya'ng kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa kapanahunang ito, Ipinahayag ni Jesus ang mga disposisyon ng pagmamahal at awa. Pinagkalooban Niya ng biyaya ang tao, at sa huli'y ipinako sa krus upang tubusin ang tao mula kay Satanas. Matapos 'yan, nagsimulang magdasal ang tao sa pangalan ni Jesus, upang sambahin ang pangalan Niya, at tamasahin ang kapatawaran at biyaya ng Diyos Makikita natin sa naunang dalawang yugto ng gawain Niya na ang pangalang tinataglay ng Diyos ay mahalaga. Kinakatawan ng mga ito ang gawain at disposisyong ipinapahayag Niya. Sa Kapanahunan ng Biyaya, kung ang Panginoon ay tinawag na Jehova nang dumating Siya, sa halip na Jesus, ang gawain ng Diyos ay nahinto na sana sa Kapanahunan ng Kautusan. Hindi sana nagtamo ng kaligtasan ang tiwaling sangkatauhan, kundi pagkundena at kaparusahan sa paglabag sa kautusan ang kanilang kinahantungan. Kung tinaglay pa rin Niya ang pangalan ni Jesus sa mga huling araw, ang tiwaling sangkatauha'y tatanggap lang ng kapatawaran sa kasalanan nila. Hindi sila kailanman nagtamo ng kadalisayan. Ito'y dahil napatawad ang mga kasalanan nila sa pagtubos ng Panginoong Jesus, ngunit nandun pa rin ang likas nilang kasamaan. Patuloy silang magkakasala at sasalungat sa Diyos at hindi ganap na natamo ng Diyos. Iyan ang dahilan kaya nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw, upang hatulan at linisin ang sangkatauhan sa pundasyon ng gawain ng Panginoong Jesus-upang ganap na mailigtas ang tao sa kasalanan. Sinimulan Niya'ng Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Sumulong ang gawain Niya't nagbago ang kapanahunan. Ang gawain Niya ay iba na. Nagbago rin ang pangalan Niya alinsunod dito."

Sa puntong ito, naisip ko, "May kahulugan ang pagkakaro'n ng Diyos ng mga bagong pangalan. Kumakatawan ito sa isang kapanahunan. Ang Jehova na ginamit ng Diyos sa kapanahunan ng Kautusan, ay kumatawan sa mga disposisyon ng Diyos sa kamahalan, poot, sumpa't awa. Ang Jesus, na tinaglay Niya sa Kapanahunan ng Biyaya, ay kumatawan sa maawain at mapagmahal Niyang disposisyon, Sa mga huling araw, darating ang Diyos upang magdalisay at magligtas. Pag nagbabago ang gawain Niya, nagbabago ang mga pangalan Niya. Ang dami palang misteryong nakapaloob sa mga pangalan Niya." Lalong tumindi ang interes ko, kaya patuloy kong pinanood ang video.

Matapos 'yan, Ibinahagi ni Sister Feng na ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay Makapangyarihang Diyos at binanggit ang Pahayag 1:8: "Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat." Sinasabi rin sa Pahayag 11:16-17: "At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari." Marami pang propesiya sa Pahayag tulad ng 4:8, 16:7, at 19:6 na nagsasabing ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay "ang Makapangyarihan," ang Makapangyarihang Diyos,

Pinasadahan ko ang Biblia ko para sa kumpirmasyon habang nakikinig, at nakita ko ngang naroon ang pangalang "Makapangyarihan". Nagulat ako't napaisip, "Ang pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay malinaw na binanggit noon pa man, sa Pahayag, araw-gabing pinuri ng apat na buhay na nilalang ang Diyos: 'Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating' (Pahayag 4:8). Pinupuri nila ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Ang pangalang ang 'Makapangyarihan' ay binanggit sa marami pang ibang dako. Ang pangalang 'Makapangyarihang Diyos' sa mga huling araw ay nakaayon sa mga propesiya sa Pahayag! Naniniwala ako sa Panginoon at marami nang nabasang Kasulatan-ba't hindi ko napansin ang mga misteryong ito?"

Nanood pa ako at may narinig akong nagsabi nito: "Ang Diyos ay matalinong Diyos, at bawat ginagawa Niya ay may kahalagahan. Ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay kumakatawan sa Kanyang gawain at disposisyong ipinahahayag Niya sa mga huling araw. Kung hindi Niya personal na ihahayag ang mga misteryong ito, hindi natin ito mauunawaan ga'no man tayo magbasa ng Biblia." Pagkatapos, binasa niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. "Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon-Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos-Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nagbahagi siya, "Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalang Makapangyarihang Diyos. Ipinahahayag Niya ang katotohanan upang ilantad ang likas na kasalanan at at hatulan ang ating pagsuway upang malaman natin ang likas nating katangian at diwa sa pamamagitan nito, alamin kung gaano tayo ginawang tiwali ni Satanas, unawain ang ugat ng ating katiwalian, at alamin ang matwid, hindi naagrabiyadong disposisyon ng Diyos. Itinuturo din Niya ang paraan para mabago ang mga disposisyon natin upang maiwaksi natin ang kasamaan, hanapin ang katotohanan, baguhin ang mga disposisyon natin at maligtas ng Diyos. Pumarito ang Diyos upang hatula't dalisayin ang tao, ibukod ayon sa uri, gantimpalaan at parusahan, upang ganap na maligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan. at makumpleto ang 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos. Kaya nagpakita ang Diyos taglay ang matwid, makahari, mabangis Niyang disposisyon na hindi magpapalampas ng paglabag. Hayagan niyang ipinakita ang likas Niyang disposisyon, at kung anong mayroon Siya. Dumating Siya upang hatulan at kastiguhin ang katiwalian at pagiging di-matwid ng mga tao. upang iligtas tayo mula sa kasalanan at ipanumbalik ang orihinal na wangis ng tao. Gusto Niyang makita ng lahat na hindi lang Niya nilikha ang lahat kundi pinamamahalaan din Niya. Hindi lang Siya alay sa kasalanan, kaya Niya rin tayong gawing perpekto, at dalisayain. Siya ang Una, at Siya rin ang Huli. Walang makakaarok ng pagiging kamangha-mangha Niya. Kaya ang pangalang Makapangyarihang Diyos ay pinakaakma sa mga huling araw. Sinumang nagdarasal sa pangalang ito't nagbabasa ng mga salita Niya'y maaring makamit ang patnubay ng Banal na Espiritu, at matamasa ang mayamang kabuhayan ng Diyos. Ang relihiyosong mundo ay nakararanas ngayon ng kapanglawan. Ang pananampalataya ng tao'y nanlalamig, sila'y mahina at nagnanasa ng sekyular na bagay, ang mga mangangaral ay nauubos, at ang mga tao'y hindi na naaantig sa panalangin. Parami nang parami ang mga nagpapatangay sa mga makamundong tukso. Hindi sila makasabay sa Cordero at walang panustos ng tubig na buhay. Nasasadlak sila sa kadiliman at naliligaw."

Ang makita ito'y kapana-panabik sa akin-Ang mga salita Niya ay totoong may awtoridad, lalo na ito: "Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita." Ang mga salitang ito'y puno ng kamahalan at katuwiran. Walang sinuman maliban sa Diyos ang makapagsalita ng puno ng awtoridad at kamahalan. Ito ay tinig ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay totoong nagbalik na! Naglingkod ako nang lubos at bumisita sa mga bahay para makinig ang mga mananampalataya at dumalo sa pagtitipon. Nag-ayuno't nagdasal pa ko nang ilang beses pero hindi na napasiglang muli ang simbahan. Nanamlay rin ang pananampalataya ko, hindi ko madama ang Panginoon Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain upang hatulan at dalisayin ang sangkatauhan sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Tayo'y hindi tumutugon sa bagong gawain ng Diyos. Wala tayong natanggap na panustos ng mga salita Niya o gabay ng Espiritu. Nasadlak tayo sa kadiliman. Kapag tinatanggap natin ang pagliligtas Niya sa mga huling araw nagdarasal sa pangalan Niya at nagbabasa ng mga salita Niya matatamo natin ang gabay ng Banal na Espiritu.

Nagbasa pa sila ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. "Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng kapanahunan at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Kaya mas naunawaan ko na si Jehova, si Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. ngunit lagi Siyang gumagawa base sa pangangailangan ng tao. Ang Diyos lang ang makakapaghayag ng mga misteryong ito Ang pagtanggap sa pangalan Niya'y di pagkakanulo sa Panginoong Jesus, at sa puso ko, alam kong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ang pagtanggap sa pangalan Niya'y hindi pagkakanulo sa Panginoong Jesus, ito'y pagsunod sa mga yapak ng Cordero. Tulad ng sinasabi sa Pahayag: "Ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon" (Pahayag 14:4).

Nakipag-ugnayan ako sa mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagtitipong kasama nila, naunawaan ko ang ilang katotohanan at marami ring nalutas na mga palaisipan ko noon. Nakatanggap ako ng mga espirituwal na panustos. Ramdam kong ako'y nadala na sa harap ng trono at nakadalo sa piging ng Cordero. Salamat sa Makapangyarihang Diyos.

________________________________

Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay Jehova; sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Si Jehova at Jesus ay iisang Diyos, ngunit bakit nagbago ang pangalan? Ano ang kahalagahan ng Diyos sa paggamit ng iba't-ibang pangalan? Basahin ang artikulo upang mahanap ang kasagutan

Sumnod: Tinuturing ng Diyos ang Tao bilang Kanyang Pinakamamahal

Sinundan: Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar