Inalog ng mga Salita ng Diyos Hanggang Magising ang Aking Espiritu
Ni Nannan, Estados Unidos
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa kasalukuyang yugto ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Niya basta iginagawad ang biyaya at mga pagpapala sa tao tulad ng ginawa Niya dati, ni hindi rin Niya sinusuyo ang tao upang magpatuloy. Sa yugtong ito ng gawain, ano ang nakita ng tao mula sa lahat ng aspeto ng gawain ng Diyos na kanilang naranasan? Nakita ng tao ang pag-ibig ng Diyos at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa panahong ito, pinaglalaanan, sinusuportahan, nililiwanagan at ginagabayan ng Diyos ang tao, nang sa gayon ay unti-unti nilang nalalaman ang Kanyang mga intensyon, nalalaman ang mga salita na sinasabi Niya at ang katotohanang iginagawad Niya sa tao. ... Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagbibigay-daan upang unti-unting makilala ng mga tao ang katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang mala-satanas na diwa. Iyong ipinagkakaloob ng Diyos, ang Kanyang pagbibigay liwanag sa tao at Kanyang paggabay ay nagbibigay-daan sa sangkatauhan upang higit pa lalong makilala ang diwa ng katotohanan, at patuloy na malaman kung ano ang kinakailangan ng mga tao, kung anong daan ang dapat nilang tahakin, para sa ano ang kanilang pamumuhay, ang kahalagahan at kahulugan ng kanilang mga buhay, at kung paano lumakad sa daang tatahakin. ... Kapag nanumbalik na ang puso ng tao, hindi na nila nanaising mabuhay na may masama at tiwaling disposisyon, sa halip nanaising hanapin ang katotohanan upang paluguran ang Diyos. Kapag ang puso ng tao ay nagising, makahihiwalay na nang husto ang tao kay Satanas. Hindi na siya mapipinsala pa ni Satanas, hindi na muling kokontrolin o lilinlangin nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita upang bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon ay nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at ang paglayo sa kasamaan. Ito ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mayroon akong kaunting karanasan sa bahaging ito ng mga salita ng Diyos.
Noong Hunyo ng 2016, naitalaga akong gumanap sa aking tungkulin sa pangkat ng pagbigkas sa Inggles, at masaya talaga ako, dahil sa wakas ay masusubukan ko ang kakayanan ko sa Inggles. Maipapakita ko nang husto ang mga kakayanan ko! Hindi ako makapaghintay na sabihin sa mga kapatid ko sa amin, at ipaalam sa kanila ang magandang balita. Pinapantasya ko pa nga ang mga naiinggit nilang mga mukha kapag nalaman nila ito.
Pagkatapos kong magsimula sa tungkulin, napansin ko na talagang matatas magbasa ng Inggles ang ibang mga kapatid at maganda rin ang kanilang pagbigkas. Madalas silang mag-uusap sa Inggles, at maging sa panahon ng mga pagpupulong at habang gumaganap sa mga tungkulin, makikipag-usap sila sa buong Inggles. Hindi kasing ganda ng sa kanila ang aking Inggles. Naiinggit ako at nababalisa, ngunit sinabi ko sa aking sarili: Basta't mag-aral akong mabuti, darating ang araw na magiging kasing galing din ako nila o mas magaling pa! Kaya't nagsimula akong gumising nang napakaaga at nagpupuyat sa gabi para mag-aral ng Inggles at magsaulo ng bokabularyo. Palagi kong iniisip kung paano ko mapagbubuti ang pagganap ko sa trabaho. Kapag may naririnig akong nagbabahagi ng kanilang karanasan sa gawain, ilalabas ko ang aking panulat at magtatala. Mabilis na lumipas ang maraming buwan, at pinakamabagal pa rin ako sa pagsulong at pinakamababa ang pagganap sa pangkat. Sa pagkakaalam na hindi ko nagagampanan ang aking mga tungkulin, at kailangan kong makakuha ng mga tip at tulong mula sa mga nakababatang kapatid, dagdag pa ang katunayan na madalas na binibigyan lamang ako ng pinuno ng pangkat ng mababa at pangkaraniwang gawain sa panahong iyon. Dahil dito'y naramdaman ko'ng lubos akong hindi kailangan sa pangkat. Nasiraan ako ng loob at nainis. Kalaunan, dumating ang isang bagong kapatid na babae sa aming pangkat. Hindi niya alam ang mga tungkulin ng aming pangkat, kaya't hinilingan akong tulungan siya. Lihim akong natuwa na hindi na ako ang pinakamahina sa aming pangkat. Ngunit sa laking pagkagulat ko magaling ang kapatid na ito at mabilis matuto, kaya't mabilis na bumuti ang kanyang Inggles. Sa loob ng dalawa o tatlong buwan, mas maganda na ang kanyang pagganap kaysa sa akin. Nagitla ako dahil dito: "Sa ganitong bilis, hindi magtatagal at ako na naman ang pinakamahinang kaanib sa aming pangkat. Mauunawaan mo na hindi ako gumaganap nang kasing husay sa ibang mga kaanib na mas matagal nang gumagawa kaysa sa akin. Ngayon ay pumasok ang baguhang ito at hinihilingan akong tulungan siya, ngunit sa sandaling panahon lamang ay naging mas magaling na siya kaysa sa akin. Nakakahiya iyon!" Nabubuhay ako sa bawat araw na nakikipagpaligsahan para sa katayuan at karangalan at palaging hindi ako mapalagay. Lumipas ang mga araw ko sa lubos na kalungkutan. Hinahanap ko na ang mga nakalipas na araw na ginagampanan ko ang aking tungkulin sa aming bayan. Dati'y ako ang nangunguna sa mga diskusyon at pagpaplano. Sumasang-ayon ang lahat ng mga kapatid sa aking mga pananaw at mataas ang pagtingin sa akin ng mga pinuno ng iglesia. Dati'y importante akong tao, ngunit ngayo'y nalugmok ako nang napakababa. Habang lalo ko itong iniisip, lalong naaapi at ginawan ng mali ang pakiramdam ko. Minsan, umabot ako sa pagtatago sa loob ng palikuran na umiiyak. Noong gabing iyon, pabaling-baling ako sa aking higaan at hindi ako makatulog. Hindi ako makahinto sa pag-iisip, "Pinakamahina akong kaanib sa aking pangkat mula pa noong unang araw. Ano kaya ang iniisip ng ibang mga kapatid tungkol sa akin? Ayaw ko na rito." Ngunit naisip ko kung paanong nanumpa ako sa Diyos, na gugulin ang aking sarili para sa Kanya habang nabubuhay ako upang suklian ang Kanyang pag-ibig. Kung pababayaan ko ang aking mga tungkulin, hindi ba't sisirain ko ang aking pangako? Hindi ba't dinadaya at pinagtataksilan ko ang Diyos? Naiinis talaga ako, kaya't nanalangin ako sa Diyos, sinabi ko: "Mahal na Diyos, hindi ko alam kung paano makakalagpas sa kalagayang ito o kung ano ang matututunan ko rito. Gabayan po ninyo ako at liwanagan ako."
Pagkatapos noon, binasa ko sa aking telepono ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos: "Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibiduwal na mga pagkaunawa, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pakitunguhan ang inyong hangaring magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at pagkaunawa ay pawang mga halimbawang kumakatawan sa napakasamang disposisyon. Umiiral ang mga bagay na ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi magawang iwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: 'Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at isaayos nang angkop ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan kaming makalamang sa iba, at kailangan kaming magkaroon ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba pa. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hangganang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.' Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang inasahan na ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso hanggang sa sila ay maging madaya, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila walang lakas at matibay na pagpapasya, kundi sila ay naging ganid, mayabang, at sutil din. Lubos silang walang anumang matibay na pagpapasya na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang kaunting tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng mga impluwensyang ito ng kadiliman. Ang isipan at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay masyado pa ring pangit, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat upang maalis ang mga ito" ("Bakit Ayaw Mong Maging Hambingan?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinaliwanag ng mga salita ng Diyos nang napakaliwanag ang aking kalagayan! Hindi ba't labis akong nasasaktan at tumatangging gampanan ang aking mga tungkulin at pinagtataksilan ang Diyos dahil hindi nabigyang-kasiyahan ang aking pagnanasa para sa katayuan? Mula noong sumali ako sa pangkat, gusto ko lamang patunayan ang aking sarili at mapansin sa pangkat kaya't nag-aaral akong mabuti ng Inggles para mapagbuti ang aking pagganap. Sa napakabilis na pagbuti ng bagong kapatid, nag-alala akong malalagpasan niya ako, at muli akong magiging pinakamahinang kaanib sa pangkat. Ginugol ko ang buong araw na nag-aalala tungkol sa katayuan at nabuhay ako sa lubos na kalungkutan. Sa pagtingin sa mga salita ng Diyos "ang mga kaisipang inasahan na ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso," tinanong ko ang aking sarili: "Bakit ako nagsisikap para sa katayuan? Anong mga kaisipan ang nagdudulot sa akin ng lahat ng kalungkutang ito?" Pagkatapos lamang na pagbulay-bulayan ang mga salitang ito naunawaan ko na nabubuhay ako sang-ayon sa mga mala-satanas na kasabihan gaya ng "Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno," "Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa," at "Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa." Mula pagkabata tinuturuan tayo ng ating mga guro na manguna, maging pinakamagaling sa mga magagaling. Palagi akong humahanga at naiinggit sa mga marangal at kilalang mga tao, at nais kong maging kagaya nila. Saanman ako naroon, nais kong mag-isip ng mabuti ang mga tao tungkol sa akin, at mas maganda pa kung hinahangaan, sinusuportahan, at pinupuri ako ng lahat. Inaakala ko na ito ang paraan ng pamumuhay nang masaya at sulit na buhay. Malungkot ang buhay at magiging napakababa ng pakiramdam ko kapag hindi ko nakuha ang paghanga at papuri ng iba. Pinagsusumikapan ko pa rin ang mga bagay na ito pagkatapos kong magsimulang gumanap sa mga tungkulin ko sa tahanan ng Diyos. Ngunit kapag hindi ko nakakamit ang pagbuti o papuri at paghanga ng iba, nagiging pesimista, malungkot at nasisiraan ako ng loob. Naisip ko pa ngang pabayaan ang aking mga tungkulin at magtaksil sa Diyos. Nilamon na ako ng aking pagkahumaling sa kasikatan. Titiisin ko ang anumang paghihirap at makikipaglaban sa anumang digmaan para lamang makamit ito, hanggang umiikot na ang mundo ko sa iisang bagay na ito. Noon ko napagtanto na pinagsusumikapan ko ang maling bagay. Hindi ko ginagampanan ang aking mga tungkulin para pagsumikapan ang katotohanan at suklian ang pag-ibig ng Diyos, ginagawa ko lamang ito para bigyang kasiyahan ang sarili kong pagnanasa para sa kasikatan at katayuan.
Ipinakita sa akin ng paghahayag sa mga salita ng Diyos na ligaw ang aking pagsusumikap. Kalaunan, nabasa ko ang bahaging ito sa mga salita ng Diyos: "Para sa bawat isa sa inyo na tumutupad sa inyong tungkulin, gaano man kalalim ang pagkaunawa mo sa katotohanan, kung nais mong pumasok sa reyalidad ng katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para magsagawa ay isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng ginagawa mo, at bitawan ang iyong mga makasariling hangarin, indibidwal na layon, mga motibo, karangalan, at katayuan. Unahin mo ang mga interes ng bahay ng Diyos-ito ang pinakamaliit na dapat mong gawin. ... Bukod pa riyan, kung kaya mong tuparin ang iyong mga responsibilidad, gampanan ang iyong mga obligasyon at tungkulin, isantabi ang iyong mga makasariling hangarin, isantabi ang sarili mong mga layon at motibo, mayroon kang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, at inuuna mo ang mga interes Niya at ng Kanyang sambahayan, kung gayon pagkaraang danasin ito sa sandaling panahon, madarama mo na maganda ang ganitong pamumuhay. Ito ay pamumuhay nang prangka at tapat, nang hindi nagiging isang hamak at walang-silbing tao, at pamumuhay na makatarungan at marangal kaysa pagiging makitid ang utak o salbahe. Madarama mo na ganyan dapat mamuhay at kumilos ang isang tao. Unti-unti, mababawasan ang hangarin sa puso mo na bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes" ("Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Pagkatapos na mabasa ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi mahalaga ang hangaan ng iba. Pagpapasakop sa kapangyarihan at mga panukala ng Diyos, paninindigan sa gawain ng tahanan ng Diyos, paggawa ng katotohanan at pagtupad sa mga tungkulin-ito ang talagang mahalaga, at ito ang paraan ng pamumuhay nang bukas at matapat. Pagkatapos kong maunawaan ang kalooban ng Diyos, nakadama ako ng malaking paglaya. Ako pa rin ang pinakamahina sa aming pangkat, ngunit hindi na masama ang pakiramdam ko rito. At kung mayroong makakasakit sa aking karangalan at katayuan, hindi na ako kasing hina nang dati. Sadya akong mananalangin sa Diyos at tatalikuran ang mga mali kong motibo, at naging kalmado ako at nagampanan ang aking mga tungkulin. Ngunit malalim na ang pagkakatanim ng lason ni Satanas sa akin at naging pinakalikas ko na. Hindi na sapat ang makaunawa upang mabunot ito. Kailangan kong dumanas ng higit pang paghatol at pagdadalisay upang maging malinis at mabago.
Itinalaga ng pinuno ng aming pangkat sina Sister Liu at Sister Zhang upang mangasiwa sa aming gawain dahil kapwa sila may malalakas na kakayanang propesyunal. Naiinggit at nagseslos ako. Tila ba tanda ng kasikatan ang magsanay sa mga kapatiran. Bakit hindi ako maaaring maging kagaya nila? Ang tanging magagawa ko ay iyong abalang gawain na hindi nangangailangan ng anumang kakayanan. Hindi nagtagal, naimungkahing gampanan ko ang gawain ng pagdidilig sa pangkat na tumutulong sa iba na lutasin ang kanilang mga kahirapan. Ngunit hindi ko kinasasabikan ito at minamaliit pa nga ang tungkuling ito. Para bang iyon lamang mga taong walang tunay na kakayanan ang natatalagang gampanan ang gawaing ito. Kung makagagawa ng mabuti ang aming pangkat, sasabihin ng lahat na dahil iyon sa dalawang kapatid na babaing iyon. Sino na ang makakapansin sa akin na gumagawa nang hindi nakikita, na nagbabahagi ng katotohanan upang lumutas ng mga suliranin? Dahil mali ang iniisip ko at hindi makamit ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi talaga ako makaramdam ng panggaganyak para gampanan ang aking mga tungkulin at inisip ko sa aking sarili kung minsan: "Bakit hindi makapantay ang kakayanan ko sa iba? Saan ba ako magaling? Kailan ko maipapakita nang lubos ang mga kakayanan ko?" Unti-unti, nagsimula akong makadama na lalo akong lumalaban at naguguluhan. Hindi nagtagal, tuwing tinatanong ako ni Sister Zhang na magbukas ng pinto o magbukas ng bintana, pakiwari ko'y gusto kong magalit. Naisip ko: "Gaano katagal ka na bang naging mananampalataya? Mas magaling ka lang nang kaunti sa mga kakayanan, yun lang. Karapat-dapat ka na bang utus-utusan ako?" Sa huli, hindi ko na lang pinapansin si Sister Zhang kapag kinakausap niya ako. Kung minsan kapag nagtatanong siya sa akin, magkukunwari na lamang ako na hindi ko siya narinig. Kung tutugon man ako, hindi ko ito sasabihin sa magandang paraan. Noong makita ko na nagdadalawang-isip siya dahil dito, sumama nga ang pakiramdam ko, ngunit pagdating sa mga usaping may kinalaman sa katayuan at karangalan, pinapabayaan ko pa ring mapangunahan ako ng damdamin.
Isang umaga, nakita ko sina Sister Liu at Sister Zhang na palabas patungo sa gawain. Mukha talaga silang mataas na klase at nakasunod sa moda sa kanilang mga kasuotan, nainis ako at naiinggit sa kanila. Naisip ko, "Tinatanggap ninyo ang lahat ng papuri samantalang naiiwan ako rito para magtrabaho nang hindi napapansin. Walang makakaalam kung gaano ako naghihirap sa paggawa. ..." Noong bumalik ang mga kapatid na babae noong gabing iyo, nagmamadaling binati sila ng lahat ng mga kaanib sa aming pangkat, ipinaghanda pa nga sila ng hapunan ng iba. Noong una, gusto ko rin sanang bumati sa kanila at tanungin kung ano ang nangyari sa gawain nila, ngunit noong nakita ko kung paanong binati sila ng iba, muli na naman akong naiinggit, at naisip ko: "Nakukuha na naman ng dalawang iyon ang lahat ng papuri at ngayon mukha na naman akong lalong kawawa." Sa kaisipang iyon, bumaling ako at bumalik sa kwarto ko. Hindi ako mapalagay kaya't nanalangin ako sa Diyos, Sinabi ko: "Mahal na Diyos, muli na namang bumangon ang pagkahumaling ko sa katayuan. Gusto ko nang pakawalan ang aking pagnanasa para sa karangalan at katayuan pero hindi ko magawa. Ipakita Mo po sa akin kung paano ako makalalaya sa mga panggapos ng pagkilala at katayuan."
Noong sumunod na araw, nakita ng isa sa mga kapatid na babae na hindi maganda ang timpla ko at binasa sa akin ang sumusunod na bahagi: "Sa sandaling pumasok na sa usapan ang posisyon, mukha, o reputasyon, lumulukso sa pag-asam ang puso ng lahat, at gusto palagi ng bawat isa sa inyo na mamukod-tangi, maging tanyag, at makilala. Lahat ay ayaw sumuko, sa halip ay palaging nagnanais na makipagtalo-kahit nakakahiya at hindi tinutulutan ang pagtatalo sa sambahayan ng Diyos. Gayunman, kung walang pagtatalo, hindi ka pa rin kuntento. Kapag nakikita mong may ibang namumukod-tangi, naiinggit ka, namumuhi, at na hindi iyon patas. 'Bakit hindi ako namumukod-tangi? Bakit palagi na lang ang taong iyon ang namumukod-tangi, at hindi ako kahit kailan?' Sa gayo'y naghihinanakit ka. Sinusubukan mo itong pigilin, ngunit hindi mo magawa. Nagdarasal ka sa Diyos at gumaganda ang pakiramdam mo sandali, ngunit kapag naharap kang muli sa ganitong sitwasyon, hindi mo ito madaig. Hindi ba iyan tayog na kulang pa sa gulang? Hindi ba isang patibong ang pagkahulog ng isang tao sa gayong katayuan? Ito ang mga kadena ng likas na katiwalian ni Satanas na gumagapos sa mga tao" ("Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi ko pa talaga nababago iyong pinagsusumikapan ko. Hinahangad ko pa rin ang pagkilala, katayuan at ang manguna sa iba. Pinangungunahan ng mga bagay na ito, nais kong laging mangibabaw at mapansin, at gumawa ng mga tungkulin na mahalaga o nangangailangan ng kakayanan. Inisip ko na ito lang ang tanging paraan na igagalang ako at pahahalagahan ng iba, at matatanggap at sa huli'y pagpapalain ng Diyos. Binabaliwala ko ang anumang gawaing iniisip kong hindi mahalaga at minamaliit pa na may kasamang paghamak ang tungkulin kong pagdidilig. Sa pagkakitang naitatalaga ang dalawang kapatid na babae sa mahahalagang tungkulin samantalang nabibigyan lamang ako ng maliliit na tungkulin na hindi kailanman mapapansin, nagseselos ako at naiinis, at umaangal pa, na sinisisi ang Diyos sa hindi pagbibigay sa akin ng mas mataas na kakayanan at mga magagawa. Talagang wala ako sa katwiran! Dahil hindi nabigyang kasiyahan ang pagnanasa ko para sa katayuan, hindi ko pinagbubuti ang aking tungkulin, at magagalit pa sa aking mga kapatid na babae para lamang mailabas ang aking kawalang kasiyahan. Walang pag-aalinlangang nakapipigil at nakakasakit ito sa aking mga kapatid na babae. Habang pinagbubulay-bulayan ko ito, lalo akong nakakadama ng kasalanan. Napagtanto ko kung gaano ako naging makasarili at kulang sa pagkatao.
Kalaunan, nabasa ko ang bahaging ito ng mga salita ng Diyos: "Plaging nais ng mga tao na maging sikat o maging mga kilalang tao; hinihiling nilang magtamo ng malaking katanyagan at mabuting pangalan, at magdala ng karangalan sa mga ninuno nila. Mga positibong bagay ba ang mga ito? Lubhang hindi kaayon ang mga ito ng mga positibong bagay; higit pa roon, taliwas ang mga ito sa batas ng pagkakaroon ng Diyos ng kapamahalaan sa kapalaran ng sangkatauhan. Bakit Ko sinasabi iyan? Anong uri ng tao ang nais ng Diyos? Nais ba Niya ng isang dakilang tao, isang kilalang tao, isang maharlikang tao, o isang taong yumayanig sa mundo? (Hindi.) Kaya, kung gayon, anong uri ng tao ang nais ng Diyos? Nais Niya ng isang taong matatag na nakatapak ang mga paa sa lupa, na naghahangad na maging karapat-dapat na nilalang ng Diyos, na kayang tuparin ang tungkulin ng isang nilalang, at na kayang manatili sa lugar ng isang tao" ("Tanging Paghahanap sa Katotohanan at Pagtitiwala sa Diyos ang Nakalulutas sa Masamang Disposisyon" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi nais ng Diyos ng mga marangal na mga tao o mga talentong napakadakila, kundi mga taong matino na makagaganap sa kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos. Hindi hinihiling ng Diyos sa akin na magkaroon ng dakilang kakayanan o mataas na uri ng kakayanang propesyunal, hinihiling lamang Niya na manatili ako sa aking lugar at gawin ang pinakamabuti para gampanan ang aking mga tungkulin. At ito ay isang bagay na magagawa ko. Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng magkakaibang kakayanan at magkakaibang talento. Habang ginagawa natin ang pinakamabuti sa ating mga kakayanan, tinutulungan ang isa't isa at gumagawang magkasama, magagampanan natin ang ating mga tungkulin at makapagbibigay kaluguran sa Diyos.
Nabasa ko rin ang mga salitang ito ng Diyos: "Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung angkin niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan" ("Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ay matwid na Diyos; hindi nakabatay sa kung mayroon silang karangalan o kasikatan, kung ilang tao ang sumusuporta at tumatanggap sa kanila o kung ano ang mapagkukunan nila, kung sino iyong pinupuri ng Diyos, at iyong wakas at kahahantungan na itinakda Niya para sa bawat tao. Bagkus, nakabatay ito lahat kung makagagawa sila ng katotohanan, magpapasakop sa Diyos, at gaganap sa kanilang mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos. Halimbawa na ang mga dakilang saserdote, eskriba at mg Fariseo. Nagkaroon sila ng katayuan at impluwensya, maraming humahanga at sumusunod sa kanila, ngunit noong dumating ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi nila pinagsikapan ang katotohanan o tinanggap ang gawain ng Diyos. Kinundina at nilabanan pa nila nang walang pagpipigil ang Panginoong Jesus upang ipagtanggol ang sarili nilang katayuan at kita, hanggang sa maipako Siya sa krus at pagdusahan ang mga sumpa at kaparusahan ng Diyos. Naisip ko rin si Noe-ginawa niya ang arko sang-ayon sa tagubilin ng Diyos. Noong panahong iyon, inisip ng lahat na nababaliw siya, ngunit dahil nakinig at sumunod siya sa Diyos, tinanggap niya ang parangal ng Diyos at nabuhay sa baha. Pagkatapos ay naroon iyong abang balo sa Biblia. Tila walang halaga sa iba iyong dalawang kusing na ibinigay niya, ngunit pinarangalan siya ng Diyos, dahil ibinigay niya ang lahat niyang pag-aari sa Diyos. Sa pagbubulay-bulay sa mga kwentong ito, nakita ko na tunay na makatwiran ang Diyos. Pinahahalagahan ng Diyos ang katapatan ng mga tao. Maisasakabuhayan lamang natin ang buhay na may kabuluhan sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Diyos, pagpapasakop sa Diyos, paggawa sa mga salita ng Diyos at pagganap sa tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Dadalhin lamang tayo sa paggawa ng kasamaan, paglaban sa Diyos at pagtanggap sa kaparusahan ng pagsisikap na purihin ng iba. Naunawaan ko na hindi itinalaga ng Diyos na gampanan ko ang aking tungkulin sa kapaligirang iyon dahil nais Niyang maghirap at mapahiya ako, kundi dahil mayroon Siyang panukala para sa akin. Labis lang akong nahuhumaling sa katayuan, kaya't kailangan kong maranasan ang mailantad at madalisay upang talagang makilala ko ang aking sarili, at makalaya sa mga panggapos ng karangalan at katayuan at mamuhay nang malaya at hindi napipigilan sa harapan ng Diyos. Iyon ang pinakamabuting paraan para mabago at dalisayin ako ng Diyos. Pag-ibig at kaligtasan iyon ng Diyos. Sa pagkakaisip nito, nanalangin ako sa Diyos, "O Diyos ko, salamat sa detalyadong pagkakaayos sa mga kapaligiran upang mailigtas at malinis ako. Ayaw ko nang mabuhay para sa katanyagan at katayuan, anumang tungkulin ang nakatalaga sa akin, gaano man kababa ito sa paningin ng iba, nakahanda akong magpasakop at gumawang kasama ng mga kapatid ko upang magampanan ang aming mga tungkulin."
Hindi nagtagal, kinailangan sa aking pangkat na lumabas ang ilang tao para sa mga gawain ng iglesia. Noong nalaman ko ito, muli na namang nagbangon sa aking kalooban ang pagnanasa. Naisip ko na marahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng pagkakataon na ipakita ang aking sarili. Habang nagpapasya ang aking mga kapatid kung sino'ng aalis, umaasa akong mapipili ako, ngunit sa huli'y napagpasyahang ipapadala sina Sister Liu at Sister Zhang. Nabigo ako nang kaunti. Tila ba hindi na ako magkakaroon ng sandali ko sa araw. Napagtanto kong muli na naman akong nakikipagpaligsahan para kasikatan, kaya't nanalangin ako sa Diyos at pinabayaan ang aking mga maling motibo. Naisip ko kung paanong sa loob ng panahong ito'y hindi ako nakatuon sa aking gawain, kundi sinayang ang lahat ng mahalagang oras at lakas na ito sa pakikipagtunggali para sa katayuan, at hindi ginampanan ang aking mga tungkulin ni kaunti. Araw-araw akong lumaban para sa kasikatan at katayuan, at tunay na masamang damdamin iyon. Pakiramdam ko'y nalinlang ako ni Satanas. Masisira talaga ng katayuan at karangalan ang mga tao. Sa totoo lang, may iba't ibang kayang gawin at kakayanan ang mga kapatid sa aming pangkat, Isinaayos ng Diyos na gumawa kaming magkasama dahil nais Niya na magamit na mabuti ng bawat isa sa amin ang aming mga kakayanan, matuto at makasundo ang isa't isa at gumawang mabuti nang magkasama upang gampanan ang aming mga tungkulin. Matagal nang pinagpasyahan ng Diyos ang aking kakayanan at katayuan. Itinalaga rin ng Diyos kung anong papel ang gagampanan ko sa pangkat at kung anong gawain ang gagampanan ko. Kaya't dapat akong maging masaya kung saan man ako naroon, gawin ang pinakamabuting makakaya ko upang gampanan ang aking tungkulin, at maging taong may katinuan na nagpapasakop sa Diyos. Matapos na maunawaan ito, mas gumaan ang pakiramdam ko. Tuwing lalabas ang dalawang kapatid na babae para sa kanilang tungkulin, ipapanalangin ko sila at gagawin ang pinakamabuti upang matapos ang lahat ng pangkaraniwang gawain upang makapagtuon sa pagganap sa sarili nilang mga tungkulin ang ibang mga kapatid na babae. Hinimok ko rin ang mga kapatid na bigyang pansin ang kanilang espirituwal na debosyonal upang makahanap din sila ng panahon para sa pagpasok sa buhay dagdag pa sa gawain. Naramdaman kong mas matino at mapayapa na ako, noong sinimulan kong gawin ang mga bagay-bagay na may higit na malasakit. Pakiramdam ko'y mas napalapit ako sa Diyos at naging normal ang aking mga ugnayan sa mga kapatid. Hindi na ako naglalagay ng labis na pagpapahalaga sa karangalan at katayuan at naging higit akong bukas. Puno ng pagpapasalamat sa Diyos ang aking puso para sa maliit na pagbabagong ito. Ginising ang puso ko ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ipinakita sa akin ang kahungkagan at pagdurusang dulot ng pagsisikap para sa katanyagan at katayuan, at tinulungan akong maunawaan na may kabuluhan lamang ang buhay kung ito'y isinasakabuhayan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, pagsusumikap para sa katotohanan at pagganap sa tungkulin ng isang nilalang.
________________________________
Bakit tayo magiging mahina at negatibo kapag dumating sa atin ang mga pagsubok at pagpipino? Ang pangunahing dahilan ay hindi natin nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa mga huling araw, ang Panginoon ay dumating at nagpapahayag ng mga bagong salita, malinaw na sinasabi sa atin kung bakit sinubukan tayo ng Diyos at kung ano ang pagdurusa kahulugan. I-click upang basahin ito ngayon.
Inirerekomenda: Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Sumnod: Makinig sa Tinig ng Diyos upang Masalubong ang Pagbabalik ng Panginoon
Sinundan: Tungkol sa Biblia (3)
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.