Nakilala Ko Ang Aking Sarili Dahil sa Mga Salita ng Diyos
Ni Miaoxaio, Timog Korea
Sabi ng mga Salita ng Diyos: "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. ... Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakikita ko na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan upang hatulan at dalisayin tayo, para malaman natin ang ating mga satanikong kalikasan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at makita ang katotohanang lubos tayong ginawang tiwali ni Satanas. Saka tayo makakaramdam ng pagkakasala, kamumuhian natin ang sarili, at tunay na makakapagsisi. Pakiramdam ko noon pa na mabuti ang katauhan ko, na mapagparaya at mapagpasensya ako sa iba, at kapag may nakikita akong nahihirapan, ginagawa ko ang kaya ko para tumulong. Akala ko, mabuting tao ako. Pero matapos kong tanggapin ang mga gawain ng Diyos ng mga huling araw at maranasan ang paghatol at paghahayag ng Kanyang mga salita, nakita ko na kahit mukhang mabuti ang kilos ko sa labas at hindi ako gumagawa ng malinaw na kasalanan, marami akong makademonyong disposisyon sa loob-pagmamataas, panlilinlang, malisya. Hindi ko mapigilang tumaliwas sa katotohanan at tutulan ang Diyos. Lubos akong ginawang tiwali ni Satanas at talagang kailangan ko ang paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos.
Naalala ko noong Marso ng 2018 naging tungkulin ko sa iglesia na gumawa ng mga video. Bago ako sa grupo, at narinig kong sinabi ng isang kapatid na ang lider raw ng grupo na si Brother Zhao ay medyo estrikto at mahigpit ang mga pamantayan sa trabaho. Naisip ko, "Responsable ang maging estrikto at puwede itong magtulak sa amin na pagbutihin pa ang tungkulin namin. Maganda nga 'yon." "Saka," naisip ko, "Madali akong pakisamahan at makakasundo ko kahit sino. Hindi ko maisip na magkakaproblema ako sa pakikipagtrabaho kay Brother Zhao."
Nag-download si Brother Zhao ng ilang video upang tingnan namin para mas mabilis kaming masanay sa trabaho, sa mga bagay tulad ng estetika, komposisyon ng kuha, ilaw, at koordinasyon ng kulay. Medyo nakakainip pag-aralan lahat ng 'to para sa'kin at palihis-lihis ang atensyon ko. Naisip ko, "Ang daming impormasyon, makakalimutan ko lang naman agad. Unti-unti ko rin matututuhan 'to 'pag nagsanay. Sa puntong ito, mas mainam na matutong gumawa ng mga mas magagandang video gamit ang bagong software, para matuto kami at mapukaw ang interes namin." Sinabi ko ang ideya ko, sa pag-aakalang kokonsiderahin 'to ni Brother Zhao, pero laking gulat ko nang pakinggan niya ko at mahigpit niyang sabi, "Napakahalagang pag-aralan ang mga propesyonal na kasanayang ito. Kailangan nating maunawaan ang mga ito upang makagawa ng mga magagandang video. Kailangan nating turuan ang ating mga sarili at magdahan-dahan. Huwag tayong gumawa ng hindi pa natin kaya. Ang pag-aaral ng lahat ng ito ay upang magawa natin nang maayos ang ating tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ating isipan, mas magiging masigasig tayong matuto at hindi ito magiging nakaiinip." Pagkasabi niya n'un, tumingin sa'kin ang ibang mga kapatid. Namula ang buong mukha at leeg ko. Hiyang-hiya ako. Naisip ko, "Ano ang iisipin nila sa akin kapag ganyan mo ako kausapin? Iisipin ba nila na hindi ako seryoso sa aking tungkulin? Ano pang mukha ang mapapakita ko pagkatapos nito?" Ngunit naisip ko, "Hindi dapat makitid ang isip ko. Sinasabi 'to ni Brother Zhao para sa ikakabuti rin namin. Paano ako makikipagtulungan sa tungkulin na ito kung makitid ang isip ko?" Mula noon talagang pinag-aaralan ko ang mga kasanayang 'to at naintindihan ko agad ang ilang aspekto. Ilang sandali lang, pakiramdam ko, napakagaling ko na, at sa isip ko, mahusay ang kakayahan ko at mabilis ako matuto.
Isang araw, tinuruan kami ni Brother Zhao kung paano gumamit ng ilang bagong software. Natandaan ko agad 'yun, pero ang ibang mga kapatid, kailangan pa umulit. Matiyagang itinuro iyon ni Brother Zhao nang dalawang beses, ngunit nauubusan ako ng pasensya. Sa isip ko, "Ano ba'ng mahirap? Kuha ko naman, bakit pa uulitin?" Sinimulan kong tignan ang ibang mga materyales. Nang makita na hindi talaga ako nakatuon sa kasalukuyang gawain, sinabi ni Brother Zhao, "Sister, nakuha mo na ba ito? Halika at subukan mo." "Ano pa ba ang maaaring gawin?" naisip ko. "Hindi mo lang ako pinapaniwalaan, di ba?" Buong kumpiyansa kong sinubukan 'yon, ngunit natigil ako sa kalagitnaan. Hindi ko alam kung ano sunod na gagawin. Nanonood lang sa gilid ang ibang mga kapatid. Namumula na ang mukha ko. Gustong gusto kong humanap ng pagtataguan. Sinabi ni Brother Zhao nang seryoso ang mukha, "Sister, masyado kang mapagmataas at mapagmagaling, at sa pangkalahatan ay pabaya sa iyong pinag-aaralan. Paano mo magagawa ang iyong tungkulin nang maayos sa ganyang paraan?" Lubos akong hindi sang-ayon sa mga sinasabi niya. "Hindi mo lang talaga ako gusto, 'di ba?" naisip ko. "Hindi ka nagtatanong sa iba, sa akin lang. Hindi ba dahil gusto mong palabasin na wala akong alam? At pinangaralan mo ako sa harap ng lahat; hindi ba upang isipin ng lahat na mapagmataas ako? Paano ako makikisama sa lahat pagkatapos nito?" Habang mas iniisip ko ito, lalo kong nararamdaman na sinasadyang makipag-away sa akin ni Brother Zhao, na gusto niya lamang akong pagmukhaing masama sa lahat. Kahit na ayoko, nagsimula akong makaramdam ng masamang palagay sa kanya. Mula n'on, medyo sinasadya ko na lang na iwasan siya. Kapag tinatanong niya ko ng kahit ano sa tungkulin ko, kung ano-ano lang sinasabi ko at halos 'di ko siya pansinin. Natatakot ako na pangaralan niya ako kung matuklasan niya na may mga problema sa gawain ko. Pero habang mas sinusubukan kong iwasan siya, mas maraming isyu at mali ang nakakaharap ko. Palagi akong nakatatanggap ng mga paalala at payo mula sa kanya. Naging mainitin ang ulo ko dahil dito, at lalo pa akong hindi nasisiyahan kay Brother Zhao. Naisip ko, "Palagi mo akong pinahihiya. Sa susunod na makakita ako ng pagkakamali sa'yo, pupunahin ko rin sa harap ng lahat, upang maramdaman mo ang ginagawa mo sa akin."
Matapos ang ilang saglit may isa pang kapatid na sumama sa aming pangkat. Binigyan ko siya ng simpleng oryentasyon, at pagdating kay Brother Zhao, inilabas ko lang ang lahatng opinyon at palagay ko tungkol sa kanya. Hindi ako mapalagay matapos iyon, iniisip ko kung hinuhusgahan ko siya sa likod niya. Subalit tinignan ko iyon sa ibang paraan. Binibigay ko sa kanya ang tapat kong opinyon upang may malaman siya tungkol sa kanya at makitungo nang nararapat sa kanyang mga kalakasan at kahinaan. Wala na akong ibang inisip pa.
Hindi nagtagal nang narinig ko ang isang kapatid na sinasabi sa isang pinuno ng simbahan ang ilang isyu sa tungkulin ni Brother Zhao. Naisip ko, "Magandang pagkakataon ito upang maibahagi ko rin ang mga saloobin ko. Malamang ay papakitunguhan ng lider si Brother Zhao base sa sinasabi namin, kaya malalaman n'ya ngayon kung ano'ng pakiramdam n'on. At baka alisin pa siya sa tungkulin n'ya pagkatapos pakitunguhan, kaya hindi ko na siya kailangang harapin sa araw-araw." Habang iniisip ito, ibinahagi ko sa lider ang tungkol sa mga katiwalian at pagkakamali n'ya. Akala ko ay mapapalitan siya, ngunit nakagugulat na pagkalipas ng ilang araw noong tinipon ng pinuno ang pagsusuri ng lahat, sinabi niyang may kaunting katiwaliang nabunyag kay Brother Zhao, pero gayundin ang kaunting kamalayan sa sarili, at inako niya ang responsibilidad sa kanyang tungkulin at may kakayahang gumawa ng praktikal na gawain. Pinayagan siyang manatili bilang pinuno ng pangkat. Medyo dismayado ako nang marinig 'yon. Nang maglaon, tinawag ako ng pinuno para sa pagbabahagi. "Sister, noong pinag-uusapan natin ang mga isyu ni Brother Zhao, binanggit mo lamang ang kanyang mga katiwalian at pagkakamali. Masama ba ang palagay mo sa kanya? Napakadirektang tao niya, kaya kapag may nakikita s'yang gumagawa ng mali, o kontra sa mga prinsipyo ng katotohanan, hindi na siya nagpapasikot-sikot pa. Minsan matapang nang kaunti ang dating n'ya ngunit nais niya lamang tulungan ang mga kapatid at panindigan ang gawain ng simbahan. Hindi tayo maaaring magkamali sa pagdiskarte rito. Kung ililipat natin siya sa ibang tungkulin, makagagambala iyon sa gawain ng simbahan. Kung pag-uusapan ang mga isyu ni Brother Zhao, kailangan nating suriin kung ang sinasabi at ginagawa natin ay naaayon sa katotohanan, kung wasto ba ang mga motibo natin, at kung anong katiwalian ang nahalo...." Dahil sa paalala ng pinuno, naisip ko na baka maryoon akong seryosong isyu. Inisip ko kung paano ako kumilos noong ginawa ko ang tungkulin ko kasama si Brother Zhao, at hindi ako mapalagay nang kaunti. Idinulog ko sa Diyos ang kalagayan ko sa panalangin.
At kalaunan ay binasa ang mga salitang ito ng Diyos: "Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos. Kapag ang isa na naniniwala sa Diyos ay hindi sumusunod sa Diyos o gumagalang sa Diyos bagkus ay sumusuway sa Kanya, kung gayon ito ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. ... Ang Diyos ay palaging nasa puso nila na talagang naniniwala sa Diyos at palaging taglay sa loob nila ang isang pusong gumagalang sa Diyos, isang pusong maibigin sa Diyos. Yaong mga naniniwala sa Diyos ay gumagawa dapat ng mga bagay sa pamamagitan ng isang maingat at mapanagot na puso, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod dapat sa mga kinakailangan ng Diyos at makalulugod sa puso ng Diyos. At sila ay hindi dapat matigas ang ulo, ginagawa ang anumang maibigan; na hindi angkop sa banal na kagandahang-asal. Hindi dapat magwala ang mga tao at iwagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanloloko kahit saan; ang paggawa nito ay ang pinakarebelyosong pagkilos. Ang mga pamilya ay mayroong kanilang mga patakaran at ang mga bansa ay mayroong kanilang mga batas, hindi ba't lalo na sa tahanan ng Diyos? Hindi ba't ang mga pamantayan ay lalong mas mahigpit? Hindi ba't mas maraming atas administratibo? Malaya ang mga tao na gawin kung ano ang gusto nila, nguni't ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring basta na lamang mababago kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga tao na saktan Siya..." ("Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Talagang masakit ang mga salita ng Diyos. Nakita ko na ang disposisyon ng Diyos ay walang pinahihintulutang pagkakasala, na may mga atas administratibo sa bahay ng Diyos, at may mga kahingian Siya. Kung may nagsasalita at kumikilos nang walang paggalang sa Diyos, 'di makontrol na para bang walang pananampalataya, pakubling nanghuhusga ng iba, naghahasik ng sigalot, nagkakanya-kanya, at gumagambala sa gawain ng iglesia, kung gayon, ang taong iyon ay isang kampon ni Satanas. Hindi hahayaan ng Diyos na manatili ang isang tulad nito sa iglesia. Naisip ko ang aking pag-uugali at kung ano ang ipinakita ko sa aking tungkulin kasama si Brother Zhao. Nagkaroon ako ng pagkiling laban sa kanya dahil lamang itinuro niya ang isang kapintasan ko sa harap ng iba, at sinugatan ang puri ko. Inilabas ko rin ang aking mga palagay tungkol sa kanya sa baguhan pa lang na kapatid at hinusgahan siya sa likod niya, para kumampi siya sa'kin at mabukod si Brother Zhao. Nang marinig ko na may ibang nag-uulat sa ilang mga isyu sa kanyang tungkulin kinuha ko ang pagkakataong paratangan siya, at nanabik na palitan siya ng lider ng iglesia at paalisin. Di ba't pagpapakita 'yun ng malisyoso at makademonyo kong disposisyon? Paano 'yon naging kawangis ng taong nananampalataya? Napagtanto ko na sa pamamagitan ng pagtuturo ng aking mga pagkakamali at pagkukulang sa aking tungkulin, nagiging responsable lang si Brother Zhao sa gawain ng bahay ng Diyos, at ginagawa niya 'yon para tulungan ako. Ngunit nagkaroon ako ng pagkiling laban sa kanya dahil nasaktan ang aking kapurihan. Patuloy kong sinubukang humanap ng mali niya, hinusgahan siya, at lumikha ng pagkakagulo, umaasang mapaalis siya. Ano ang papel na ginagampanan ko? Di ba't ginagambala at sinasabotahe ko ang gawain ng bahay ng Diyos? Di ba nagiging kampon ako ni Satanas? Natakot ako sa inisip ko. Kung hindi ito sinuri ng pinuno ng simbahan batay sa mga alituntunin ng katotohanan at pinanatili siya sa kanyang tungkulin, maaapektuhan ang gawain ng pangkat. Nakaramdam ako ng panghihinayang at pagsisi sa sarili, at kaunting pagkakasala kay Brother Zhao. Nakita kong lubos akong kulang sa pagiging makatao. Kung hindi dahil sa malupit na paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, dahil manhid ako, hindi ko sana mapagninilayan o makikilala ang sarili ko. Kung nagkagayon ay itinuloy ko ang paggawa ng kasamaan at paggambala sa gawain ng iglesia, at kamumuhian at aalisin ako ng Diyos. Sa wakas natanto ko kung gaano kapanganib kung hindi nalutas ang aking malisyosong satanikong disposisyon. Nagsimula akong magnilay sa mga bagay, at nagtaka kung ano ang tunay na ugat sa likod ng satanikong disposisyon na nabunyag sa'kin.
Nabasa ko kalaunan ang mga salitang ito ng Diyos: "Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa 'mga instituto ng dalubhasaan.' Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya sa pamumuhay, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian-lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalian ng laman sa pusali. Marinig man nila ang katotohanan, ang mga nananahan sa kadiliman ay hindi mag-iisip isagawa ito, ni hindi sila nakahandang matamo ang Diyos kahit na namasdan na nila ang Kanyang pagpapakita. Papaanong ang isang sangkatauhan na ubod ng sama ay magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan? Papaanong ang isang sangkatauhan na napakasama ay mabubuhay sa liwanag?" ("Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Ganito mag-isip ang mga tao: 'Kung hindi ka magiging mabait, hindi ako magiging makatarungan! Kung bastos ka sa akin, magiging bastos din ako sa iyo! Kung hindi mo ako pakikitunguhan nang may dignidad, bakit kita pakikitunguhan nang may dignidad?' Anong klaseng pag-iisip ito? Hindi ba ito isang mapaghiganting klase ng pag-iisip? Sa mga pananaw ng isang karaniwang tao, hindi ba posible ang ganitong perspektibo? 'Mata para sa mata, ngipin para sa ngipin'; 'ito ang karma mo'-sa mga di-mananampalataya, ang lahat ng ito ay mga pangangatwirang tama at lubos na umaayon sa mga pagkaunawa ng tao. Subalit, bilang isang taong naniniwala sa Diyos-bilang isang taong hinahangad na maunawaan ang katotohanan at naghahangad ng isang pagbabago sa disposisyon-masasabi mo bang tama o mali ang mga ganoong salita? Anong dapat mong gawin upang makilala ang mga ito? Saan nagmumula ang mga ganitong bagay? Nagmumula ang mga ito sa malisyosong kalikasan ni Satanas; nagtataglay ang mga ito ng lason, at tinataglay ng mga ito ang totoong mukha ni Satanas na puno ng pagkamalisyoso at kapangitan. Tinataglay ng mga ito ang pinakadiwa ng kalikasang iyon. Ano ang katangian ng mga perspektibo, saloobin, pagpapahayag, pananalita, at pati na rin mga kilos na nagtataglay ng diwa ng kalikasang iyon? Hindi ba mula kay Satanas ang mga iyon? Umaayon ba sa sangkatauhan ang mga aspetong ito ni Satanas? Umaayon ba ang mga ito sa katotohanan, o sa realidad ng katotohanan? Ang mga ito ba ang mga pagkilos na dapat gawin ng mga sumusunod sa Diyos, at mga saloobin at pananaw na dapat nilang taglayin? (Hindi.)" (Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ). Naintindihan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pagsisiwalat ng malisyosong satanikong disposisyon na ito at paggawa ng ganitong uri ng hindi makataong bagay ay hindi lamang pagpapakita ng panandaliang katiwalian, ngunit ito ay dahil kinontrol ako ng mga lason at kalikasan ni Satanas. Sa pamamagitan ng pambansang edukasyon at panlipunang pagkondisyon, binababad ni Satanas ang mga tao sa napakaraming lason nito, tulad ng "Hindi kami aatake maliban na lang kung inatake kami; kung inatake kami, siguradong gaganti kami ng atake," "Mata para sa mata, at ngipin para sa ngipin," at "Ito ang lasa ng iyong sariling gamot." Dahil ginawang tiwali at nilason ng mga makademonyong pilosopiyang ito, ang mga tao ay nagiging mas mapagmataas, makasarili, mapanlinlang, at taksil, at handa silang hamakin ang lahat upang protektahan ang kanilang sariling mga interes at imahe. Hindi nila kayang makipag-ugnayan sa isa't isa nang maayos, wala silang pag-unawa, mas lalong walang anumang pasensya. Sa sandaling ang mga salita o kilos ng ibang tao ay kumontra sa kanilang sariling interes nagkakaroon sila ng pagkiling laban sa kanila, hinahamak at ibinubukod sila, o kaya ay naghihiganti pa. Ito ay tulad ng CCP. Upang mapanatili ang diktadurya nito at protektahan ang imahe nito bilang "mahusay, maluwalhati, at tama," walang sinuman ang hinahayaang ibunyag ang masasamang gawain nito, gaano man karami. Maaari lamang silang papurihan. Sinumang magsasabi ng totoo at maglalantad sa Partido Komunista, na susugat sa "maluwalhating" imahe nito, ay siguradong parurusahan. Ikinukulong nito ang mga tao sa gawa-gawang kaso, at pinapatay pa sila para patahimikin. Nilason ako ng malaking pulang dragon mula noong bata pa ako at puno ako ng satanikong disposisyon. Lubha akong mapagmataas, hindi ko tinatanggap ang katotohanan, at hindi ko hinahayaan ang iba na ilantad ang aking katiwalian. Hindi ko kasundo ang sinumang kumukompromiso sa aking sariling interes, at tinuturing ko pa silang masaklap na kaaway. Nang maglakas-loob si Brother Zhao na maging matapat, upang ituro ang aking aktuwal na mga pagkukulang, hindi lamang ako nabigo na unawain iyon nang maayos, na mapagpakumbabang tanggapin ang kanyang tulong, ngunit nagtanim ako ng sama ng loob laban sa kanya dahil naapektuhan nito ang aking reputasyon at katayuan. Nagkalat ako ng bali-balita, siniraan ko siya, at hindi ako makapaghintay na mapalitan siya. Kumilos akong parang utusan ni Satanas nang di namamalayan, at ginambala ang gawain ng iglesia. Noon ko lamang nakita kung gaano ako lubos na tiniwali ni Satanas. Ako ay likas na mapagmataas, mapanlinlang, makasarili, at malisyoso. Nabunyag lang ang aking makademonyong disposisyon nang walang matinong kawangis ng tao. Nakita ko na kung hindi malulutas ang aking satanikong disposisyon ay tiyak na wawasakin ako ng Diyos. Ngayon alam ko na noong iniisip ko ang aking sarili bilang mapagparaya, mapagpasensya sa iba, at may mabuting katauhan, iyon ay dahil walang nanghihimasok sa mga personal na interes ko pero sa oras na nagkakaroon, lumalabas ang makademonyong kalikasan ko. Nagsimulang lumaki ang galit ko sa sarili. Ayoko nang mabuhay pa ayon sa makademonyong disposisyon ko at tutulan ang Diyos. Pagkatapos ay nagsabi ako ng isang panalangin ng pagsisisi sa Diyos, nang handang hanapin ang katotohanan, upang tanggapin ang paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos, at itakwil ang aking satanikong disposisyon sa lalong madaling panahon.
Maya-maya, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: "Kung ang mga tao, sa kanilang pananalig sa Diyos, ay hindi madalas nabubuhay sa harap Niya, hindi nila magagawang magkaroon ng anumang paggalang sa Kanya, kaya hindi nila magagawang layuan ang kasamaan. Magkakaugnay ang mga bagay na ito. Kung madalas mong napapalugod ang Diyos sa puso mo, mapipigilan ka, at matatakot sa Diyos sa maraming bagay. Hindi ka gaanong makakalayo, o gagawa ng anumang bagay na napakasama. Hindi mo gagawin yaong kinamumuhian ng Diyos, at hindi ka magsasalita nang walang katuturan. Kung tinatanggap mo ang obserbasyon ng Diyos, at ang Kanyang pagdidisiplina, iiwasan mong gumawa ng maraming bagay na masama. At sa gayon, hindi mo ba nalayuan ang kasamaan?" ("Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Makalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pagkakaroon ng galang sa Diyos sa aking pananampalataya ay talagang kritikal. Kailangan nating laging mamuhay sa harap ng Diyos at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa ating mga salita at kilos. Kahit na mahirap tanggapin o makaramdam tayo ng pagtutol kapag pinag-uusapan ating mga interes, sa tulong ng puso na may paggalang sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin, maaari nating isantabi ang ating mga sarili, hanapin ang katotohanan, ituon ang pansin sa gawain ng bahay ng Diyos at sa ating tungkulin, at hindi gumawa ng anumang paghihimagsik o pagtutol sa Diyos. Nang magsimula akong isagawa ang mga salita ng Diyos, unti-unti kong pinakawalan ang aking mga pagtatangi laban kay Brother Zhao at nadama ko na ang pagtuturo niya ng aking mga problema ay makatutulong na mapabuti ako, at ginawa niya iyon upang makamit ang mas mahuhusay na resulta sa aming tungkulin. Ngayon, kapag may problema ako, kumukonsulta ako sa kanya nang may tamang pag-iisip, at sa pamamagitan ng kanyang mga mungkahi at tulong, napabuti ko ang aking mga kahinaan. Naging mas mahusay ako sa aking tungkulin, at magaan at payapa ang pakiramdam ko. Sa pamamagitan lamang ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos ko naranasan ang pagbabagong ito. Nakita ko kung gaano kapraktikal ang gawain ng Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan.
________________________________
Ang mas higit na pag-alam sa mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos, tulad ng kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, ay napakahalaga para sa atin upang maging ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng langit!
Inirerekomenda: Mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.