Humahagupit ang mga Sakuna, Nakuha Mo ba ang Pagkakataon upang Masalubong ang Panginoon at Makapasok sa Kaharian ng Langit?

26.05.2021

Sa paghagupit ng mga sakuna, lahat tayo ay nananabik na marapture sa kaharian ng langit sa lalong madaling panahon. Tungkol sa bagay na ito, alam mo ba ang mga hinihingi at pamantayan ng Panginoon sa atin upang makapasok sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoon, "Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't Ako'y banal" (1 Pedro 1:16). Kaya, tanging kung iwawaksi natin ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay maaari tayong makapasok sa kaharian ng langit. Ngunit ngayon, nabubuhay pa rin tayo sa isang estado ng pagkakasala at pagkukumpisal ng ating mga kasalanan palagi sa ating buhay at wala tayong magawa upang mapalaya ang ating sarili. Salamat sa Diyos. Nauunawaan ng Diyos ang ating pasakit sa pamumuhay sa kasalanan at ipinapakita Niya sa atin ang Kanyang dakilang awa. Alang-alang sa pagliligtas sa atin, Siya ay nagkatawang-tao at muling dumating sa mundo. Siya ang Makapangyarihang Diyos na dumarating upang bumigkas ng mga salita at gawin ang Kanyang gawain upang hatulan at dalisayin ang tao sa pundasyon ng gawaing pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus. Natutupad nito ang talatang ito, "Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48).

Ngayon, tatlumpung taon na mula nang magsimulang gawin ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain upang hatulan at dalisayin ang tao sa lupa, at ang Kanyang gawain ay hindi naghihintay para sa tao. Ngayon, ang mga sakuna ay makikita kahit saan. Kapag dumating na sa pagtatapos ang gawain ng Diyos, wala na tayong pagkakataon na madalisay at makapasok sa kaharian ng langit. Bakit? Ito ay sapagkat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay hindi katulad ng gawaing ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Ito ay maikli at hindi tatagal ng 2000 taon. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang katapusan ng mga huling araw; ang mga iyon ay maikli, kagaya noong isinakatuparan ni Jesus ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Ang mga iyon ay ang kaganapan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, at tinatapos ng mga iyon ang paglalakbay ng sangkatauhan sa buhay ng pagdurusa. Hindi dinadala ng mga iyon ang buong sangkatauhan tungo sa isang bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano ng pamamahala o sa pag-iral ng tao." Kaya, dapat nating pahalagahan ang oras at magmadali upang maghanap at mag-imbestiga sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng Kanyang paghatol at madalisay sa kasalanan maaari tayong magkaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng Diyos.

________________________________

Ang pandemya, lindol, baha, bagyo at iba pa, ay lalong naging madalas. Natupad nito ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Kaya't nagbalik na ang Panginoon. Paano natin Siya masasalubong at pagpalain Niya? Ipinapakita ng video na ito ang paraan. I-click upang panoorin ngayon: Pagpalain ng Diyos

Sumnod: Pananabik

Sinundan: Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan  

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar