Ang Paghatol ay Nagsimula sa Pamilya ng Diyos

24.06.2021

Aishen, Amerika

Ako ay isang Kristiyano. Nang una akong magsimulang maniwala sa Diyos, madalas akong makarinig ng mga sermon kung saan sinasabi ng mga tao, "Ang Panginoong Jesus ay ang Ating Manunubos. Siya ay ipinako sa krus para sa ating mga kasalanan. Si Jesus ay mahabagin at mapagmahal. Hangga't lumalapit tayo nang madalas sa harap ng Panginoon at ikinukumpisal ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng panalangin, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at sa pagbabalik ng Panginoon, makapapasok tayo sa kaharian ng langit." Pagkatapos, napansin ko, nang basahin ko ang Biblia, maraming mga bahagi kung saan ang salitang "paghatol" ay binabanggit. Halimbawa: "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). "Sapagka't siya'y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga" (Mga Gawa 17:31). Sa panahong iyon, hindi ko naunawaan kung ano ang ibig-sabihin ng paghatol. Kaya, nagtanong ako sa mangangaral. Sinabi sa akin ng mangangaral, "Pagdating ng Panginoon, gagawin Niya ang gawain ng paghatol upang pagpasyahan ang mga kasalanan ng tao. Dahil si Jesus ang sakripisyo para sa ating katubusan, ang ating mga kasalanan ay patatawarin at hindi tayo mahahatulan. Idagdag pa rito, ang mga gumugugol at nagpapakapagod para sa Panginoon ay tatanggap ng mga korona ayon sa kanilang mga naiambag. Magkakaroon ng malalaki at maliliit na korona...." Hindi ko talaga maunawaan ang sinabi sa akin ng mangangaral. Nadama ko na ang ideya ng "korona" na ito ay lubos na kapareho ng ideya na ang mas nakatataas ay uunahin sa mundong ito sa labas ng relihiyon. Hindi ito matanggap ng aking puso.

Pagkatapos, nakahanap ako ng posisyon para sa isang kalihim na nagtatrabaho sa isang organisasyon para sa ebanghelyo. Ang aking amo ay isa ring mangangaral at siya ay naging isa sa aking mga espiritwal na nakatatanda. Ipinaliwanag niya sa akin ang maraming mga pananaw na espirituwal. Ang isa sa pinakamalinaw kong natatandaan ay ang: Bilang isang tao, ang tao ay hindi lamang dapat magkaroon ng karunungan, dapat din siyang maging matalino pagdating sa mundo sa labas ng relihiyon. Ang ibig niyang sabihin sa karunungan ay tumutukoy sa paggawa ng maraming gawain para sa Panginoon. Dahil ang mga resulta ng mga gawain ng mga tao ay hindi magkakapareho, ang mga korona ay hindi rin magkakapareho. Kung ang resulta ng gawain ay malaki, ang korona ay magiging malaki rin. Ginamit niya ang kanyang sariling mga karanasan bilang halimbawa. Upang maipalaganap ang ebanghelyo, nagdusa siya nang husto at malaki ang isinakripisyo. Doon sa kanila, nagtatag siya ng isang iglesia at ginabayan ang maraming mga tao sa paniniwala sa Panginoon. Nakapunta rin siya sa maraming mga bansa upang ipalaganap ang ebanghelyo at nakulong din siya dahil sa paniniwala sa Panginoon. Sa bawat pagkakataong sinasabi niya ang tungkol sa mga karanasang ito, inaalala ko ang mga salita, "Ang mga korona ay ibibigay ayon sa gawain." Hindi sinasadya, nadama ko na siya ay isang tao na ginusto ng Panginoon. Sa katunayan, gumawa siya ng napakaraming gawain para sa Panginoon at nagdusa siya nang husto. Bilang resulta, nagsimula akong sambahin siya nang husto.

Habang masigasig kong sinasamba ang mangangaral na ito, natuklasan ko na sa hindi inaasahan ay dinispalko niya ang ilang pondo mula sa iglesia. Hindi rin ito maliit na halaga. Hindi nakapagtataka na marangya siyang gumagastos araw-araw. Madalas niyang dalhin ang kanyang pamilya sa restawran upang kumain, nagbabayad gamit ang kanyang sariling pangalan para sa akin upang mag-aral ng teolohiya at nakabili pa ng isang malaking bahay sa Estados Unidos na binayaran kaagad. Noong una, ako ay masyadong natuliro, "nang ang kanyang asawa ay dumating sa Estados Unidos, wala itong trabaho. Ang kanyang pamilya ay ganap na nakasandal sa kanya sa pinansyal. Paano siya nagkaroon ng ganoong karaming pera?" Hindi ko maunawaan ang tunay na kuwento hanggang matuklasan ko na dinispalko niya ang pera mula sa iglesia. Hindi ko ito maunawaan. Siya ay isang mangangaral, gayunma'y nagawa niyang hayagang labagin ang mga aral ng Panginoon at ninanakaw ang Kayang mga handog. Maaari kayang hindi siya natatakot maparusahan? Sinasabi ng Biblia: "Sapagka't siya'y dumarating: sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng kaniyang katotohanan ang mga bayan" (Awit 96:13). Ang Diyos ay matuwid at mapagkakatiwalaan. Ang ginawa ng mangangaral na ito ay labag na sa mga kinakailangan ng Diyos. Maaari kayang pagdating ng Panginoon, hindi Niya siya hahatulan? Sa panlabas, mukha siyang perpekto, ngunit sa realidad, siya ay isang tao na walang anumang paggalang o takot sa Panginoon. Ito ba ay isang tao na tunay na naniniwala sa Panginoon? Maaari kayang ang isang Kristiyano na gumawa at nagdusa para sa Panginoon ay hindi mahahatulan gaano mang kalaking kasalanan ang nagagawa niya? Ang sunud-sunod na mga suliraning ito ang nagtulak sa akin upang naising maunawaan kung ano ba talaga ang paghatol. Sa pagbabalik ng Panginoon, paano Niya hahatulan ang mga tao? Gayunpaman, sa bandang huli, hindi ko mahanap ang sagot sa Biblia.

Dahil sa mangangaral na ito, nakilala ko ang maraming mga lider na Kristiyano. Sa pamamagitan ng aking pakikipag-ugnayan sa kanila, nakikita ko na napakarami sa kanila ang nabubuhay sa kasalanan at hindi mapakawalan ang kanilang mga sarili mula rito. Nagkakasala sila sa araw at nanghihingi ng tawad sa gabi. Ibinabandera nila ang pangalan ng Diyos upang kumolekta ng pera at pagkatapos ay ibinubulsa nila upang sila at ang kanilang mga pamilya ay mabuhay sa maluhong uri ng pamumuhay. Ang iba ay nagkaroon pa ng kaugnayan maliban sa kanilang asawa na naging dahilan upang maging hungkag ang kanilang mga buhay may asawa. Ang iba ay nakipagdiborsyo pa.... Sa salita, sinusundan daw nila ang landas ng Panginoon at ang kanilang mga inuuna ay ang kaharian ng Diyos at pagkamatuwid ng Diyos. Gayunpaman, sa pagsasagawa, kagaya lamang sila ng mga taong makamundo. Pinagnanasaan nila ang kayamanan, katayuan at katanyagan at isinasabuhay nila ang kasuklam-suklam, marumi at masamang mga buhay. Nainis ako sa kanilang ginawa at hindi masasang-ayunan ito ng aking puso.

Pagkatapos, puno ng pag-asa, pinuntahan ko ang ilang mga iglesia. Gayunpaman, ang mga pangyayari sa mga iglesiang ito at ang mga mananampalataya sa mga iglesiang ito ay halos magkakatulad kagaya ng nakita ko noong una. Ako ay lubos na nanlumo. Idagdag pa, hindi ko naisabuhay ang mga aral ng Panginoon. Kapag nakikisalamuha ako sa mga kapamilya ko at mga kaibigan, palagi akong nagagalit at nakikipagtalo sa kanila dahil sa maliliit na bagay. Hahatulan ko pa ang iba nang hindi nila nalalaman. Karaniwan ng, hindi ko naisasagawa ang pagtitiyaga at pagtanggap. Nakikita ko na ako mismo ay nabubuhay sa kasalanan at walang paraan para mapakawalan ko ang aking sarili mula rito. Naguluhan ako nang husto at madalas kong iniisip, "Kung ipagpapatuloy natin ang landas ng pananampalatayang ito, ang walang katapusang paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanang ito at pagkatapos ang paghingi ng kapatawaran para sa mga ito, pagdating ng Panginoon para hatulan ang mga tao, mapapatawad ba tayo sa ating mga kasalanan dahil sa pagbabayad-sala ni Jesus at makapapasok sa kaharian ng langit?" Nadama ko na hindi ito posible dahil naaalala ko na sinabi ng Biblia, "Kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal" (Levitico 11:45). "Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Mga Hebreo 12:14). Kung ang tao ay hindi dalisay at banal, ni hindi siya karapat-dapat na makita ang Panginoon. Hahayaan ba siya ng Panginoon sa loob ng kaharian ng langit? Para itong paniniwala sa sariling mga kasinungalingan! Walang nakasagot sa aking tanong at tila wala ring sinuman ang may pakialam tungkol sa mga ito. Bukod diyan, dahil patuloy akong gumagawa ng mga kasalanan at nanghihingi ng tawad para sa mga ito, nahiya akong lumapit sa Diyos. Unti-unti, ayaw ko ng magpunta sa iglesia.

Nang malapit na akong maging desperado, isang araw ng Pebrero, 2017, nakilala ko ang isang kapatid na babae sa online. Sa pakikinig ko sa kanya na nagsasalita tungkol sa kanyang pagtanggap sa Biblia, inisip ko na napakadalisay nito. Siya ay nagpahayag nang buong linaw at galak na galak ako na natagpuan ko na sa wakas ang isang kapatid na babae sa espirituwal. Walang katapusan kaming nag-uusap. Minsan, ni hindi naming namalayan na buong hapon na pala kaming nag-uusap. Hindi ito nakakapagod. Sa kabaligtaran, naaliw ako dito nang husto dahil sa bawat pagkakataon na pinakikinggan magpahayag ang kapatid na ito, nadadama ko na parang nakinabang ako nang husto. Isang araw, sinabi sa akin ng kapatid na ito na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, nagpapahayag Siya ng bagong mga salita at sinisimulan gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos, na tinutupad ang sumusunod na mga salita ni Jesus: "At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:47-48). Nang marinig ko ang balitang ito, kapwa ako natulala at masaya. Ang aming Jesus, na aming inaasahan, ay nagbalik na sa wakas! Noong nakaraan, nang binabasa ko ang Biblia, kinainggitan ko ang mga dispulo na sumunod kay Jesus sapagkat nakita nila ang Panginoon nang harapan at nakinig sa Kanyang nagsasalita. Pinagpalang pagkakataon talaga! Hindi ko kailanman inisip na ako mismo ay magkakaroon ng pagkakataon na salubungin ang nagbalik na Panginoon. Sa pagkamangha, mayroon din akong ilang mga pangamba: Ang Panginoon ay nagbalik upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol. Paano hahatulan ng Panginoon ang mga tao? Paano Niya ako hahatulan? Nangamba talaga ako at gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong na ito.

Dahil dito, ipinahayag ko ang mga tanong na ito na mayroon ako. Binasa ng kapatid ang dalawang talata ng mga salita ng Diyos para sa akin: "Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi" ("Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkabasa niya sa mga salita ng Diyos, sinabi ng kapatid, "Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Panginoong Jesus ay ang pagtubos, hindi ang pag-ako sa makasalanang kalikasan ng tao. Kung kaya, bagamat tayo ay pinatawad na sa ating mga kasalanan, ang ating kalikasan ng paggawa ng mga kasalanan ay namamalagi pa rin sa loob natin at kaya pa rin nating madalas na ipahayag ang mala-satanas na masamang disposisyon kagaya ng kayabangan, pagmamataas, kabuktutan, pagtataksil, pagkamakasarili, kasakiman, kasamaan, atbp. Dahil sa mga gapos at sa kontrol ng mala-satanas na kalikasan, madalas tayong nabubuhay sa at hindi makatakas sa walang katapusang paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan at pag-amin sa mga ito." Tinanong ako ng kapatid, "Kung nabubuhay tayo sa kasalanan sa lahat ng panahon, aakyat ba tayo sa kaharian ng langit?" sumagot ako na may katiyakan, "Hindi." Tumango ang kapatid at sinabi, "Tama. Ang mga nabubuhay sa kasalanan ay tiyak na hindi makapapasok sa kaharian ng langit sapagkat ang Diyos ay dalisay at banal. Bakit pahihintulutan ng Diyos ang mga taong puno ng mala-satanas na masamang disposisyon at hindi naisasagawa ang mga salita ng Panginoon na pumasok sa kaharian ng langit? Kung mangyayari ito, walang paraan para makita ng mga tao ang pagkamatuwid, kadalisayan o kabanalan ng Diyos, ni makukumbinsi si Satanas. Kung gayon, sa mga huling araw, ang Diyos ay gumawa ng isang yugto ng gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita sa saligan ng gawain ng pagtubos ni Jesus. Ipinahayag Niya ang katotohanan ng milyun-milyong mga salita, inilahad ang mga hiwaga, inilantad ang katotohanan at diwa ng kasamaan ng sangkatauhan at itinuro ang isang praktikal na landas para tahakin ng tao, atbp. Ang layunin ng mga katotohanang ito ay upang linisin at baguhin ang disposisyon sa buhay ng tao upang magtamo tayo ng kaligtasan, at pagka-perpekto at upang maging karapat-dapat tayong pumasok sa kaharian ng Diyos. Bilang karagdagan, ang layunin ng gawain ng paghatol ng Diyos ay hindi nakatuon sa alinmang partikular na kasamaan ng tao. Sa halip, pinupuntirya nito ang kalikasan ng kabuuan ng sangkatauhan at diwa ng paglaban sa Diyos at pagtataksil sa Diyos upang hatulan ang tao. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng paghatol ng Diyos, nauunawaan natin ang katotohanan kung paanong tayo ay pinasama ni Satanas at makita natin nang malinaw ang mga lason ni Satanas sa loob natin gayundin ang mala-satanas na kalikasan ng pagsalungat at paglaban sa Diyos. Ito ay katulad ng kung paano sa panlabas, bagamat tayo ay nagpapakapagod, gumagawa, nagtatakwil at gumugugol para sa Diyos, ang isang bahagi ng mga resulta ng ating gawain ay hindi masukat na kasiyahang pansarili. Itinataas pa rin natin ang ating mga sarili at sumasaksi sa ating mga sarili upang tumaas ang tingin ng iba sa atin at tingalain tayo. Kapag gumugol tayo ng kaunti para sa Diyos, sinusubukan natin makipagkasundo sa Diyos upang kamtin ang biyaya, mga pagpapala, mga gantimpala at mga korona ng Diyos. Kapag nakasasagupa tayo ng mga sitwasyon at mga sakuna, nagsisimula tayong magreklamo sa Diyos, hindi maunawaan ang Diyos at sa seryosong mga pagkakataon, nagagawa pa nating pagtaksilan ang Diyos at iniiwan ang Diyos, atbp. Sa gitna ng paghatol ng mga salita ng Diyos at ng paghahayag ng mga katunayan, nagkaroon din tayo sa wakas ng isang tunay na pagkaunawa at pagkamuhi sa ating mga sarili at pagkauhaw na huwag nang mabuhay sa masasamang disposisyon na ito na nagiging sanhi upang kasuklaman tayo ng Diyos. Kasabay nito, nakikita natin na hindi pinahihintulutan ng matuwid na disposisyon ng Diyos ang pagkakasala at hindi pinahihintulutan ng dalisay at banal na diwa ng Diyos ang mga karumihan. Mayroon tayong masasamang disposisyon at dapat nating tanggapin ang paghatol ng Diyos. Mula rito, dapat tayong makalikha ng mga puso na gumagalang sa Diyos. Sa pagdanas natin sa maraming mga halimbawa ng ganitong uri ng paghatol at pagkastigo, unti-unti nating naiwawaksi ang mga gapos ng ating mala-satanas na masamang disposisyon. Ang ating konsensya at pagkamaykatwiran ay naibabalik nang paunti-unti at maisasabuhay natin ang kawangis ng isang tunay na tao. Ang lahat ng ito ay mga resulta na maaaring makamit sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw."

Sa pakikinig sa mga salita ng Diyos at sa pagpapahayag ng kapatid na babae, nadama ng puso ko na ang lahat ay bigla na lamang nagliwanag at ako ay nakikinabang nang husto. Naunawaan ko na sa mga huling araw ay ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng pagpapahayag sa katotohanan. Hinahatulan, nililinis at inililigtas Niya ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Sa sandaling ito, lubos kong nadama na ang gawaing ito ng Diyos ay talagang praktikal at kamangha-mangha! Ngayon, naunawaan ko na sa wakas. Kung gusto nating makapasok sa kaharian ng langit, ang pagdanas lamang sa pagtubos ni Jesus at ang pagpapatawad sa kasalanan ng isang tao ay hindi sapat. Dapat din nating tanggapin ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng Kanyang mga salita na binalikan ni Jesus para gawin. Sa gayon lamang tayo malilinis at maliligtas. Ito lamang ang landas kung paano maliligtas ang tao at makapapasok sa kaharian ng langit. Hindi ko maiwasang maiisip ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia: "Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan" (Juan 17:17). "Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon" (1Pedro 1:5). Sa sandaling iyon mismo, nadama ko na ang lahat ng pagkalito na dala-dala ko hanggang sa puntong iyon ay iniangat sa aking mga balikat at ang aking puso ay nakadama nang buong linaw. Naalala ko ang sinabi ni Jesus: "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay" (Juan 14:6). Ang katotohanan ay maaari lamang magmula sa Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan. Naniniwala ako na ang gawain ng paghatol na inuumpisahang gawin ng Makapangyarihang Diyos ay nagsisimula sa pamilya ng Diyos at ito ang gawain ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoon. Dahil dito, masaya kong tinanggap ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Pagkatapos, aktibo akong nakikibahagi sa mga pagtitipon at buong kasabikang binabasa ang mga salita ng Diyos. Isang araw, binasa ko ang sumusunod na talata: "Ako ang nagpapasya sa hantungan ng bawa't tao hindi batay sa edad, katandaan, laki ng paghihirap, at lalong hindi, ayon sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa, kundi ayon sa kung may angkin silang katotohanan. Walang ibang mapipili kundi ito. Dapat mong matanto na lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos ay parurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat niyaong pinarusahan ay pinarusahan nang gayon dahil sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa" ("Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Hindi Ako magkakaroon ng diwa ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming mga taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakaabot sa Aking mga kahilingan nang kaparusahan, hindi nang mga gantimpala, lalong hindi nang anumang simpatiya. ... Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga't hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri. ... sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na nangangalisaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas sa Aking kaharian, sa susunod na kapanahunan" ("Ang Mga Pagsalangsang ay Maghahatid sa Tao sa Impiyerno" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na ang Diyos ay patas sa bawat isang tao. Hindi pinapasyahan ng Diyos ang huling hantungan ng isang tao batay sa kanilang panlabas na paggugol. Sa halip, ito ay batay sa kung taglay o hindi ng isang tao ang katotohanan at kung sumusunod ba sila sa paraan ng Diyos. Ang Diyos ay talagang lubos na matuwid! Ang Diyos Mismo lamang ang makapaghahayag ng gayong katuwid na disposisyon, Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, iniugnay ko ang mga salitang iyon sa isang bagay na minsang sinabi ni Jesus: "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Noong una, naniniwala ako na ang mga nagpapakapagod at gumagawa para sa Panginoon at ang mga nagsasakripisyo nang malaki at nagdurusa nang husto, pagdating ng Panginoon upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, tiyak na pakikitunguhan sila ng Diyos nang maluwag. Ngayon, natutuhan ko na ang ganito ay ganap na sarili kong pagkaunawa at imahinasyon. Isang maling paraan ito ng pagtanggap at talagang hindi ayon sa mga layunin ng Diyos. Sa kasalukuyan, binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang sariling gawain, ang Kanyang disposisyon at Kanyang mga layunin sa atin. Ito ay nang maunawaan ko ang panloob na kahulugan ng sinabi ni Jesus. Tunay itong pagpapala ng Diyos!

Ang mas ikinasaya ko pa, pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa ilang panahon, nakikita ko na nalutas talaga ng mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ang aking suliranin ng paggawa ng mga kasalanan. Noong una, itinuro sa atin ni Jesus na dapat tayong maging mapagbigay at matiyaga sa iba, gayunpaman, hindi ko ito naisagawa. Pagkabasa sa mga salita ng Diyos at pagkatanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakilala ko na ang dahilan kung bakit hindi ko maisagawa ang mga bagay ay dahil sa ako ay kinokontrol ng aking mayabang at mapagmataas na mala-satanas na kalikasan. Napagtanto ko na puno ako ng kayabangan, ang aking paningin ay palaging nakapako sa iba at palaging mababa ang tingin ko sa iba. Sa pamamagitan ng mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, napagtanto ko ang katotohanan kung paanong ako ay pinasama ni Satanas. Sa katunayan, hindi ako naiiba sa kaninuman sa kanila. Lahat kami ay masama, taksil, makasarili, kasuklam-suklam at gusto lang ng pakinabang. Taglay namin ang bawat uri ng masamang disposisyon. Ako rin ay isang tao na lubos na pinasama ni Satanas at wala akong pagkatao at pagkamaykatwiran. Habang lalo kong tinatanggap ang paghatol ng Diyos, mas lalo kong nakikita na ako ay naghihirap, kaawa-awa at walang kabuluhan, at mas lalo kong nakikita na ang Diyos ay dalisay, banal, dakila at kataas-taasan. Ayoko ng maging lubos na mapagmataas at mababa ang tingin sa iba. Kapag nakikipag-ugnayan ako sa mga nakapaligid sa akin, napakikitunguhan ko sila nang wasto. Sa ganitong paraan, hindi ako umaasa sa pagsasagawa ng panlabas na pagpipigil at pagtitiyaga. Sa halip, sa aking puso, nagkaroon ako ng mas maraming pagkaunawa, pagpipigil at pagpapatawad sa iba. Nauunawaan ko na ang totoo, ang lahat ay nabubuhay sa loob ng mala-satanas na masamang disposisyon. Lahat tayo ay mga biktima. Pinasama tayo ni Satanas. Kasabay nito, ako ay lalo pang nagpapasalamat sa Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Diyos ang nagdala sa atin sa landas ng pagbabago ng ating disposisyon at ang pagkakataon sa pagtatamo ng paglilinis at kaligtasan!

Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakikita ko na ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa tao ay talagang praktikal! Noong nakaraan, nang maniwala ako sa Diyos, hinangad kong maging banal subalit hindi ako nagkaroon ng isang landas. Palala nang palala ang aking naging mga kasalanan. Maliban sa pananalangin sa Diyos at paghingi ng tawad sa Diyos, pagdating sa ating diwa ng paggawa ng mga kasalanan, kagaya lamang natin ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Ang Diyos ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol upang lutasin ang ating diwa ng paggawa ng kasalanan. Ito ang gawain na gustong gawin ni Jesus sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Ganap nitong tinutupad ang mga hula sa Biblia na may kinalaman sa Anak ng tao na ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bagamat hindi pa ganoon katagal buhat nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, gayunpaman, sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos at pagdanas sa gawain ng Diyos, nararamdaman ko kapag tinatanggap ko ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nagninilay ako sa aking sarili batay sa mga salita ng Diyos, hinahangad na maunawaan ang Diyos at isagawa ang mga salita ng Diyos, natatamo ko ang isang pagbabago sa aking disposisyon. Sa paghahangad hanggang sa wakas sa ganitong paraan, tiyak na matatamo ng isang tao ang paglilinis at pagliligtas at pahihintulutan ng Diyos na pumasok sa kaharian ng Diyos. Sa sandaling ito, na parang nakikita ko na ang magandang tanawin ng buhay sa kaharian.

Salamat sa Diyos! Ang lahat ng kapurihan sa Makapangyarihang Diyos!

________________________________

Magrekomenda nang higit pa:

Ang Paghuhukom ng Dakilang Puting Trono ay Matagal na Panahon nang Nagsimula

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar