"Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos" | Sipi 87
Sa pamamagitan ng ano isinasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Isinasakatuparan ito sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos higit sa lahat ay binubuo ng katuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao higit sa lahat ay sa pamamagitan ng paghatol. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao, at itinatanong nila kung bakit nagagawa lamang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, "Kung isusumpa ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?" Gayon ang mga salita ng mga taong hindi nakakaalam sa gawain ng Diyos. Ang isinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama't mabagsik Siyang magsalita at wala ni katiting na pagkasensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa kalooban ng tao, ibinubunyag sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito kung ano yaong mahalaga sa kalooban ng tao, ngunit sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman tungkol sa diwa ng laman, at sa gayon ay nagpapasakop ang tao sa pagsunod sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay makasalanan at kay Satanas, ito ay suwail, at siyang pakay ng pagkastigo ng Diyos. Sa gayon, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, kailangan niyang sapitin ang mga salita ng paghatol ng Diyos at kailangang gamitan ito ng bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang magiging epektibo ang gawain ng Diyos.
Maaaring makita mula sa mga salitang sinasabi ng Diyos na isinumpa na Niya ang laman ng tao. Ang mga salita bang ito, kung gayon, ang mga salita ng sumpa? Ibinubunyag ng mga salitang sinasabi ng Diyos ang tunay na kulay ng tao, at sa pamamagitan ng gayong paghahayag ay hinahatulan siya, at kapag nakikita niya na hindi niya napapalugod ang kalooban ng Diyos, nadarama niya sa kanyang kalooban ang kalungkutan at pagsisisi, nadarama niya na napakalaki ng kanyang pagkakautang sa Diyos, at hindi sapat para sa kalooban ng Diyos. May mga pagkakataon na dinidisiplina ka ng Banal na Espiritu mula sa iyong kalooban, at ang pagdidisiplinang ito ay nagmumula sa paghatol ng Diyos; may mga pagkakataon na sinasaway ka ng Diyos at itinatago ang Kanyang mukha sa iyo, kapag hindi ka Niya pinakikinggan at hindi ka ginagawaan, tahimik kang kinakastigo upang pinuhin ka. Ang gawain ng Diyos sa tao higit sa lahat ay para linawin ang Kanyang matuwid na disposisyon. Anong patotoo ang ibinibigay ng tao sa Diyos sa bandang huli? Nagpapatotoo ang tao na ang Diyos ang Diyos na matuwid, na ang Kanyang disposisyon ay katuwiran, poot, pagkastigo, at paghatol; nagpapatotoo ang tao sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, mahal na Niya ang tao, at iniligtas ang tao-ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Mayroong paghatol, kamahalan, poot, at sumpa. Bagama't isinumpa ng Diyos ang tao noong araw, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman, kundi ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya pinatay ang tao, kundi kumilos Siya upang gawing perpekto ang tao. Ang diwa ng laman ay yaong kay Satanas-tamang-tama ang pagkasabi rito ng Diyos-ngunit ang mga katotohanang isinasagawa ng Diyos ay hindi natatapos ayon sa Kanyang mga salita. Isinusumpa ka Niya upang mahalin mo Siya, at upang maunawaan mo ang diwa ng laman; kinakastigo ka Niya upang ikaw ay magising, upang tulutan kang malaman ang mga kakulangan sa iyong kalooban, at upang malaman ang lubos na kawalang-halaga ng tao. Sa gayon, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, at ang Kanyang kamahalan at poot-lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Lahat ng ginagawa ng Diyos sa ngayon, at ang matuwid na disposisyon na nililinaw Niya sa inyong kalooban-lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Gayon ang pag-ibig ng Diyos.
Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Paghatol ang Pangunahing Paraan ng Diyos Upang Perpektuhin ang Tao
Pineperpekto ng Diyos ang tao sa matuwid Niyang disposisyon! Katuwira't karingalan, poot, sumpa, at paghatol, mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya. At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
Ⅰ
May ilang 'di makaintindi at nagtatanong, bakit ang Diyos ay kaya lang perpektuhin ang tao, sa pamamagitan ng paghatol at sumpa? Kung tao'y isinumpa ng Diyos, hindi ba siya mamamatay?
Ⅱ
Kung tao'y hahatulan ng Diyos, 'di ba siya nakondena? Kung gayon pa'no pa magagawang perpekto'ng tao? Ito'ng mga katanungan ng mga walang alam sa gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa matuwid Niyang disposisyon! Katuwira't karingalan, poot, sumpa, at paghatol, mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya. At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
Ⅲ
Pagsuway ng tao ay ang isinusumpa ng Diyos, at hinahatulan Niya ay ang kasalanan ng tao. Salita man Niya ay mabagsik, salat sa awa, ibinubunyag Niya ang panloob na diwa ng tao. Sa gayong paghatol nakikita ng tao ang diwa ng laman, kaya't nagpapasakop siya sa pagsunod sa Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa matuwid Niyang disposisyon! Katuwira't karingalan, poot, sumpa, at paghatol, mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya. At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao. Laman ng tao'y makasalanan, ukol kay Satanas, suwail, para makastigo ng Diyos. Kung kaya, upang sarili ay makilala, dapat mapasa tao'ng salita ng paghatol ng Diyos. Lahat ng uri ng pagpipino'y dapat magamit. At saka lang magbubunga ang gawain ng Diyos. Paghatol ang pangunahin sa Diyos sa pagperpekto sa tao. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa matuwid Niyang disposisyon! Katuwira't karingalan, poot, sumpa, at paghatol, mga ito'y pangunahin sa disposisyon Niya. At nang may paghatol pineperpekto Niya ang tao.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Inirekomendang pagbabasa: Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.