"Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay" | Sipi 89
Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng mga paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang masamang disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang kakanyahan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawa't paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng mga bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagiging makapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at makilala itong ginawang-masama-ni-Satanas na sangkatauhan. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang diwa. Ang paggising sa mga diwa nitong ginawang-sukdulang-masama at pinakamalalim-na-nadayang mga tao ay ang tinutumbok ng ganitong uri ng paghatol. Ang tao ay walang diwa, iyan ay, ang kanyang diwa ay namatay nang matagal na at hindi niya nalalaman na may isang langit, hindi nalalaman na mayroong isang Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano niya posibleng malaman na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagpapasama ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malalaman na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi-na-maaayos ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Lumikha ay dumating sa lupa ngayon at naghahanap para sa isang pangkat ng masasamang tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawa't posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo-sa-lamig na puso ninyo.
Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"
________________________________
Ang ebanghelyo ngayong araw - ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring i-click ito at basahin.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.