Ang Mga Kasinungalingan sa Internet ay Muntikan ng Magdulot sa Akin Upang Mapalampas ang Pagbabalik ni Jesucristo

29.04.2020

Ni Xiao Ling, Hong Kong

Tala ng Editor: Sinabi ng Panginoong Jesus, "Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay" (Juan 14:6). Ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at ang mga salita lamang ng Diyos ang maaaring magpakita sa atin ng daan pasulong at payagang malinawan tayo na makita ang mga bagay. At mayroon pa ring maraming mga kapatid na hindi nagsisiyasat sa tunay na daan sa liwanag ng mga salita ng Diyos, ngunit sa halip iniimbestigahan nila ito sa liwanag ng mga komentaryo na nakikita nila sa online. Ang ilan ay hindi na naglakas-loob na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga nito dahil sa mga negatibong ulat na nabasa nila sa online, at ang ilan ay nalinlang ng mga kasinungalingan kaya muntik na nilang mapalampas ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw.... Si Kapatid Xiao Ling ay isa sa mga taong ito, ngunit sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahagian, nagkaroon siya ng pagkakilala sa mga kasinungalingan sa Internet, at tinanggap niya ang pagbabalik ng Panginoon. Nais mo bang malaman ang tungkol sa kanyang karanasan? Kung gayon ipagpatuloy natin ang pagbabasa ...

_________________________________________________________

Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

_________________________________________________________

Nakilala Ko ang Tinig ng Diyos at Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Noong Oktubre 2018, masuwerte akong nakarinig sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat, nagkaroon ako ng mga pagka-unawa sa anim na libong taon ng planong pamamahala upang mailigtas ang sangkatauhan, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan dahil kay Satanas, at naiintindihan ko na sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, pagdanas ng paghatol at pagkastigo sa mga salita ng Diyos at sa pamamagitan ng pagbabago sa ating satanikong disposisyon at pagdadalisay ay maaaring maiangat tayo ng Diyos sa kaharian ng langit. Mula sa mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, nakatitiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masayang tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sumunod na araw, masigla akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, dumalo ako sa mga pagtitipon at madalas na nakikipagbahagian sa aking mga kapatid, at naintindihan ko ang maraming mga katotohanan na hindi ko naiintindihan nung naniniwala pa lamang ako sa Panginoon noon. Nakaramdam ako ng isang hindi kapani-paniwalang tamis sa aking puso, at nadama ko ang pagpapalaya sa aking espiritu na hindi ko pa naramdaman dati.

Nakasumpong Ako ng mga Kasinungalingan sa Internet at Nagkaroon ng mga Pagdududa


Isang araw, makalipas ang dalawang buwan, hiniling ko sa aking anak na bilhan ako ng isang cellphone, upang mas mapadali ang pakikinig ko sa mga himno, mga pagbigkas ng mga salita ng Diyos, at mga pagbabahagian at sermon sa pagpasok sa buhay. Nangyari lamang na ang isang kaibigan ko ay nasa bahay nang araw na iyon, pati na ang aking anak na lalaki at ang aking kaibigan ay mausisa tungkol sa kung sa aling simbahan ako dumadalo, kaya sinabi ko sa kanila na dumadalo ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinabi ng aking kaibigan na hindi pa niya naririnig ang tungkol sa simbahang iyan, kaya naghanap siya sa online para dito at pagkatapos ay nag-click sa isa sa mga webpage. Sa gulat ko, binasa ng aking kaibigan ang webpage at pagkatapos ay sinabi ng may pagkamangha, "Tingnan mo, sabi ng gobyernong CCP na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang taong nagngangalang Zhao at ito ay isang organisasyon ng tao. Paano mo nagagawang dumadalo sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?" Ang anak kong lalaki na nandoon din, ay kinakabahang nagsabi, "Ma, may alam ka bang kahit ano tungkol sa Iglesia'ng ito? Ang daming mga simbahan sa Hong Kong. Bakit kailangan mong dumalo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Pagkatapos marinig ang negatibong ulat na ginawa ng gobyernong CCP, ako ay nagalit, at balisang nagsabi, "Hindi ba't gumagawa ang CCP ng mga maling balita sa loob ng maraming taon? Pinaniniwalaan mo ba talaga ang sinabi ng CCP? Huwag kang magsalita ng walang kabuluhan kung wala kang alam na kahit ano tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Mayroon akong ugnayan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa sandaling mga panahon na ngayon, at kapag nagtitipon ang mga kapatiran, binabasa nila ang mga salita ng Diyos at nagbabahagian tungkol sa kanilang mga karanasan at pag-unawa, at natustusan ang aking espiritu at masaya ako sa pakikinig sa kanila. Maraming mga isyu na hindi ko naiintindihan habang ako'y naniniwala sa Panginoon pero ngayon ay nalutas na, at wala akong nakita o narinig na pagkakapareho sa mga sinasabi sa online...." Ang aking anak at aking kaibigan, gayunpaman, ay hindi na pinansin ang aking sinasabi, at sila ay naghanap sa Wikipedia. Malubha nilang sinabi sa akin, "Nakikita mo? Pareho din ang sinasabi sa Wikipedia! Lumayo ka sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang maiwasan mo ang malinlang!" Nahaharap sa biglaang pagbagsak ng negatibong impormasyon, sa sandaling ito ay wala akong ideya kung paano sasabihin ang katotohanan mula sa kabulaanan, at nagsimulang mag-alala na ako ay naligaw sa aking pananampalataya. Nagsimula akong magalit, kaya hiniling ko sa kanila na huwag nang magsalita pa.

Nang gabing iyon, nagpadala ako ng isang mensahe sa isa sa sister sa simbahan, na nagsasabing, "Marami akong nakitang negatibong impormasyon online at nakakaramdam ako ng pagdududa. Hindi na ako dadalo sa mga pagtitipon sa simbahan." Pagkatapos ay nagpadala ako ng sunud-sunod na mga negatibong ulat na ito sa kapatid, at mabilis siyang sumagot, na sinabi, "Sister Xiao Ling, lahat ng mga negatibong ulat na ito online ay kasinungalingan. Huwag kang mabilis na maniwala sa kanila. Pag-usapan natin ito kapag nagkita tayo, OK?" Naguguluhan ang puso ko noon at nais ko lang na huminahon, kaya't tinanggihan ko ang alok niya.

Nang gabing iyon, nahiga ako sa kama ng pabali-balikwas at hindi makatulog ni pikit man. Sa isip ko, patuloy kong iniisip ang bawat maliliit na bahagi ng nakalipas na dalawang buwan ng aking pakikipag-ugnayan sa mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: Ang kanilang pananamit at hitsura ay laging disente, sila ay matuwid at tapat sa salita at gawa, sila ay may mataas na katangian ng moralidad, matapat, nakakatulong sila sa bawat isa na may problema, ang mga bagay na kanilang binabahagi ay nakaka-liwanag at binuksan ang mga buhol ng pasakit na matagal nang nakabaluktot sa aking puso, at nararamdaman ko na ang mga bagay na sinasabi nila ay nagmula sa Diyos. Kaya bakit napakaraming negatibong publisidad online tungkol sa simbahang ito? Naligaw ba ako sa aking pananampalataya o hindi? Ang mga saloobin na ito ay paikot-ikot sa aking isipan, ngunit wala akong makitang mga sagot. Naramdaman ko na para akong pinahihirapan, kaya tumayo ako at nanalangin: "O Diyos! Pakiramdam ko ay naguguluhan ako ngayon. Sa panahong ito na nakikipag-ugnayan ako sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, talagang naintindihan ko ang maraming mga katotohanan at misteryo. Ngunit ngayon narinig ko ang napakaraming negatibong bagay, at kahit ang Wikipedia ay sinasabi na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang samahan ng tao. O Diyos! Ang aking puso ay naguguluhan at hindi ko alam kung paano pumili. Mangyaring bigyan mo ako ng karunungan upang maunawaan kung ano ang gagawin ko na naaayon sa Iyong kalooban."

Kinabukasan, ang isang kapatid ay muling nagpadala sa akin ng isang mensahe na nag-anyaya sa akin na dumalo sa isang pagtitipon. Parang hinahatiako nang mabasa ko ang kanyang mensahe, at naisip: "Dapat ba akong pumunta o hindi? Kung hindi ako pupunta, hindi ko maiintindihan kung bakit napakaraming negatibong publisidad tungkol sa iglesia online. Mas makakabuti kung pupunta ako at makinig sa kung ano ang ibabahagi nila tungkol dito." Pagkatapos ay sumambit ako ng isang panalangin sa Diyos sa aking puso, humiling sa Kanya na pakalmahin ako, at gabayan ako at pamunuan ako. Matapos akong manalangin, naging mas kalmado ako, at tinanggap ko ang paanyaya ng kapatid.

Matapos suriin ang mga kasinungalingan ng CCP, Lahat ay Naging Malinaw, at Nakaramdam ako ng Kapanatagan


Nang makarating ako sa lugar ng pagpupulong, sinabi ko sa kapatid sa simbahan ang tungkol sa aking mga pagdududa. "Kapatid, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga pagbabahagi na ibinigay mo at ng iba pang mga kapatid ay nalutas ang karamihan sa aking nakaraang pagkalito at dinala ako sa pagkaintindi ng maraming mga katotohanan at misteryo. Ang hindi ko makuha, gayunpaman, ay hindi lamang kung bakit Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hinatulan ng CCP, ngunit gayundin kung bakit kahit na ang Wikipedia ay nagsasabi ng ilang mga negatibong bagay, na sinasabi na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao na nagngangalang Zhao at ito ay isang samahan ng tao." Pinakinggan ako ng kapatid at pagkatapos ay sinabi, "Kapatid na Xiao Ling, naiintindihan ko kung ano ang nararamdaman mo, ngunit dapat nating maunawaan na kung ang isang simbahan ay simbahan ng Diyos o hindi ay hindi dinedetermina ng sinumang tao, grupo, o pamahalaan ng estado, ngunit sa halip ay lubos na napagpasyahan ng pagpapakita at gawain ng Diyos. Halimbawa, ang Hudaismo ay nagmula mula sa gawain ni Jehova, ang Kristiyanismo at Katolisismo ay nagmula sa gawain ng Panginoong Jesus at, katulad din, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lumitaw mula sa pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus-ang Makapangyarihang Diyos-at ito ay isang iglesia na itinatag ng Diyos Mismo. Panoorin natin ang video, Ang Pinagmulan at Pag-unlad ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na tungkol sa isyung ito, at pagkatapos ay mas maiintindihan natin."

Habang nagsasalita ang kapatid ay nagsimula s'yang mag-play ng video, at nakita ko na sinabi sa video: "Nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos-ang nagbalik na Panginoong Jesus-ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang Iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sinuman ang gamitin ng Diyos na nagkatawang-tao ay itinalaga ng Diyos, at personal na hinirang at pinatotohanan ng Diyos, tulad noong personal na pinili at hinirang ni Jesus ang labindalawang disipulo. Yaong mga kinakasangkapan ng Diyos ay tumutulong lamang sa Kanyang gawain, at hindi magagawa ang gawain ng Diyos para sa Kanya. Ang Iglesia ay hindi itinatag ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos, ni pinaniniwalaan o sinusunod ng mga piniling tao ng Diyos ang mga ito. Ang mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi itinalaga ni Pablo at ng iba pang mga apostol, kundi produkto ng gawain ng Panginoong Jesus at itinatag ng Panginoong Jesus Mismo. Gayundin, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay hindi naitatag ng taong kinakasangkapan ng Diyos, kundi produkto ng gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ang taong kinakasangkapan ng Diyos ay dinidiligan, tinutustusan, at pinamumunuan lamang ang mga iglesia, na ginagampanan ang tungkulin ng tao. Bagama't ang mga piniling tao ng Diyos ay pinamumunuan, diniligan, at tinutustusan ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos, wala silang ibang pinaniniwalaan at sinusunod kundi ang Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap at sinusunod nila ang Kanyang mga salita at gawain. Ito ay isang katotohanang hindi maikakaila ninuman.''

Pagkatapos naming panoorin ang video, nagbigay ng pagbabahagi ang kapatid, sinabing, "Kapatid na Xiao Ling, mayroon na tayong mas mahusay na pag-unawa sa pinagmulan at pag-unlad ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, tama? Si Cristo sa mga huling araw-ang Makapangyarihang Diyos-ay nagpahayag ng milyun-milyong mga salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, na ganap na tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus nang sinabi Niya: 'Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw' (Juan 12:48). 'Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios' (1 Pedro 4:17). 'Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating' (Juan 16:13). Sa pamamagitan ng paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, lahat ng mga taong taimtim na naniniwala sa Diyos at nagnanais ng katotohanan sa bawat bansa, sa bawat kontinente, at sa bawat relihiyon at bawat pananampalataya, ay kinilala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Isa-isa, bumalik sila sa harap ng Diyos, at ang mga taong ito ay nagkakaisa upang mabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa simbahan, ang mga pinili ng Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, binabasa at binabahagi nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naranasan nila ang paghatol ng mga salita ng Diyos, sinusunod nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at ipinagpapatuloy nila ang mga pagbabago sa kanilang mga disposisyon upang mailigtas ng Diyos-hindi talaga sila naniniwala sa isang tao. Mula dito makikita natin na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay umahon mula sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw at na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang simbahan ni Cristo ng mga huling araw-ito ay walang duda.

"At ang taong ginagamit ng Diyos ay inihanda at pinerpekto nang una ng Diyos upang makipagtulungan sa Kanyang gawain upang ang Kanyang gawain ay makakamit ng mas mahusay na mga resulta. Ang taong ito ang may pananagutan sa pagdidilig, pag-pastol at pamumuno sa buong simbahan, ngunit ang ginagawa niya ay tungkulin ng isang tao. Basahin natin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagkatapos ay mas maunawaan natin. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, 'Ang gawain na ipinatutupad niyaong kinakasangkapan ng Diyos ay upang makipagtulungan sa gawain ni Cristo o ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay itintaaas ng Diyos sa gitna ng tao, siya ay naroon upang pangunahan ang lahat ng hinirang ng Diyos, at siya ay itinataas din ng Diyos upang gawin ang gawain ng pakikipagtulungan ng tao. ... Siya na kinakasangkapan ng Diyos, sa kabilang banda, ay yaong inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng isang partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Siya ay inihanda at ginawang perpekto nang pauna ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inutusan ng Banal na Espiritu-bilang resulta na kung saan walang paglihis sa landas sa pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng pagkakataon' ("Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang kapatid ay nagpatuloy sa kanyang pagbabahagi. "Nakikita natin mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang taong ginagamit ng Diyos ay itinaas ng Diyos upang makipagtulungan sa Kanyang gawain. Sa Panahon ng Kautusan, halimbawa, si Jehova na Diyos Mismo ay tumawag kay Moises at hiniling na pangunahan ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Nang maglaon, ginamit muli ng Diyos si Moises upang ipahayag ang batas at ang mga kautusan, at upang maipadala ang mga salita ni Jehova sa lahat ng mga Israelita. Sa Panahon ng Biyaya, nang isinasagawa ng Panginoong Jesus ang gawain upang tubusin ang sangkatauhan, Siya mismo ang pumili ng Kanyang labindalawang mga alagad, kasama sina Pedro at Juan, at hiniling Niya sa kanila na maging mga pastol ng simbahan sa oras na iyon at ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Katulad nito, pagkatapos na lumitaw ang Makapangyarihang Diyos at sinimulan ang Kanyang gawain sa mga huling araw, Siya mismo ay nagpatotoo sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Ang taong ito ay katulad nina Moises at Pedro-siya ay isang taong ginagamit ng Diyos. Ang gawaing ginagawa niya ay ganap na isinasagawa sa ilalim ng pagbabantay at patnubay ng Banal na Espiritu, at tinatanggap at sinusunod ng mga pinili ng Diyos sa loob ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, alinsunod sa mga salita ng Diyos, ang pamumuno ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu; naaayon ito sa kalooban ng Diyos.

"Ang pamahalaan ng CCP, gayunpaman, ay nagpapalaganap ng mga maling paniniwala na sinasabing, 'Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao at isang samahan ng tao.' Ayon sa lohika ng CCP, kung gayon ang Judaismo ay itinatag ni Moises at ang Kristiyanismo sa Panahon ng Biyaya ay itinatag ni Pedro, at ang pananaw na iyon ay lubos na walang katotohanan at nakakatawa! Sa katotohanan, kung wala ang pagpapakita at gawain ng Diyos, kung gayon ay imposible na makabangon ang isang simbahan. Hindi mahalaga kung ano ang kanyang kalibre o kakayahan, sa diwa, ang tao na ginagamit ng Diyos ay isang nilikha pa rin at maaari lamang niyang isagawa ang kanyang sariling tungkulin sa ilalim ng gabay ng gawain ng Banal na Espiritu-walang paraan na magagawa niya ang gawain ng Diyos. Kaya bakit nais ng pamahalaan ng CCP na maipakalat ang mga ganitong uri ng kasinungalingan at maling paniniwala? Tulad ng alam nating lahat, ang CCP ay isang pamahalaang ateyista na sadyang tumatanggi na kilalanin ang pagkakaroon ng isang Diyos, lalo na pinapayagan ang mga tao ng Tsina na maniwala sa Diyos at sundin ang tamang landas sa buhay. Sinabi ng CCP na ang Iglesia ng Diyos ay isang samahan ng tao na may layuning iligaw ang publiko, at sinasadya nitong itago ang mga katotohanan ng pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos-si Cristo ng mga huling araw-upang ang mga tao ay maniwala sa mga alingawngaw at kasinungalingan nito at tumangging mag-imbestiga o tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sa gayon ay makaligtaan ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Nais pa ng CCP na linlangin at dalhin sa panig nito ang grupo ng mga hindi nakaka-kilalang mga tao na sumama sa panghuhusga at pagkondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, na sa huli ay kasama ng CCP na babagsak sa impyerno upang magdusa sa parusa ng Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit, Sister Xiao Ling, pagdating sa pagsisiyasat sa tunay na daan, dapat tayong maging maingat. Dapat talagang hindi lamang bulag na naniniwala sa mga alingawngaw at kasinungalingan na inilagay ng ateistang gobyerno ng CCP, at dapat nating iwasang mapahamak sa tusong mga pakana ni Satanas at sirain ang ating pagkakataon upang makamit ang kaligtasan!"

Matapos pakinggan ang pagbabahagi na ito na ibinigay ng kapatid, ang lahat ay biglang naging malinaw sa akin. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos Mismo, at ang taong nagngangalang Zhao ay katulad nina Moises at Pedro sa mga taong nakalipas-ang mga kalalakihan na ginamit ng Banal na Espiritu-at naaayon sa kalooban ng Diyos para sa atin na tanggapin ang kanyang pagdidilig at pamumuno. Sa pag-iisip sa nakaraang dalawang buwan, nakita ko na nananalangin ako sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at nagbasa at nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Bagaman kung minsan binabasa ng mga kapatid ang ilang mga sermon at pagbabahagi na ibinigay ng tao na ginagamit ng Banal na Espiritu, ang mga sermon at pagbabahagi na ito ay para lamang matulungan tayong mas maunawaan ang kalooban at kahilingan ng Diyos!

Ang Pagkahulog sa mga Kasinungalingan sa Internet ay Maaari Lamang Humantong para Mapalampas ng Isa ang Pagliligtas ng Diyos


Pagkatapos ay binasa ng kapatid ang sipi mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi: "May mga ilan na, kapag tumitingin sa totoong daan, ay tumitingin partikular sa mga kilalang website. Sinasabi nila, 'Ano man ang sinasabi sa mga website na ito ay tumpak!' Ngunit, talaga, ano ba ang mga website na ito? Ito pa rin ay sa mundong ito. Hindi ba ito isinusulat ng tiwaling katauhan? Hindi ba ito bahagi ng masamang kapangyarihan ni Satanas? May katotohanan ba ito? Wala itong katotohanan. Hindi ito naglilingkod sa Diyos, tiyak na hindi ito nagtatangi sa Diyos at ito ay hindi isang pangkat na sumasaksi sa Diyos. Bakit mo ito pinaniniwalaan? Ito ay isang pakete ng mga kasinungalingan. Nagpapakalat ito ng mga kasinungalingan. Ang alinman sa mga alingawngaw o mga kasinungalingan ng mga pamahalaan ni Satanas ay ipinakakalat ng mga ito. Samakatuwid, hindi ba ito isang organisasyon na nagkakalat ng mga kasinungalingan? Anumang mga alingawngaw ang nililikha ng Partido Komunista ng Tsina, o alinmang mga paraan na sinisikap nilang siraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, isusulat ito ng mga ito. Kaya, hindi ba ang mga websitr na ito ay isang kasangkapan para kay Satanas upang maikalat ang mga kasinungalingan nito? Hindi ba ito isang kasangkapan para kay Satanas upang malinlangin ang tao? Ngunit sa pagsasaliksik ng totoong daan, bakit naniniwala ang mga tao sa mga bagay na 'yon? May mga mali ba sa mga taong ito? Naniniwala ba ang mga taong ito na ang mundo ay matuwid at makatarungan? Kung ang gobyerno o relihiyosong komunidad ay gumagawa ng mga komento at pag-angkin kung saan ang totoong daan, kung sino ang tunay na Diyos, magkagayon maniniwala ang mga taong ito sa ganitong daan, sa Diyos na ito. Kung ang gobyerno o relihiyon ay nagsabi na ang isang bagay ay hindi ang totoong daan, o nagsasabi na ang ilang Diyos ay hindi tunay, kung gayon ang mga taong ito ay hindi naniniwala sa ganitong daan o sa Diyos na ito. Sino ang pinaniniwalaan ng mga taong ito? Naniniwala sila sa gobyerno, naniniwala sila sa mga salita ng relihiyosong komunidad at mga salita ng mga relihiyosong pastor at matatanda. Kaya, ang ganitong uri ng mga tao ay tunay ba na naniniwala sa Diyos? Hindi sila naniniwala sa Diyos. Hindi sila nagtitiwala sa Diyos, hindi sila naniniwala na ang Diyos ay totoo at hindi nila inaamin na ang Diyos ang katotohanan, sapagkat hindi nila nakikilala ang katotohanan. Samakatuwid, kung ang isang tao ay susubukan na pag-aralan ang tunay na daan, sa pakikinig sa mga kasinungalingan ni Satanas at mga alingawngaw, sila ay mapaparalisa ng dahil sa mga ito" (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay).

Pagkatapos nyang magbasa, nagpatuloy ang kapatid sa kanyang pagbabahagi, sabi nya, "Sa Panahon ng Biyaya, sabi ng Panginoong Jesus, 'Ang lahing ito'y isang masamang lahi' (Lucas 11:29). 'Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama' (1 Juan 5:19). Nagpropesiya din ang Panginoong Jesus: 'Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito' (Lucas 17:24-25). Nang ang Diyos ay naging laman sa unang pagkakataon at nagkatawang-tao bilang Panginoong Jesus upang maisagawa ang Kanyang gawain ng pagtubos, Siya ay hinatulan at inusig ng mga pinuno ng mga Judio at ng mga awtoridad ng Roma at sa huli ay ipinako sa krus. Bumalik ang Diyos sa laman upang lumitaw at gumawa sa mga huling araw at, tulad ng dati, nahaharap niya ang masidhing pagtutol at pagkondena ng gobyernong ateyista na CCP at ang mga pastor at matatanda ng relihiyosong mundo. Mula sa katotohanan na ang pagpapakita at gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay sumailalim sa paghatol,paglapastangan at pagkondena sa mundo ng relihiyon at namumuno sa kapangyarihang pampulitika, makikita natin na ang mundong ito ay mahigpit na hawak ni Satanas at naabot ng sangkatauhan ang rurok ng kasamaan. Ang mga tao ay nagtataguyod ng kasamaan, sila ay ayaw sa katotohanan at wala ni isang tao ang tinatanggap ang pagdating ni Cristo. Sa kabilang banda, kinamumuhian nila si Cristo, tinutugis nila si Cristo kahit saan at binibigyan Siya ng matinding mga kahihiyan at pagdurusa, at ginagawa nila ito upang si Cristo ay wala ng mapagpahingahan ng Kanyang ulo. At higit pa, walang pangkat o organisasyon sa mundo na may katotohanan; gaano man kalakas ang kanilang puwersa o kung gaano kalaki ang kanilang kabantugan, ang lahat ng kanilang ipinapahayag ay nagmula sa masamang sangkatauhan,ang lahat ay tungkol sa kaalaman at sa pinagmulan ng lipunan kung saan nanggaling ito, at lahat ay naimpluwensyahan ng mga tulad na mga teorya bilang ateismo at materyalismo. Lalo na, ang kanilang mga komento sa gawain ng Diyos ay pagpapalaganap lamang ng mga kasinungalingan at maling paniniwala ng namumunong partidong pampulitika at ng relihiyosong mundo, kaya maaari ba nating husgahan ang tama o mali sa mga bagay sa pamamagitan ng sinasabi nila? Tulad ng alam nating lahat, ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay, tanging ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin mula sa mga kadena ng kasalanan at magdadalisay sa atin, at ang mga salita lamang ng Diyos ang makakatulong sa atin na sabihin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga positibong bagay at negatibong mga bagay, sa pagitan ng mabuti at ng masama, sa pagitan ng maganda at pangit. Samakatuwid, dapat nating siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa liwanag ng mga salita ng Diyos. Kung sinisiyasat natin ito sa liwanag ng negatibong propaganda online o ayon sa sinabi ng isang ateyista na gobyerno o ng mga pastor at matatanda ng relihiyosong mundo, kung gayon tayo ay malilinlang at mawawala ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw!"

Pagkarinig sa sinabi ng kapatid, ang mga pagdududa sa aking puso ay naalis, at agad akong nakaramdam ng hiya: Naharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, bakit hindi ko ito siniyasat sa liwanag ng mga salita ng Diyos, ngunit sa halip ay naki-ayon sa mga webpage na iyon? Malinaw na nakita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na sila ay puno ng awtoridad at kapangyarihan, at gayon pa man ako ay nalinlang sa mga kasinungalingan ng CCP at ng mga pagdadahilan online. Pinagdudahan ko ng sobra ang gawain ng Diyos sa puntong nais ko ng iwanan ang pagsisiyasat nito-naging tanga ako! Kung hindi dahil sa pag-ibig sa akin ng Diyos at pagliligtas sa akin, at kung hindi ako binigyan ng kapatid ng pagbabahagi upang magkaroon ako ng pagkaintindi sa mga kasinungalingan ng CCP at ang negatibong impormasyon sa Wikipedia, kung hindi ay nahulog na ako sa mga tusong pakana ni Satanas, napalayo sa Diyos at nakaligtaan ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw!

Bakit Pinapayagan ng Diyos na Umiral ang mga Kasinungalingan na Ito?


Tinanong ko pagkatapos ang kapatid, "Ang mga kasinungalingan na ito ay nalinlang ang maraming tao. Bakit pinahihintulutan ng Diyos na ang mga kasinungalingan na ito ay mapalaganap online?"

Sabi ng kapatid, "Napakagandang tanong! Sa likod ng pagpapahintulot ng Diyos na umiral ang mga negatibong propaganda na ito ay ang mabuting kalooban ng Diyos. Magbasa pa tayo ng isang sipi ng Sermon at Pagbabahagi: 'Ngayon, ang Partido Komunista ng Tsina ay gumagawa ng napakaraming tsismis upang siraan ang Diyos at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ang ilang mga tao ay nalantad na naniniwala sa mga tsismis ng Partido Komunista at mga kasinungalingan ni Satanas at hindi sila naniniwala na ang Diyos ang katotohanan at ang Diyos ay banal. Anong klaseng problema ito? Inihahayag ba nito kung mayroon man o tunay na nananampalataya ang mga tao sa piling ng Diyos at naniniwala ba sila sa katotohanan at sa Diyos o naniniwala kay Satanas? Ito ay kapag inilantad na ang mga tao. Kaya sa Kanyang mga gawain sa huling araw, ano ang inaasahan ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa dakilang pulang dragon na maghatid ng paglilingkod sa ganitong paraan at sa lahat ng masasamang pwersa ni Satanas na gawin ang mga bagay na ito? Ang isang aspeto ay upang maperpekto ang mga napapatuloy sa katotohanan, at ang iba pang aspeto ay upang ihayag ang lahat ng mga hindi minamahal ang katotohanan at puksain ang lahat ng mga huwad na naniniwala. Ngayon, ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan at hindi naniniwala sa Diyos ay inihayag at tinanggal. Ang mga mabubuting hangarin ba ng Diyos ay wala sa likod ni Satanas na naglilingkod sa ganitong paraan? Ang ilang mga tao ay hindi ito nakikita at, sa totoo lang, ito ay isang magandang bagay! ... Samakatuwid, ang karunungan ng Diyos ay ginagamit batay sa mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, at ito ay ganap na totoo. Labis na makapangyarihan ang Diyos' (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay)."

Ang kapatid ay nagpatuloy sa kanyang pagbabahagi, at nagsabing, "Sister Xiao Ling, malinaw na ba sa atin ang isyung ito ngayon na nabasa na natin ang pagbabahagi na ito? Ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, at ang mga naniniwala sa Diyos, ang mga hindi naniniwala sa Diyos, pati na rin ang mga demonyo ni Satanas na tumututol at kumukondena sa Diyos, lahat ay nasa kamay ng Diyos, at ang karunungan ng Diyos ay isinasagawa batay sa mga tusong pakana ni Satanas. Ang layunin ng Diyos na pahintulutan ang pagkakaroon ng negatibong propaganda na ito ay upang mas mahusay na mailigtas at mailantad ang mga tao, at mas mahusay na matanggal ang mga tao. Si Cristo sa mga huling araw-ang Makapangyarihang Diyos-ay dumating upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paglilinis at pagliligtas ng tao, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lahat ng tunay na naniniwala sa Diyos, na nagmamahal sa katotohanan, at nagnanais ng pagpapakita ng Diyos, lahat ay makatitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Hindi mahalaga kung gaano karaming mga kasinungalingan at maling paniniwala ang ipakalat ng pamahalaan ng CCP at ng mga pastor at matatanda sa mundo ng relihiyon, ang mga taong ito ay mapapanatili sa totoong daan at napagpasiyahan sundin ang Makapangyarihang Diyos; ang mga taong ito ang mga tiyak na ililigtas at ipeperpekto ng Diyos sa mga huling araw. Sa isang banda, yung mga nagkukunwaring naniniwala, na humihingi ng tinapay para kainin at busugin sila, na hindi naghahanap ng katotohanan, na ginagaya ang sinasabi ng ibang tao, na bulag na naniniwala sa kasinungalingan at tsismis ni Satanas at itinatanggi ang gawain ng Diyos, ay ang mga damong ilalantad ng Diyos at sila ay tiyak na mapapahamak at aalisin ng Diyos. Ang mga masasamang puwersa ni Satanas na sumasalungat at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos, at gumagamit ng lahat ng uri ng ereheng maling mga paniniwala upang linlangin ang mga tao at guluhin sila mula sa pagtanggap ng totoong daan ay ginagampanan ang papel ni Satanas, at sila ang mga parurusahan at pupuksain ng Diyos. Makikita natin mula dito na ang gawain ng Diyos ay napaka-praktikal at ang Diyos ay napaka-makapangyarihan at marunong. Ginagamit ng Diyos ang negatibong propaganda at lahat ng iba't ibang mga kasinungalingan at kamalian upang mailantad ang lahat ng mga tunay na naniniwala sa Kanya at lahat ng mga nagpapanggap lamang na naniniwala sa Kanya, at hinihiwalay Niya ang bawat isa ayon sa kanilang uri. Kasabay nito, inilantad din ng Diyos sa liwanag ang pangit na mukha ng mga masasamang pwersa ni Satanas, upang ang mga tao ay magkaroon ng pag-unawa sa mga negatibong bagay. Sa huli, parurusahan at pupuksain ng Diyos ang mga masasamang puwersa na ito at hahayaan ang tao na makita ang Kanyang banal at matuwid na disposisyon na walang pagkakasala."

Pagkarinig sa kapatid, naintindihan ko na rin sa wakas ang kalooban ng Diyos. Ang kinalabasan ay ginagamit ng Diyos ang mga maling paniniwala at ang negatibong propaganda na ito upang ilantad ang bawat uri ng tao at upang paghiwalayin ang bawat tao ayon sa kanilang uri. Ang Diyos ay napakarunong at makapangyarihan-sa-lahat! Sa aking puso, ibinigay ko ang aking tunay na pasasalamat sa Diyos. Noon lang, naisip ko ang tungkol sa espirituwal na paglalakbay na napagdaanan ko. Noong maliit ang aking tayog at bulag na naniwala ako sa negatibong impormasyon sa Wikipedia, na naging dahilan ng aking pag-iwas sa Diyos, pinili ng Diyos na huwag makita ang aking kamangmangan at katangahan, ngunit sa halip ay ginamit ang mga kapatid upang matiyagang magbahagi ng tungkol sa katotohanan sa akin,upang matulungan at suportahan ako, upang maunawaan ko ang katotohanan at makita ang mga tusong pakana ni Satanas, at maunawaan ang mga napakahirap na ginagawa ng Diyos upang mailigtas ang mga tao. Kung hindi dahil sa pagprotekta sa akin at paggabay sa akin ng Diyos, marahil ay nalinlang ako sa mga kasinungalingan ni Satanas at mawawala ang aking pagkakataong makamit ang kaligtasan ng Diyos. Tahimik akong gumawa ng isang resolusyon: Kahit na sino pa ang maaaring sumubok na guluhin ako sa hinaharap, hindi ako matitinag, bagkus ay aasa sa Diyos, hahanapin ang katotohanan at matatag na tatayo sa aking patotoo! Hindi na ako muling mahuhulog sa mga tusong pakana ni Satanas!

Ang Pananalig Ko na Sumunod sa Diyos Hanggang sa Huli ay Tumatag


Nang makauwi ako, nag-online ako at nagbasa ng ilang mga positibong komento mula sa maraming mga internasyonal at kilalang mga eksperto at akademya tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nakatulong pa sa akin upang makita nang malinaw ang katotohanan ng bagay. Pinanood ko rin ang Pagtatanghal ng Larawan: Ang Pagpapakita at Gawain ng Makapangyarihang Diyos at ang Kasaysayan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng panonood ng video na ito, mas naintindihan ko ang tungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagkaroon din ako ng pag-unawa sa paglaban sa Diyos na kakanyahan ng CCP. Napag-alaman ko na ang CCP ay isang ateistang gobyerno at laging malupit na inuusig nito ang relihiyosong paniniwala. Lalo na pagkatapos na lumitaw ang Makapangyarihang Diyos at sinimulan ang Kanyang gawain, maraming tao ang nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at kinikilala nilang ito ay tinig ng Diyos, natitiyak nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at sila ay bumalik sa Makapangyarihang Diyos isa-isa. Natatakot ang CCP na, sa sandaling ang mga tao ay magsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, mauunawaan nila ang katotohanan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at magkaroon ng ilang pag-unawa tungkol sa kakanyahan ng paglaban sa Diyos ng CCP, at pagkatapos ay tanggihan ito at hindi na sumunod pa. Kaya upang mapanatili ang pamamahalang diktadurya nito, ginagamit ng CCP ang media upang mabuo ang mga tsismis, at upang siraan, lapastanganin at kondenahin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ito ay malupit na pinahihirapan ang mga Kristiyano at lantad na inaapi ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na tangkang puksain ng ganap ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit nakita ko sa video na, kahit gaano pa katindi ang CCP sa pag-iimbento ng mga tsismis at pigilan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, wala itong kapangyarihang pigilan ang gawain ng Diyos. Ngayon, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay kumalat na sa lahat ng mga bansa sa mundo, at ang mga simbahan ng Makapangyarihang Diyos ay naitatag na sa maraming bansa. Ang isang eksibit ng mga larawan na isinagawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nakaakit ng mga dalubhasa, iskolar at propesor mula sa nasabing larangan ng akademiko tulad ng relihiyon at pag-aaral sa lipunan mula sa pitong mga bansa, kabilang na ang US, Canada, France at Italya. Sa pamamagitan ng pagpapakilala sa katotohanan tungkol sa pagdanas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ng mga Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, lahat sila ay naunawaan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagkaroon sila ng pag-unawa sa masamang gawain na pagtanggi sa Diyos na gawaing isinasagawa ng CCP, at isa-isa ipinangako nila ang kanilang suporta sa simbahan. Ang mga katotohanang ito ay ang kinakailangang patunay sa pahayag na "kung ano ang nagmula sa Diyos ay dapat umunlad." Walang kapangyarihan ang maaaring pumigil sa gawain ng Diyos, at ito ang pagpapakita ng awtoridad ng Diyos.

Nais kong ipadala ang ulat na ito sa aking anak na lalaki upang mabasa niya, upang marinig niya ang mga komento na ginawa tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ng mga eksperto mula sa buong mundo. Kung maglalagay lamang siya ng kahit kaunting pag-unawa, kung gayon ay makikita niya na ang lahat ng mga kuro-kuro na ipinalalaganap ng CCP ay mga alingawngaw at kasinungalingan lamang at hindi sila umaayon sa katotohanan! Pagkatapos ay ipinadala ko ang video na ito sa aking anak, at sa aking puso, nagsabi ako ng tahimik na panalangin sa Diyos: "Makapangyarihang Diyos! Nakikita ko ngayon na ang Iyong gawain ay kumalat na sa buong sansinukob at nais kong sabihin ang masayang balita na ito sa aking anak. Mangyaring protektahan Mo siya upang hindi na siya malinlang ni Satanas muli." Salamat sa Diyos! Matapos mapanood ang video na ito, wala ng sinabi pa sa akin ang aking anak na lalaki tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at wala na siyang pagtutol sa aking paniniwala sa Diyos.

Sa pamamagitan ng aking karanasan, nagkaroon ako ng pagkaintindi sa maka-demonyong diwa ni Satanas na lumalaban sa Diyos at ang malisyosong hangarin na linlangin at saktan ang mga tao. Nakita ko rin na, kapag walang katotohanan, ang sinuman sa atin ay maaaring madala ni Satanas sa anumang sandali; sa pamamagitan lamang ng pagpapatuloy sa katotohanan at pag-unawa sa katotohanan ay masusunod natin ang Diyos hanggang sa wakas, at ang aking karanasan ay higit na nagbigay inspirasyon sa aking pagpapasiya na ipagpatuloy ang katotohanan. Mula ngayon, babasahin ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ng mas madalas, daranasin ang gawain ng Diyos, magdarasal nang higit pa at higit na hahanapin ang katotohanan kapag nahaharap ako sa mga isyu, at hindi na ako muling bulag na maniniwala sa mga alingawngaw at kasinungalingan ni Satanas, upang hindi na mahulog sa kapahamakan ng mga tusong pakana ni Satanas at magtatapos sa pagtanggi at pagtataksil sa Diyos. Salamat sa Diyos!


© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar