"Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang mga Resultang Makakamtan ng Kanyang Gawain" | Sipi 8
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan
May isang kasabihan na dapat ninyong tandaan. Naniniwala Ako na napakahalaga ng kasabihang ito, dahil para sa Akin, hindi na mabilang ang mga beses na ito'y naaalala sa bawat araw. Bakit ganoon? Dahil sa bawat pagkakataon na nahaharap Ako sa isang tao, sa tuwing makaririnig Ako ng kuwento ng isang tao, sa bawat oras na makaririnig Ako ng karanasan ng isang tao o ng kanilang patotoo sa pananampalataya sa Diyos, palagi Kong ginagamit ang kasabihang ito upang timbangin kung ang indibidwal ba na ito ay ang uri ng tao na gusto ng Diyos, ang uri ng tao na nais ng Diyos. Kaya ano ang kasabihan na ito, sa gayon? Sabik na sabik na kayong lahat sa paghihintay. Kapag ibinunyag Ko na ang kasabihan, marahil makararamdam kayo ng pagkabigo dahil sa loob ng maraming taon may mga taong nagsasabi nito nang hindi taos-puso. Nguni't para sa Akin, tapat Ako sa Aking sinasabi. Nananatili sa Aking puso ang kasabihan na ito. Kaya ano ang kasabihan na ito? Ito ang "lumakad sa landas ng Diyos; matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan." Hindi ba napakasimpleng parirala nito? Ngunit kahit na simple ang kasabihan na ito, mararamdaman ng isang tao na may malalim na pagka-unawa dito na ito ay matimbang; na napakahalaga nito para sa pagsasagawa; na ito ay wika ng buhay na may reyalidad ng katotohanan; na ito ay isang panghabambuhay na layunin na pagsusumikapang kamtin ng mga nagnanais na bigyang-kasiyahan ang Diyos; at ito ay isang panghabambuhay na landas na sinusundan ng sinuman na maalalahanin sa mga layunin ng Diyos. Kaya ano sa tingin ninyo: Makatotohanan ba ang kasabihan na ito? May kabuluhan ba ito? Marahil mayroong ilang mga tao na nag-iisip tungkol sa kasabihang ito, sinusubukan nilang unawain ito, at ang ilan ay nagdududa pa rin dito: Malaki ba ang kahalagahan ng kasabihan na ito? Napakahalaga ba? Napakahalaga ba at karapat-dapat na bigyang diin? Marahil mayroong ilang mga tao na hindi masyadong gusto ang kasabihan na ito dahil sa tingin nila ang pagkuha sa landas ng Diyos at ilagay sa kasabihan na ito ay masyadong pagpapa-simple. Ang kunin ang lahat ng mga sinabi ng Diyos at ilagay sa isang kasabihan-hindi ba pagtrato ito sa Diyos na parang napakaliit ng kahalagahan Niya? Ganoon ba iyon? Maaaring hindi lubos na maunawaan ng karamihan sa inyo ang malalim na kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Kahit na itinala ninyo ito, hindi niyo binalak ilagay ang kasabihan na ito sa inyong puso; itinala ninyo lamang ito, at muling babalikan at isip-isipin sa inyong bakanteng oras. May ibang mga tao na hindi man lang mag-abalang isaulo ang kasabihan, mas lalo na ang gamitin ito sa mabuting paraan. Ngunit bakit Ko tinatalakay ang kasabihan na ito? Anuman ang pananaw ninyo, o ang iisipin ninyo, kailangan Kong talakayin ang kasabihang ito dahil ito ay lubos na may katuturan sa kung paano itatatag ng Diyos ang kalalabasan ng tao. Anuman ang kasalukuyang pag-unawa ninyo sa kasabihang ito, o kung paano ang pagtrato ninyo dito, sasabihin Ko pa rin sa inyo: Kung may isang tao na maisasagawa ang kasabihang ito at makamit ang pamantayan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, mapapanatag sila na sila'y maliligtas, mapapanatag sila na may mabuti silang kalalabasan. Kung hindi mo makamit ang pamantayan na inilatag ng kasabihang ito, maaaring sabihin na hindi matukoy ang kalalabasan mo. Kaya makikipag-usap ako sa inyo tungkol sa kasabihang ito para sa kahandaan ng isipan ninyo, at sa gayon ay malaman ninyo kung anong uri ng pamantayan ang gagamitin ng Diyos na panukat sa inyo.
Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"
________________________________
Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. Mangyaring i-click at basahin: Salita ng Diyos ngayong araw
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.