Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II | Sipi 51
Ang Tunay na Mukha ni Job: Totoo, Dalisay, at Walang Kasinungalingan
Basahin natin ang mga sumusunod: "Sa gayo'y umalis si Satanas mula sa harapan ni Jehova, at pinasibulan si Job ng mga masamang bukol na mula sa talampakan ng kanyang paa hanggang sa kanyang puyo. At kumuha siya ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod ng langib; at siya'y naupo sa mga abo" (Job 2:7-8). Ito ay isang paglalarawan sa asal ni Job nang naglabasan ang namamagang bukol sa kanyang katawan. Sa oras na ito, si Job ay naupo sa mga abo habang tinitiis niya ang sakit. Walang gumamot sa kanya, at walang tumulong upang mabawasan ang sakit ng kanyang katawan; sa halip, ginamit niya ang isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa ibabaw ng masasamang bukol. Sa labas, ito ay isa lamang yugto sa paghihirap ni Job, at walang kaugnayan sa kanyang pagkatao at takot sa Diyos, dahil si Job ay hindi nagsalita upang ipahayag ang kanyang nararamdaman at paniniwala sa panahong ito. Ngunit ang mga pagkilos ni Job at ang kanyang asal ay mga tunay na pagpapahayag pa rin ng kanyang pagkatao. Sa talaan ng mga nakaraang kabanata ay nababasa natin na si Job ay ang pinakadakila sa lahat ng mga anak ng silanganan. Itong sipi sa ikalawang kabanata, samantala, ay nagpapakita sa atin na ang dakilang tao na ito ng silangan ay dapat kumuha ng isang bibinga ng palayok upang ipangkayod sa sarili niya habang nakaupo sa mga abo. Wala bang malinaw na pagsasalungat sa dalawang paglalarawan na ito? Ito ay ang kaibahan na nagpapakita sa atin ng totoong sarili ni Job: Sa kabila ng kanyang marangal na estado at katayuan, hindi niya kailanman minahal at binigyang pansin ang mga ito; wala siyang pakialam sa kung paano tiningnan ng iba ang kanyang katayuan, at hindi siya nag-alala kung ang mga kilos at asal niya ay may masamang epekto sa kanyang katayuan; hindi siya nagpakasasa sa yaman, at hindi siya nagsaya sa karangalan na kasama ng kanyang estado at katayuan. Nababahala lamang siya sa kanyang halaga at kabuluhan ng kanyang pamumuhay sa mga mata ng Diyos na Jehova. Ang totoong sarili ni Job ay ang kanyang mismong diwa: Hindi niya inibig ang katanyagan at kayamanan, at hindi siya nabuhay para sa katanyagan at kayamanan; siya ay totoo, at dalisay, at walang kasinungalingan.
Ang Paghihiwalay ni Job ng Pag-ibig at Galit
Ang isa pang bahagi ng pagkatao ni Job ay ipinakita sa pag-uusap sa pagitan niya at ng kanyang asawa: "Nang magkagayo'y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni't sinabi niya sa kanya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?" (Job 2:9-10). Nang makita ang paghihirap niya, sinubukan ng asawa ni Job na payuhan si Job upang tulungan siyang makatakas sa kanyang paghihirap-ngunit ang kanyang "magandang intensyon" ay hindi sinang-ayunan ni Job; sa halip, binuhay nito ang kanyang galit, sapagkat itinakwil ng asawa ang pananampalataya ni Job, at pagkamasunurin sa Diyos na Jehova, at itinakwil din ng asawa ni Job ang pag-iral ng Diyos na Jehova. Hindi ito katanggap-tanggap kay Job, dahil hindi niya kailanman pinayagan ang sarili niya na gumawa ng kahit anong sumasalungat o nakakasakit sa Diyos, na walang masabi sa iba. Paano siya mananatiling walang malasakit kung nakita niya ang iba na nagwiwika ng mga salitang lumalapastangan at iniinsulto ang Diyos? Kaya tinawag niya ang kanyang asawa na isang "hangal na babae." Ang saloobin ni Job sa kanyang asawa ay may galit at poot, pati na rin ang kahihiyan at mahigpit na pangangaral. Ito ay ang likas na pagpapahayag ng pagkatao ni Job na kumikilala sa pagkakaiba ng pag-ibig at poot, at isang tunay na pangangatawan ng kanyang matuwid na pagkatao. Si Job ay nagtataglay ng katinuan ng katarungan-na dahilan upang magalit siya sa kabuktutan, at mapoot, magalit, at tanggihan ang walang katotohanang kontra sa pananampalataya, hindi kapani-paniwalang argumento, at katawa-tawang pagpapatunay, at pinahintulutan siyang maging totoo sa kanyang sarili, mga wastong prinsipyo at paninindigan nang siya ay itinakwil ng masa at iniwan ng mga taong malapit sa kanya.
Ang Kabaitan ng Puso at Katapatan ni Job
Dahil, sa asal ni Job, nakikita natin ang pagpapahayag ng iba't-ibang aspeto ng kanyang pagkatao, alin sa pagkatao ni Job ang nakikita natin nang binuksan niya ang kanyang bibig upang sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan? Ito ang paksang ibabahagi natin sa ibaba.
Sa itaas, isinalaysay Ko ang mga pinagmulan ng pagsumpa ni Job sa araw ng kanyang kapanganakan. Ano ang nakikita ninyo rito? Kung matigas ang puso ni Job, at walang pag-ibig, kung siya ay malamig at walang pakiramdam, at nawalan ng pagkatao, maaari ba niyang alagaan ang pagnanais ng puso ng Diyos? At maaari ba niyang hamakin ang araw ng kanyang sariling kapanganakan bilang isang bunga ng pag-aalaga sa puso ng Diyos? Sa ibang salita, kung si Job ay manhid at salat sa pagkatao, mamimighati ba siya dahil sa pagpapasakit sa Diyos? Maaari ba niyang isumpa ang araw ng kanyang kapanganakan dahil nasaktan niya ang Diyos? Ang sagot ay, Ganap na hindi! Dahil siya ay may mabuting puso, pinahalagahan ni Job ang puso ng Diyos; dahil pinahalagahan niya ang puso ng Diyos, naramdaman ni Job ang nadamang sakit ng Diyos; dahil siya ay may mabuting puso, nagdusa siya ng mas malaki bilang bunga ng pagkaunawa niya sa nadamang sakit ng Diyos; dahil naramdaman niya ang sakit na nadama ng Diyos, nagsimula siyang mapoot sa araw ng kanyang kapanganakan, kaya't isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Sa mga tagalabas, ang buong asal ni Job sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay kapuri-puri. Tanging ang kanyang pagsumpa sa araw ng kanyang kapanganakan ang naging dahilan ng pagdududa sa kanyang pagka-perpekto at pagkamakatwiran, o nagbibigay ng naiibang pagtatasa. Sa katunayan, ito ang pinakatunay na pagpapahayag ng diwa ng pagkatao ni Job. Ang diwa ng kanyang pagkatao ay hindi lingid o nakabalot, o binago ng ibang tao. Nang isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan, ipinakita niya ang kabutihan ng puso at katapatan na nasa loob ng kanyang puso; siya ay tulad ng isang bukal na ang tubig ay sobrang malinaw at maliwanag upang ipakita ang kailaliman nito.
Pagkatapos matutuhan ang lahat ng ito tungkol kay Job, karamihan sa mga tao ay magkakaroon ng medyo tumpak at makatotohanang pagtatasa ng diwa ng pagkatao ni Job. Mayroon din dapat silang malalim, praktikal, at mas makabagong pag-unawa at pagpapahalaga sa pagka-perpekto at pagkamakatwiran ni Job na sinasabi ng Diyos. Sana, ang pag-unawa at pagpapahalagang ito ay tutulong sa mga tao na hanapin ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.
Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
________________________________
Ang ebanghelyo ngayong araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.
Magrekomenda nang higit pa:
• Daily Bread Tagalog - Pagkilala sa Diyos
• Araw-araw na mga Salita ng Diyos
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.