"Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan" | Sipi 215

16.10.2020

Alalahanin ang pangyayari sa Biblia noong ginawa ng Diyos ang pagkawasak sa Sodoma, at isipin din kung paano naging isang haligi ng asin ang asawa ni Lot. Isipin muli kung paano ang mga tao ng Ninive ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan sa kayong magaspang at abo, at isipin kung ano ang sumunod matapos ipinako ng mga Judio si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan. Ang mga Judio ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas patungo sa mga bayan sa buong mundo. Marami ang pinatay, at ang buong bansang Judio ay napasailalim sa mga wala pang katulad na pagwasak. Ipinako nila ang Diyos sa krus-gumawa ng isang kahindik-hindik na krimen-at inudyukan ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ginawa upang batahin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos. Hinatulan nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at sa gayon sila ay nagkaroon lamang ng isang kapalaran: na parurusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kalamidad na dinala ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.

Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa mundo upang gawin ang Kanyang gawain. Ang Kanyang unang hinintuan ay ang engrandeng pagtitipon ng mga diktatoryal na namumuno: Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong iyon, Siya ay tinutugis ng namumunong partido ng Tsina sa lahat ng paraan at sumailalim sa matinding pagdurusa, na walang lugar sa pamamahinga ng Kanyang ulo at hindi makahanap ng sisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang binabalak: Binibigkas Niya ang Kanyang tinig at nagpapakalat ng ebanghelyo. Walang sinuman ang makakaarok sa pagka-makapangyarihan ng Diyos. Sa Tsina, isang bansa na itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang mga gawain at salita, dahil ginagawa ng Diyos ang lahat ng Kanyang makakaya upang iligtas ang bawat isa at ang bawat miyembro ng sangkatauhan. Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga humahadlang sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito'y titigil sa pag-iral. Hinihikayat ko ang mga tao ng lahat ng bansa, mga bayan, at kahit na mga industriya na makinig sa tinig ng Diyos, upang masdan ang gawain ng Diyos, upang bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, sa gayon ginagawa ang Diyos na kabanal-banalan, ang pinaka-kagalanggalang, ang pinakamataas, at ang tanging pinag-uukulan ng pagsamba sa sangkatauhan, at nagbibigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, kung paanong ang mga inapo ni Abraham ay nanirahan sa ilalim ng pangako ng Jehova, at tulad ng kay Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.

Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

________________________________

Ang ebanghelyo ngayong araw - ang pangangailangan para sa buhay at espiritu ng mga Kristiyano. Mangyaring i-click ito at basahin.


Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar