Alam niyo ba kung bakit hindi pinanatili ng Panginoong Jesus ang Araw ng Sabbath noong Siya ay dumating upang gumawa?
Mayroong misteryo ng gawain ng Diyos na nakatago sa likod nito. Walang makapagpaliwanag nang malinaw. Ngayon ang Panginoon ay nagbalik, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, na nagpahayag ng katotohanan at naghayag ng misteryong ito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa mga saklaw ng araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang mga tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga prinsipyo mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa mga taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong larawan, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga prinsipyo sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya maaalala o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain."
Nilinaw ng mga salita ng Diyos na pinangunahan ng Panginoong Jesus ang mga alagad na gumawa at mangaral sa araw ng sabbath, at ginawa Niya ito upang sabihin sa mga tao sa panahong iyon na iniwan ng Diyos ang mga kautusan at gumagawa na ng isang bagong gawain. Nais Niyang akayin ang mga tao sa bagong kapanahunan. Gayunpaman, ang mga Fariseo ng panahong iyon ay hindi alam at hindi sinaliksik ang mga hangarin ng Diyos, mahigpit na kumapit lamang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Tinutulan nila at kinondena ang Panginoon, at sa huli ay dumanas ng parusa ng Diyos. Kaya't kapag ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain, hindi natin dapat gamitin ang dating gawain ng Diyos upang limitahan ang Kanyang bagong gawain, ngunit sa halip, dapat nating isantabi ang ating mga kuro-kuro at hanapin nang may bukas na pag-iisip. Sa ganitong paraan lamang natin mauunawaan ang gawain ng Diyos at masusundan ang mga yapak ng Diyos.
________________________________
Ipinropesiya sa Biblia na ang Panginoon ay babalik kapwa sa mga ulap at lihim. Kaya't paano eksaktong darating ang Panginoon pagkatapos? Ang sagot ay nasa devotion for today tagalog.
Sumnod: Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2) | Sipi 38
Sinundan: Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.