Tanging sa Pamamagitan ng Pagkamit Nito Maaari Mong Masalubong ang Pagdating ngPanginoon
Ang Panginoon Jesus ay minsang nagpropesiya, "Narito, Ako'y madaling pumaparito" (Pahayag 22:12). Sa kadahilanang ito, lahat ng tunay na mga mananampalataya sa Panginoon ay naghahangad na masalubong ang Panginoon, ma-rapture sa kaharian ng langit, at matamasa ang walang hanggang mga pagpapala. Kaya, paano natin masasalubong ang Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin"(Juan 10:27). At mga propesiya sa Pahayag, "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoon na sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mga salita upang hanapin ang Kanyang mga tupa. Ang mga matalinong dalaga na sinalubong ang Panginoon ay tumutukoy sa lahat ng mga aktibong naghahanap at nagsisiyasat at tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos nang naririnig ang balita ng pagbabalik ng Panginoon at kung sino ang nakakilala sa Panginoon mula sa mga salita ng Diyos, sa gayon ay tumanggap at sumunod sa Kanya. Kung isasara natin ang ating mga pintuan at mananatiling binabantayan, at hindi nagbibigay pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos, sa huli, mapapalampas natin ang pagbabalik ng Panginoon at mahuhulog tayo sa mga sakuna.
________________________________
Ngayon ay ang pinakamahalagang mga sandali ng pagsalubong sa Panginoon sa mga huling araw, kaya paano ang dapat natin na paghahanda sa pagdating ng Panginoon? Basahin ngayon upang mas matuto.