"Abba, Ama, may pangyayari sa iyo ang lahat ng mga bagay; ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y hindi ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo."(Marcos 14:36)

11.03.2021

Mula sa panalangin ng Panginoon sa Hardin ng Getsemane, anong kaalaman sa nagkatawang-taong si Cristo ang dapat mayroon tayo? Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpahayag ng mga salita at inihayag sa atin ang disposisyon ng Diyos at ang Kanyang pagkatao.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil sa pagsuway. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng katawang-tao kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa panalangin, "Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo." Ang tao ay pipili, subali't si Cristo ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng diwa mula sa Diyos, kundi tanging yaong sumusuway at lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na sumunod sa Diyos, lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ay ang diwa ni Cristo; ang pagsuway laban sa Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkaayon, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos kahalili Niya ay dahil sa ang tao ay wala kahit isang diwa ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa pansariling kapakanan ng tao at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subali't si Cristo ay gumagawa upang matupad ang kalooban ng Diyos Ama."

Mayroon ka bang kaalaman tungkol sa kakanyahan ni Cristo pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos? Si Cristo ay mukhang isang karaniwang tao sa labas, ngunit ang Kanyang kakanyahan ay kumpletong pagsunod sa kalooban ng Ama sa Langit. Hindi alintana kung anong kahinaan ang nadarama ng Kanyang pagkatawang-tao, hindi Niya susuwayin ang kalooban ng Espiritu ngunit ganap na susundin ang Espiritu at gagawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang puntong ito ay hindi maaaring makamit ng sinuman sa atin.

________________________________

Ang kahulugan ng "Ako at ang Ama ay iisa" ay nabunyag. Ang katotohanan ay na ang Panginoong Jesus ay hindi ang Anak ng Diyos bagkus ang nagkatawang-taong Diyos, ang Diyos Mismo.

Sumnod: Dumako sa Sion na may pagpupuri

Sinundan: Ang Kasikatan at Kayamanan ay Nagdala sa Akin ng Pagdurusa

Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar