Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"
I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.
At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,
ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos,
kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila
pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya.
II
Matapos maranasan lahat ng gawa N'ya sa Panahon ng Kaharian,
pangarap na tangan ng kayraming taon magkakatotoong lahat.
Mararamdaman mong nakita mo sa wakas
nang mukhaan ang Diyos;
ngayon mo lang natunghayan mukha ng Diyos,
napakinggan personal na pagbigkas ng Diyos,
napahalagahan gawain N'ya't karunungan,
at nadama gaano katotoo, makapangyarihan S'ya.
Malalaman mong nakita't natamo mo na
nang higit kaysa nauna sa 'yo.
Tunay na malalaman mo ang ibig sabihin
ng maniwala't sumunod sa puso N'ya.
Kung kakapit sa nakalipas at tatanggiha't itatatwa
ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos,
mananatili kang walang-dala, walang wala,
at may salang pagsalungat sa Kanya.
III
Sundin ang katotohanan, pasakop sa gawain N'ya,
at pailalim sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos,
ang Makapangyarihan,
maalok ng personal na paggabay N'ya.
Magkakaro'n ka ng mas marami,
makikita mas mataas na katotohanan,
at tatanggap ng tunay na buhay ng tao.
Nais mo bang maalis sa sarili mo masamang disposiyon?
Nais mo bang matamo ang mas mataas na katotohanan?
Nais mo bang mabuhay ng may halagang buhay?
Nais mo bang gawing perpekto ng Diyos?
Kung gayon,
pa'no mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus?
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa: Tagalog Gospel Songs