Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Aking mga salita ay ang walang hanggang di-nagbabagong katotohanan. Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang: Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao. Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila."
mula sa "Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao"
________________________________
Sa mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang mailigtas ang tao at iperpekto ang tao at gumagamit ng mga salita upang maihayag ang tao at puksain ang tao. Kapag napagtanto natin ang kahalagahan ng salita ng Diyos, dapat nating tanggapin at isagawa ang mga salita ng Diyos.
Sumnod: Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos
Sinundan: Nasa Bilangguan sa Kalakasan ng Kabataan