Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Limitado ang Pagkaunawa sa Diyos? | Sipi 278

05.08.2020

Ang Hudyo noong panahon ay lahat nagbabasa mula sa Lumang Tipan at alam ang hula ni Isaiah na may isang lalaking sanggol na ipapanganak sa sabsaban. Bakit sa gayon, sa kaalamang ito, inusig pa rin nila si Jesus? Hindi ba ito dahil sa kanilang kalikasang mapanghimagsik at kamangmangan sa gawa ng Banal na Espiritu? Sa panahong iyon, ang mga Pariseo ay naniniwala na ang gawa ni Jesus ay hindi katulad ng kanilang alam tungkol sa hulang lalaking sanggol; itinatanggi ng tao ngayon ang Diyos dahil sa ang gawa ng nagkatawang-taong Diyos ay hindi tumutugma sa Biblia. Hindi ba ang buod ng kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay iisa at pareho? Maaari mo bang matanggap ang gayon nang walang katanungan sa lahat ng gawain ng Banal na Espiritu? Kung ito ang gawain ng Banal na Espiritu, sa gayon ito ay ang tamang daloy. Iyon ay dapat mong tanggapin nang walang kahit na kaunting pag-agam-agam, kaysa sa pagpulot at pagpili ng kung ano ang tatanggapin. Kung makamit mo ang kaunting kaalaman mula sa Diyos at magsanay ng kaunting pag-iingat laban sa Kanya, hindi ba ito ang tunay na pagkilos na hindi kailangan? Ang kinakailangang mong gawin ay pagtanggap ng, hindi kailangan ng anumang patunay mula sa Biblia, anumang gawain hangga't ito ay mula sa Banal na Espiritu, dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong aninawin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa iyo; iyan ang susi. Kahit na malaman ninyong maraming hindi mapabulaanan na patunay sa Biblia, hindi ito maaaring magdala sa inyo nang buo sa Aking harapan. Ikaw ay isa na namumuhay sa loob ng hangganan ng Biblia, at hindi sa harapan Ko; ang Biblia ay hindi makakatulong sa iyo na makilala Ako, ni mapalalim nito ang pagmamahal mo sa Akin. Kahit na hinulaan ng Biblia na mayroong isang lalaking sanggol na ipapanganak, walang sinuman ang maaaring umarok sa kung kaninong hula ang matutupad, sapagkat hindi alam ng tao ang gawain ng Diyos, at ito ang dahilan kung bakit ang mga Pariseo ay nanindigan laban kay Jesus. May iilang nakaaalam na ang Aking gawain ay sa kapakinabangan ng tao, gayon man sila ay patuloy na naniniwala na si Jesus at Ako ay ganap na magkahiwalay na nilalang na parehong hindi magkaayon. Nang panahong iyon, binigkas lamang ni Jesus sa Kanyang disipulo ang isang hanay ng sermon sa Kapanahunan ng Biyaya, tulad ng kung paano isagawa, kung paano magtipun-tipon, kung paano humingi sa panalangin, kung paano makitungo sa iba, at iba pa. Ang gawain na Kanyang isinagawa ay para sa Kapanahunan ng Biyaya, at Kanyang pinalawig lamang kung paano dapat magsagawa ang mga disipulo at iyong mga sumusunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya at wala na sa mga huling mga araw. Nang itinalaga ni Jehova ang batas ng Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Kautusan, bakit hindi Niya ginawa samakatwid ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan? Bakit hindi Niya muna nilinaw ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan? Hindi ba ito magiging kapaki-pakinabang sa pagtanggap ng tao? Hinulaan lamang Niya ang lalaking sanggol na ipapanganak at magkakaroon ng kapangyarihan, ngunit hindi Niya isinagawa nang pauna ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan ay mayroong malinaw na hangganan; ginagawa Niya lamang ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan at hindi Niya kailanman isinasagawa ang kasunod na yugto ng gawain nang pauna. Sa ganitong paraan lamang ang Kanyang kumakatawang gawain ng bawat kapanahunan ay maaaring mailantad. Binigkas lamang ni Jesus ang mga patalandaan ng huling mga araw, kung paano maging mapagpasensya at kung paano maligtas, kung paano magsisi at mangumpisal, pati na rin kung paano kayanin ang krus at tiisin ang pasakit; hindi Siya kailanman nagsalita kung ano ang papasukin ng mga tao sa huling mga araw o kung paano hanapin ang makapagbibigay kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Tulad ng nasabi, hindi ba ito kilos ng kamalian na maghanap sa loob ng Biblia sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang iyong maaaninaw kung basta hawak lamang ang Biblia sa iyong mga kamay? Maging isang tagapagpaliwanag ng Biblia o isang tagapangaral, sino ang maaaring makahula ng mga gawain sa ngayon?

Mula sa "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

________________________________

Ang hindi maiiwan ng mga Kristiyano sa araw-araw ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang pahina ng Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay inirerekomenda sa iyo. Maraming mga salita ng Diyos sa pahinang ito. 

Mangyaring i-click at basahin: Salita ng diyos ngayong araw

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar