Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming mis
Tanong 4: Binanggit ng Panginoong Jesus ang mga misteryo ng kaharian ng langit sa mga disipulo, at bilang nagbalik na Panginoong Jesus, naghayag na rin ba ng maraming misteryo ang Makapangyarihang Diyos? Maaari n'yo bang ibahagi sa amin ang ilan sa mga misteryong inihayag ng Makapangyarihang Diyos? Malaking tulong iyon sa amin sa pagtukoy sa tinig ng Diyos.
Sagot: Tuwing nagkakatawang tao ang Diyos, marami Siyang inihahayag na katotohanan at misteryo sa atin. Walang duda 'yan. Nagkakatawang tao ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kaya nga, natural Siyang nagpapahayag ng maraming katotohanan, at naghahayag ng maraming misteryo. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naghayag ng maraming misteryo habang nangangaral at ginagawa ang Kanyang gawain, tulad ng, "Mangagsisi kayo: sapagka't malapit na ang kaharian ng langit" (Mateo 4:17). "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Marami ring iba pang misteryong inihayag ang Panginoong Jesus bukod pa rito, na hindi ko tatalakayin ngayon. Sa mga huling araw, dumating na ang Makapangyarihang Diyos, at isinagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag na ang lahat ng katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi lang naisakatuparan ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng propesiya ng Panginoong Jesus, kundi inilantad pa sa atin ang mga dakilang misteryo ng nakaraan, ng kasalukuyan, at ng hinaharap, na nauugnay sa plano sa pamamahala ng Diyos. Basahin natin ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. "Ang gawain na Aking pinamamahalaan ng libu-libong taon ay ganap na nabubunyag lamang sa tao sa mga huling araw. Ngayon Ko lamang nabuksan ang buong misteryo ng Aking pamamahala sa tao. Batid ng tao ang layunin ng Aking gawa at bukod pa ay nakaunawa na sa lahat ng Aking mga misteryo. At nasabi Ko sa tao ang lahat ng tungkol sa hantungan na kanyang inaalala. Naipahayag Ko na sa tao ang lahat ng Aking mga misteryo na nakatago nang mahigit sa 5,900 taon" ("Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Liliwanagin sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito'y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ang anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at sangkap nitong anim na libong taong plano sa pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito'y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan ang mga ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. ... Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at ihahanda ang konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawain ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay katapusan" ("Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Inihayag na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryo ng Kanyang 6,000-taong plano sa pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan. At sinabi na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang layunin ng Diyos sa pamamahala sa sangkatauhan. Naipakita Niya sa atin kung bakit nagsagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, kung paano naisulong ang tatlong yugtong ito ng gawain sa paisa-isang hakbang, at kung ano ang mga kaugnayan at kaibahan ng mga ito sa isa't isa. Sinabi na rin sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang kabuluhan ng mga pangalan ng Diyos, kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at kung ano ang kabuluhan ng gawain ng paghatol. Naihayag Niya sa atin ang mga misteryo ng pagkakatawang-tao, at ang totoong pangyayari sa Biblia. Isiniwalat ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos ang pinagmulan ng buhay ng lahat ng bagay, at kung paano naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay. Sinabi na sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang natatanging awtoridad ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang kabanalan ng Diyos, at ang pagiging makapangyarihan at ang karunungan ng Diyos. Bukod pa rito, naihayag din sa atin ng Makapangyarihang Diyos kung paano umunlad ang buong sangkatauhan hanggang ngayon, at kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at sinabi na sa atin ang katotohanan na ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, ang pinagmulan ng pagkontra at pagkakanulo ng tiwaling sangkatauhan sa Diyos, kung paano kumikilos ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano nagsagawa si Satanas ng mga tusong plano para gambalain at abalahin ang gawain ng Diyos, at kung paano tatalunin ng Diyos si Satanas at wawakasan ang tadhana ni Satanas. Naipakita sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng tunay na buhay, kung paano dapat mamuhay ang mga tao para maging tunay na masaya, gayon din ang katapusan ng iba't ibang uri ng tao, ang tunay na patutunguhan ng sangkatauhan, at, sa huli, kung paano wawakasan ng Diyos ang kapanahunang ito, at kung paano darating ang kaharian ni Cristo, at kung anu-ano pa. Naihayag nang lahat sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryong ito. Mula sa mga katotohanan at misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos, makikita natin na ang mga misteryong ito ay pawang nauugnay sa Diyos, at sa kaharian ng langit, gayundin kung ano ang isasakatuparan ng Diyos sa hinaharap. Ang mga misteryong ito ay pawang konektado sa plano sa pamamahala ng Diyos at sa patutunguhan ng sangkatauhan. May malalim na kahulugan ang paghahayag ng Diyos sa mga misteryong ito. Mula sa mga katotohanan at misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos, makatitiyak tayo na tinig ng Diyos ang lahat ng mga salitang ito. Dahil Diyos lamang ang maaaring makaalam sa mga misteryong ito. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam. Hindi ito alam ng mga anghel, ni ng sangkatauhan. Kaya nga, ang mga katotohanan at mga misteryong inihayag ng Panginoong Jesus at Makapangyarihang Diyos ay pagpapahayag ng iisang Espiritu, at gawa ng iisang Diyos. Ang gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginawa ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatuloy mula sa natapos na gawain ng Panginoong Jesus. Tinutupad nito ang mga salita ng Panginoong Jesus: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:12-13). Ang mga tunay na pangyayaring ito ay nagpapatunay na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagpakitang nag-iisang tunay na Diyos!
Inihahayag sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan at misteryong dapat maunawaan ng tiwaling sangkatauhan. Kaya nadarama natin na malinaw, payapa at maliwanag ang ating pananampalataya sa Diyos. Sa ganitong paraan, nakakapasok tayo sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Kailangan lang nating tanggapin at sundin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ipagpatuloy ang pagpasok sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, para mamuhay tayo sa katotohanan, at magkamit ng kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit! Makinig tayo sa isang talata na inihahayag ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng disposisyon ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang disposisyon ng Diyos ay taglay ng Tagapamahala ng lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa gitna ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng sangnilikha. Ang Kanyang disposisyon ay kumakatawan sa karangalan, kapangyarihan, kamahalan, kadakilaan, at higit sa lahat, pagiging nakahihigit sa lahat. Ang Kanyang disposisyon ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng matuwid, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa rito, ito ang simbolo Niya na hindi maaaring[a] magapi o masakop ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway, at gayon din simbolo Niya na hindi maaaring masaktan (at hindi rin Niya pahihintulutang masaktan Siya)[b] ng sinumang buhay na nilikha. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng pinaka-mataas na kapangyarihan. Walang tao o mga taong makakakaya o makagagawang gumambala sa Kanyang gawain o Kanyang disposisyon. ... Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at pag-usbong ng pagkamatuwid at liwanag; dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Natutuwa Siya dahil naghatid Siya ng liwanag at mabuting buhay sa sangkatauhan; ang Kanyang kagalakan ay isang matuwid na kagalakan, isang simbolo ng pag-iral ng lahat na positibo at, higit pa, isang simbolo ng kaginhawahan. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalan ng katarungan at ang pagkagambala na sanhi nito na nakakasira sa sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit dito dahil sa pag-iral ng mga bagay na kumakalaban sa anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay simbolo ng lahat ng mga bagay na negatibo na hindi na umiiral, at higit pa, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kapighatian ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang gawain na Kanyang ginawa sa tao ay hindi nakaabot sa Kanyang mga inaasahan, at dahil ang sangkatauhang minamahal Niya ay hindi lahat makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng pighati para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit ignoranteng tao, at para sa taong mabuti ngunit nagkukulang sa kanyang sariling pananaw. Ang Kanyang pighati ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang kahabagan, isang simbolo ng kagandahan at kabutihan. Siyempre, ang Kanyang kasiyahan ay nagmumula sa pagdaig sa Kanyang mga kaaway at pagkamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, nanggagaling din ito mula sa pagpapalayas at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at dahil ang sangkatauhan ay tumatanggap ng mabuti at payapang buhay. Ang kasiyahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pag-ani ng magagandang bunga, isang pakiramdam na mas higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay simbolo ng kalayaan ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang simbolo ng pagpasok ng sangkatauhan sa mundo ng liwanag" ("Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Naihayag sa atin ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang kinakatawan ng disposisyon ng Diyos, at ang simbolismo at kahulugan ng disposisyon ng Diyos. Naipahayag din ng Makapangyarihang Diyos ang kaugnayan ng kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan sa disposisyon ng Diyos at sa sangkatauhan. Sino pa bukod sa Diyos Mismo ang makapagsasalita ng disposisyon ng Diyos nang napakalinaw? At sino ang makakaalam ng simbolismo at kahulugan ng disposisyon ng Diyos? Noon pa mang unang panahon hanggang ngayon, wala pang nakapagbigay ng gayon katumpak at katiyak na patotoo tungkol sa disposisyon ng Diyos, Ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan ng Diyos ay nakikita sa Kanyang buong gawain ng pamamahala sa sangkatauhan. At habang nararanasan natin ang gawain ng Diyos, kaya rin nating tunay na tikman at madama na ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan sa disposisyon ng Diyos ay hindi lamang mga salita kundi praktikal, ang mga ito'y tunay at malinaw. Ang kasiyahan, galit, kalungkutan, at kaligayahan ng Diyos ay pawang pagpapahayag ng diwa ng buhay ng Diyos. Ang mga ito ay realidad ng mga positibong bagay, at mga simbolo ng pagkamatuwid. Sa gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, nakikita natin na ang kasiyahan, galit, kalungkutan at kaligayahang inihayag ng Diyos ay pawang para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay para iligtas ang sangkatauhan, upang makalaya ang sangkatauhan mula sa pagpapahirap ni Satanas at mamuhay sa liwanag. At, bukod pa riyan, ang mga ito ay para pamunuan ang sangkatauhan sa magandang patutunguhan. Sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, nakita natin na tunay na kontrolado ng Diyos ang lahat ng bagay, at naghahari Siya sa lahat ng bagay. Ang disposisyon ng Diyos ang simbolo ng pinakamataas na awtoridad. Ito ay simbolo na hindi kayang sugpuin o pinsalain ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi mapipigil ng puwersa ng kalaban ang Diyos sa pagsasagawa ng Kanyang kalooban. Tandaan ang Kapanahunan ng Biyaya: Habang nangangaral at gumagawa ng gawain si Jesus, galit na galit na hinusgahan at kinontra ng mga pinuno ng komunidad ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus. Nakisanib pa ang kanilang mga puwersa sa pamahalaan ng Roma para ipako si Jesus sa krus. Subalit ang karunungan ng Diyos ay nakasalig sa mga tusong plano ni Satanas. Natubos ang sangkatauhan nang ipako si Jesus sa krus, at dahil doon ay kumalat ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus hanggang sa mga dulo ng sansinukob, at yaong mga kumontra at kumondena sa gawain ng Diyos ay pinatawan ng parusa ng Diyos. Sa ganitong paraan, nakikita natin na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi malalabag ng tao! Ngayon, dumating na ang Kapanahunan ng Kaharian. Mula nang simulan Niya ang gawain ng paghatol sa China, ang matatag na balwarteng ito ng Ateismo, ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay galit na galit na namang kinontra at kinokondena ng mga pinuno ng mga relihiyon. Kaya, mayroon ding malulupit na pagdakip at pang-uusig ng masamang rehimen ng CCP. Subalit kumalat pa rin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa buong Mainland China. Yaong mga nagmula sa iba't ibang mga sekta at denominasyon na talagang lubos na naniniwala sa Diyos ay bumalik na sa harapan ng trono ng Diyos. Lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay makikita rin ng publiko online para hanapin at hangarin ng mga tao mula sa mga bansa at teritoryo sa buong mundo. May dalang awtoridad, at kapangyarihan, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nabihag nito ang puso ng milyun-milyong tao. Partikular na, yaong mga tunay na naniniwala sa Diyos, at nauuhaw sa tunay na daan ay bumalik nang lahat sa harapan ng trono ng Diyos, at masayang nadidiligan at napaglalaanan ng mga salita ng Diyos. Talagang nagawang ganap ng Makapangyarihang Diyos ang isang grupo ng mga mananagumpay at nakakuha ng isang grupo ng mga tao na katulad ng Diyos ang iniisip. Yaong mga nasa komunidad ng mga relihiyon na kumokontra at humuhusga sa gawain ng Diyos, samantala, ay pinarusahan at isinumpa nang lahat sa iba't ibang katindihan. Ang ilan ay inilantad bilang mga anticristo, at napatawan na ng parusa, na napakalupit. Mas masahol pa kay Judas ang pagkamatay nila. Sa ganitong paraan, nakikita natin na tunay na hindi masaktan ng tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang masamang rehimen ng CCP, na kumakalaban sa Diyos at itinalaga ang sarili na kalabanin ang Diyos, ay isinumpa na rin ng Diyos. Nakatadhana itong malipol, na lubos na nagpapamalas ng matuwid na disposisyon ng Diyos! Mula sa katunayan ng gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nakikita natin ang natatanging awtoridad ng Diyos, na kumokontrol sa lahat ng bagay. Ang disposisyon ng Diyos ay isang simbolong hindi mapipigilan ng anumang mga puwersa ng kadiliman. Lahat ng puwersang kumakalaban sa Diyos ay babaliktad sa gitna ng kaparusahan ng Diyos, at hindi na iiral. Totoo ito. Naranasan natin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng salita. Nakita natin na ang disposisyon ng Diyos ay hindi lang maawain at mahabagin, kundi matuwid at makahari. Maraming beses nating hindi naunawaan ang Diyos dahil hindi natin nauunawaan ang Kanyang kalooban, subalit ang Diyos ay nagpapaalala, nagpapanatag, at nagpapayo sa atin, kaya nararanasan natin ang awa at habag ng Diyos. Ngunit kapag sinuway natin ang Diyos, malupit Niya tayong hinahatulan, binubunyag, at dinidisiplina, Revision: kaya nagpapasalamat tayo na ang disposisyon ng Diyos ay matuwid, makahari, at hindi pinapayagan ang pagkakasala ng tao! Sa mga tunay na karanasan natin, nakita na natin kung gaano katotoo, katunay at kalinaw ang disposisyon ng Diyos, ang Diyos ay napakabanal, napakamatuwid, napakagiliw at kapita-pitagan. Totoo at tunay na nagpakita ang Diyos para gumawa na kasama ng tao at kaharap natin, at personal tayong ginagabayan, at inililigtas tayo. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang ating Panginoon, ang ating Diyos, ang nag-iisang tunay na Diyos na lumikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay, at naghahari sa lahat ng bagay.
mula sa iskrip ng pelikulang Paghihintay
Mga talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay mababasang "ito ay simbolo ng pagiging walang kakayahang maging."
b. Ang orihinal na teksto ay mababasang "gayon din isang simbolo ng pagiging walang kakayahang masaktan (at hindi hinahayaang masaktan)."
________________________________
Ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ay nagbukas ng pitong mga selyo at binuksan ang scroll, na nagtatakda ng yugto para sa paghatol ng dakilang puting trono. Ang ebanghelyo ng kaharian ng langit ay nagpakita sa bawat tao na naghahanap ng tunay na daan. Kaya, ano pa ang hinihintay mo?
Magrekomenda nang higit pa: Ano ang Pananampalataya sa Diyos
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.