Paano Makikilala ang Diyos na Nagkatawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit kinakailangan ng bawat isa sa atin na malaman ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao" ("Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos").
________________________________
Magrekomenda nang higit pa: Ang Misteryo ng Pagkakatawang-tao ay Naibunyag
Ang Panginoon ay bumalik at Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Binuksan ng Makapangyarihang Diyos ang Kapanahunan ng Kaharian, humahatol at dinadalisay ang tao sa Kanyang mga salita. Tanging yaong mga tumatanggap lamang ng ebanghelyo ng kaharian ng langit ang maaaring sumalubong sa Panginoon at magkaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng Diyos.