Makapangyarihang Diyos | Nililigtas ng Diyos ang Sumasamba sa Kanya at Lumalayo sa Kasamaan

26.03.2020

Makapangyarihang Diyos | "Nililigtas ng Diyos ang Sumasamba sa Kanya at Lumalayo sa Kasamaan"
I
Sa panahon ni Noe, mga tao'y lumayo,
naging lubhang tiwali,
at pagpapala ng Diyos ay nawala,
di na inaaruga ng Diyos,
at naiwala Kanyang mga pangako.
Walang liwanag ng Diyos, sila'y sa kadiliman,
naging likas na mahalay,
pinabayaan sa kabuktutan.
II
Nahulog na sa kasalanan kaya
di na makatanggap ng pangako ng Diyos.
Di karapat-dapat makasaksi sa Kanyang mukha,
o kaya'y makarinig ng tinig Nya.
Sapagka't inabandona nila ang Diyos,
isinantabi ang Kanyang kaloob.
At kinalimutan ang Kanyang mga turo.
Ang kanilang puso'y lumihis papalayo.
Nawala nila lahat ng katwiran nila at pagkatao.
Naging ubod sila ng sama
kaya sila'y naging malapit sa kamatayan,
lalong lumayo sa daan tungo sa Diyos,
kaya't napasailalim sa Kanyang galit at kaparusahan.
III
Si Noe lang ang umiwas sa kasamaan
at sumamba sa Diyos,
kaya't narinig niya ang tinig ng Diyos,
at Kanyang mga tagubilin.
Kanyang ginawa ang arko ayon sa utos ng Diyos,
at tinipon ang lahat ng buhay na nilalang,
iba't ibang uri, katangian, at hugis.
Noong lahat ay naihanda na,
pinakawalan ng Diyos ang pagwasak sa mundo.
Si Noe at ang pitong miyembro ng kanyang pamilya
ang nanatiling buhay at nakaligtas.
Dahil sumamba s'ya kay Jehova
at umiwas sa masama.
Oo, sumamba s'ya kay Jehova at umiwas sa masama.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


_________________________________________________

Inirekomendang pagbabasa: Ang Pangako ng Diyos kay Abraham

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar