Ang Naniniwala ngunit Hindi Nagmamahal sa Diyos ay Buhay na Walang Kabuluhan
Ⅰ
Walang leksyong mas malalim
sa mapagmahal na Diyos.
Mula sa buong buhay ng paniniwala,
natututuhan ng tao'y
pa'no mahalin ang Diyos.
Kung ika'y naniniwala,
magsikap mahalin Siya.
Kung ika'y naniniwala nguni't 'di nagmamahal,
bigong makamit kaalaman
ukol sa Kanya't mahalin Siya
na may tunay na pag-ibig na mula sa 'yong puso,
walang saysay ang 'yong paniniwala.
Kung naniniwala ka sa Diyos
nguni't 'di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo'y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
'di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano'ng punto ng 'yong paniniwala sa Diyos?
'Di ba 'yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
Ⅱ
Kung mga tao'y dapat paniwalaan,
mahalin ang Diyos,
mayro'ng dapat na pagbayaran.
'Di lang nila dapat subukang kumilos
sa paraang panlabas.
Dapat silang humanap ng tunay na kabatiran
sa kailaliman ng kanilang puso.
Kung ika'y mahilig sa pag-awit at pagsayaw,
nguni't hindi mo maisagawa ang katotohanan,
masasabi mo bang tunay na mahal mo ang Diyos?
Kung naniniwala ka sa Diyos
nguni't 'di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo'y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
'di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano'ng punto ng 'yong paniniwala sa Diyos?
'Di ba 'yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
Kalooban Niya'y hanapin sa lahat ng bagay.
Siyasatin nang malalim
pag may nangyari sa'yo.
Unawain kalooban ng Diyos,
subukang makita
kung ano ang nais Niyang makamit mo,
at kung pa'no mo dapat isaisip 'to.
Kung naniniwala ka sa Diyos
nguni't 'di Siya mahal,
walang kabuluhan kang nabubuhay,
buhay mo'y pinakamababa sa lahat.
Kung sa buong buhay mo,
'di mo kailanman minahal ang Diyos,
ano ang punto ng pamumuhay?
Ano'ng punto ng 'yong paniniwala sa Diyos?
'Di ba 'yan pag-aaksaya ng pagsisikap?
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
________________________________
Manood ng higit pa:
Ano ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat manalig sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?