Tungkol sa Karanasan
Sa buong karanasan ni Pedro, nagdanas siya ng daan-daang pagsubok. Bagama't may kamalayan ang mga tao ngayon sa katagang "pagsubok," nalilito sila sa tunay na kahulugan at sitwasyon nito. Binabago ng Diyos ang determinasyon ng tao, pinipino ang kanilang tiwala, at pineperpekto ang bawat bahagi nila, at natatamo ito una sa lahat sa pamamagitan ng mga pagsubok, na siya ring tagong gawain ng Banal na Espiritu. Tila pinabayaan na ng Diyos ang mga tao, kaya nga kung hindi sila maingat, ituturing nila ang mga pagsubok na ito na mga panunukso ni Satanas. Sa katunayan, maraming pagsubok ang maituturing na mga tukso, at ito ang prinsipyo at panuntunan ng gawain ng Diyos. Kung ang tao ay tunay na nabubuhay sa presensya ng Diyos, ituturing nilang mga pagsubok ng Diyos ang mga iyon, at hindi nila iyon hahayaang makalampas. Kung sasabihin ng isang tao na dahil kasama nila ang Diyos, siguradong hindi sila lalapitan ni Satanas, hindi ito ganap na tama; kung magkagayon, paano maipaliliwanag na naharap si Jesus sa mga tukso matapos mag-ayuno sa ilang sa loob ng apatnapung araw? Kaya kung tunay na itinuwid ng mga tao ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos, makikita nila ang maraming bagay nang mas malinaw, at hindi magiging baluktot at mali ang kanilang pagkaunawa. Kung totoong matibay ang pasiya ng tao na magawang perpekto ng Diyos, kailangan nilang unawain ang mga bagay na kinakaharap nila mula sa maraming iba't ibang anggulo, na hindi natatangay nang pakaliwa o pakanan. Kung wala kang kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at wala kang kamalayan kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas para magsagawa. Hindi ka tutulutan ng masigasig na paghahangad lamang na makamit ang mga resultang hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng pagdanas ay katulad ng kay Lawrence: hindi gumagawa ng anumang mga pagtatangi at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang kalagayan ng tao nang walang presensya ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Anong mga prinsipyo ang dapat tanggapin kapag nakikitungo sa iba't ibang uri ng mga tao, paano maunawaan ang kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, paano malaman ang disposisyon ng Diyos, at kanino, anong mga sitwasyon, at saang kapanahunan nakadirekta ang habag, kamahalan, at katuwiran ng Diyos-wala siyang pagkaunawa sa anuman sa mga ito. Kung hindi marami ang pangitain ng mga tao bilang pundasyon para sa kanilang mga karanasan, hindi na kailangang pag-usapan ang buhay, at lalo na ang karanasan; maaaring buong kahangalang patuloy nilang harapin at tiisin ang lahat ng bagay. Napakahirap na gawing perpekto ang gayong mga tao. Masasabi na kung wala kang anuman sa mga pangitaing binabanggit sa itaas, sapat nang katibayan iyan na isa kang hangal, para kang isang haligi ng asin na palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang silbi, walang kuwenta! Ang ilang tao ay pikit-matang nagpapasakop lamang palagi, kilala nila palagi ang kanilang sarili at lagi nilang ginagamit ang sarili nilang mga paraan ng pagkilos kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o gumagamit sila ng "karunungan" upang harapin ang maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa. Ang gayong mga tao ay walang pang-unawa, at parang likas sa kanila ang isuko ang kanilang sarili sa pagpapahirap, at gayon sila palagi; hindi sila nagbabago kailanman. Ang ganitong mga tao ay mga hangal na wala ni katiting na pang-unawa. Hindi nila sinusubukan kailanman na gumawa ng mga hakbang na angkop sa mga sitwasyon o sa iba't ibang tao. Ang gayong mga tao ay walang karanasan. Nakakita na Ako ng ilang tao na lubhang nakatali sa pagkakilala nila tungkol sa kanilang sarili na kapag naharap sa mga taong nakukubabawan ng masasamang espiritu, nagyuyuko sila ng ulo at umaamin sa kanilang mga kasalanan, na hindi nangangahas na tumayo at isumpa ang mga ito. At kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi sila nangangahas na sumunod. Naniniwala sila na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay rin ng Diyos, at wala ni katiting na lakas ng loob na tumayo at labanan ang mga ito. Ang gayong mga tao ay nagdadala ng kahihiyan sa Diyos, at lubos na walang kakayahang magdala ng mabigat na pasanin para sa Kanya. Ang mga hangal na iyon ay hindi gumagawa ng anumang mga pagtatangi. Ang gayong paraan ng pagdanas, samakatuwid, ay dapat iwaksi, sapagkat hindi ito katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.
Tunay na ang Diyos ay maraming ginagawa sa mga tao, kung minsan ay sinusubok sila, kung minsan ay lumilikha ng mga sitwasyon upang baguhin sila, at kung minsan ay sumasambit ng mga salita upang gabayan sila at punan ang kanilang mga pagkukulang. Kung minsan ay inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao sa mga sitwasyong inihanda ng Diyos para sa kanila upang matuklasan nila nang hindi namamalayan ang maraming bagay na wala sa kanila. Sa pamamagitan ng sinasabi at ginagawa ng mga tao, at sa paraan ng pagtrato ng mga tao sa iba at pagharap sa mga bagay-bagay, hindi nila nalalaman na nililiwanagan sila ng Banal na Espiritu tungkol sa maraming bagay na dati-rati ay hindi nila naunawaan, na tinutulutan silang makita ang maraming bagay at tao nang mas malinaw, tinutulutan silang makita ang maraming bagay na dati-rati ay wala silang kamalayan. Kapag abala ka sa mundo, unti-unti mong nauunawaan ang mga makamundong bagay, at bago ka mamatay, maaari mong sabihin nang patapos: "Mahirap talagang maging tao." Kung gumugugol ka ng kaunting panahon sa pagdanas sa harap ng Diyos, at nauunawaan mo ang gawain ng Diyos at ang Kanyang disposisyon, magkakamit ka ng maraming kabatiran nang hindi sinasadya, at ang iyong tayog ay unti-unting lalago. Mas mauunawaan mo ang maraming espirituwal na bagay, at mas malilinawan mo lalo na ang gawain ng Diyos. Tatanggapin mo ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, ang bawat kilos ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya bilang sarili mong buhay. Kung ang tangi mong gagawin ay gumala sa mundo, mas titigas pa ang iyong mga pakpak, at lalo mong lalabanan ang Diyos; paano ka pa makakasangkapan ng Diyos? Dahil napakarami mong "sa tingin ko," hindi ka kinakasangkapan ng Diyos. Kapag mas nasa presensya ka ng Diyos, mas marami kang mararanasan. Kung nabubuhay ka pa rin sa mundo na parang hayop-nagpapahayag ng paniniwala sa Diyos ang iyong bibig ngunit nakatuon sa iba ang iyong puso-at pinag-aaralan mo pa rin ang mga makamundong pilosopiya sa pamumuhay, hindi ba mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng dati mong pinagpaguran? Samakatuwid, kapag ang mga tao ay mas nasa presensya ng Diyos, mas madali silang magagawang perpekto ng Diyos. Ito ang landas kung saan ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain. Kung hindi mo ito nauunawaan, magiging imposible para sa iyo na makapasok sa tamang landas, at hindi na kailangang pag-usapan pa ang magawang perpekto ng Diyos. Hindi ka magkakaroon ng normal na espirituwal na buhay, magiging para kang may kapansanan, at ang tanging tataglayin mo ay ang sarili mong pagsisikap at wala ng anumang gawain ng Diyos. Hindi ba ito isang pagkakamali sa iyong pagdanas? Hindi mo kinakailangang manalangin para mapunta sa presensya ng Diyos; kung minsan ay napupunta ka sa presensya ng Diyos sa pagmumuni-muni mo tungkol sa Diyos o pagninilay sa Kanyang gawain, kung minsan ay sa pagharap mo sa ilang bagay, at kung minsan ay sa pamamagitan ng pagkalantad sa iyo sa isang kaganapan. Sinasabi ng karamihan sa mga tao, "Wala ba ako sa presensya ng Diyos, yamang madalas akong manalangin?" Maraming taong nananalangin nang walang katapusan "sa presensya ng Diyos." Bagama't ang mga panalangin ay palaging nasa kanilang mga labi, hindi sila talaga nabubuhay sa presensya ng Diyos. Ito lamang ang paraan kung saan mapapanatili ng gayong mga tao ang kanilang kalagayan sa presensya ng Diyos; lubos silang walang kakayahang gamitin ang kanilang puso upang makipag-usap sa Diyos sa lahat ng oras, at ni hindi nila magawang lumapit sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng pagdanas, sa pamamagitan man ng pagninilay, tahimik na pagmumuni-muni, o paggamit ng kanilang isipan upang makausap ang Diyos sa kanilang puso, sa pamamagitan ng pag-alaala sa pasanin ng Diyos. Nag-aalay lamang sila ng mga panalangin sa Diyos sa langit sa kanilang bibig. Wala ang Diyos sa puso ng karamihan sa mga tao, at naroon lamang ang Diyos kapag lumalapit sila sa Kanya; kadalasan, ni wala man lang doon ang Diyos. Hindi ba ito pagpapahayag na wala ang Diyos sa puso ng tao? Kung talagang nasa puso nila ang Diyos, magagawa ba nila ang mga bagay na ginagawa ng mga magnanakaw at ng mga hayop? Kung talagang nagpipitagan ang tao sa Diyos, iuugnay nila ang kanilang tapat na puso sa Diyos, at ang kanilang mga saloobin at ideya ay palaging magiging okupado ng mga salita ng Diyos. Hindi sila magkakamali sa pananalita o kilos, at hindi gagawa ng anuman na malinaw na kumakalaban sa Diyos. Gayon ang pamantayan ng pagiging isang mananampalataya.
________________________________
Bakit tayo magiging mahina at negatibo kapag dumating sa atin ang mga pagsubok at pagpipino? Ang pangunahing dahilan ay hindi natin nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa mga huling araw, ang Panginoon ay dumating at nagpapahayag ng mga bagong salita, malinaw na sinasabi sa atin kung bakit sinubukan tayo ng Diyos at kung ano ang pagdurusa kahulugan. I-click upang basahin ito ngayon.
Inirerekomenda: Ang Kahulugan ng Pagdurusa at Kung Anong Uri ng Pagdurusa ang Kailangang Danasin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Sumnod: Pakinggan! Sino Itong Nagsasalita?
Sinundan: Kung "kaharian ng langit," ibig sabihin nasa langit 'yon. Pa'no 'yon napunta sa lupa?
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.