Ang Panginoon ay Darating nang Lihim Upang Gumawa ng Grupo ng mga Mananagumpay Bago ang Sakuna
Sabi ng Diyos: "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12- 13).
"Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw" (Juan 12:48).
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay." "Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay."
Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao at na natatago sa gitna ng mga tao sa mga huling araw, ayon sa mga aktwal na pangangailangan ng tao, ipinahayag ng Diyos ang katotohanan at isinasagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Tinubos tayo ng Panginoong Jesus at pinatawad sa ating mga kasalanan, ngunit ang ating mga satanikong kalikasan tulad ng pagmamataas, panlilinlang, pagkamakasarili, at kabangisan ay hindi pa lubusang nalulutas, at tayo ay nabubuhay pa rin sa estado ng paggawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay mangungumpisal ng ating mga kasalanan, kaya't ipinropesiya ng Panginoon na darating Siya upang hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw. Ang mga tumatanggap ng paghatol ng salita ng Diyos at sa gayon ay nadalisay ay ang mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang sakuna.
Alam ba Ninyo ang mga Pangako at Pagpapala ng Diyos sa mga Mananagumpay?
________________________________
Paano eksaktong isinasagawa ang huling paghuhukom? Gusto mo bang malaman? Napakahalaga para sa atin na malaman ang aspetong ito ng katotohanan, sapagkat ito ay nauugnay sa kung ang bawat isa sa atin ay maaaring makapasok sa kaharian ng langit.
Lihim nang dumating ang Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay. Pagkatapos, magpapakita ang Diyos nang hayagan at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Nais mo bang salubungin ang Panginoon at maligtas ng Diyos bago sumapit ang matitinding kalamidad? Huwag mag-atubiling kontakin kami ngayon para malaman ang paraan.