Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon ay Lumitaw Na, ngunit Bakit Hindi Mo Pa Nasalubong ang Panginoon?

08.11.2020

Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ng Panginoon ay Lumitaw Na, ngunit Bakit Hindi Mo Pa Nasalubong ang Panginoon?

Ngayon, ang mga kalamidad ay nangyayari sa buong mundo, tulad ng malakas na ulan, pagbaha, taggutom, at iba pa. Maraming tao ang nakadama na ito ay palatandaan ng pagbabalik ng Panginoon at na dapat bumalik na ang Panginoon. Kaya't bakit hindi pa natin nasalubong ang Panginoon? Sa katunayan, ang pangunahing dahilan ay nakatuon lamang tayo sa panonood sa kalangitan na naghihintay na dumating ang Panginoon kasama ng mga ulap, ngunit nakaligtaan na makinig sa tinig ng Diyos upang masalubong ang Panginoon. Maaaring sabihin mo, "Mayroon bang batayan sa Biblia para dito?" Oo meron. Ito ay naipropesiya sa Pahayag: "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).

Mula sa talatang ito makikita natin na ang mga nakikinig lamang sa tinig ng Diyos ay ang maaaring makasalubong sa Panginoon. Ngayon, parami nang parami ang mga tao na nagpapatotoo sa online na ang Panginoon ay bumalik na at nagpapahayag ng mga salita at gumagawa ng isang bagong gawain. Dapat nating hanapin at siyasatin ito, at pakinggan ang mga salitang ito upang malaman kung ang mga ito ang katotohanan at tinig ng Diyos. Kung makikilala natin ang mga ito bilang tinig ng Diyos, matutukoy natin na ang Panginoon ay bumalik na, at pagkatapos ay tanggapin at sundin Siya. Nangangahulugan ito na sinasalubong na natin ang Panginoon. Sa puntong ito, nahanap mo na ba ang paraan upang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon?

________________________________

Mas nagiging malala ang mga sakuna, na siyang mga palatandaan ng mga huling araw. Sa ganitong mga araw na madalas na nangyayari ang mga sakuna, paano natin dapat salubungin ang pagbabalik ng Panginoon?

Inirerekomenda: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa? 


Minamahal kong mga kapatid! Kung nais mo na mas malaman pa, ikaw ay malaya na mag-iwan ng komento sa ibaba o kontakin kami sa Messenger.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar