Pagbubunyag ng mga Lihim "Nguni't Tungkol sa Araw at Oras na Yaon Walang Makakaalam" na Sinabi ng Panginoong Jesus

12.10.2020

Ngayon, may mga tao sa online na nagpapatotoo na ang Panginoon ay nakabalik na bilang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos at ipinahayag Niya ang katotohanan at nagsimula ng bagong gawain. Gayunpaman, pagkarinig sa balitang ito, maraming mga mananampalataya, ang nakabatay sa talata, "Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang" (Mateo 24:36). iniisip na kung ang Panginoon ay bumalik na, walang makakaalam, kaya hindi sila naniniwala na ang Panginoon ay bumalik na. Ang pag-unawa bang ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Pag-isipan ito: Darating ang Panginoon upang iligtas ang sangkatauhan, kung walang nakakaalam matapos Siyang bumalik, kung gayon paano natin Siya masusundan at maniwala sa Kanya? Paano maisasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Kung lagi nating panghahawakan ang pahayag na ito, hindi ba nangangahulugan ito na hindi natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon? Kaya ano mismo ang ibig sabihin ng talatang ito?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa katawang-tao. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming tao, wala ni isang nakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa."

Mula sa mga salitang ito, makikita natin na "Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam" ay talagang tumutukoy sa katotohanan na walang nakakaalam ng sandaling pagdating ni Cristo, ngunit tiyak na ipapaalam ng Diyos sa mga tao matapos na bumalik Siya at magsimulang gumawa. Ito ay dahil ang layunin ng pagdating ng Diyos na nagkatawang tao sa lupa ay upang iligtas ang mga tao, kaya't kung walang makakaalam sa Kanyang pagdating, paano makakamit ng mga tao ang Kanyang kaligtasan? Pagdating sa Kanyang pagbabalik, Sinabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). At ito ay iprinopesiya sa Biblia, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).

Mula sa 2 talatang ito, makikita dito na malalaman ng mga tao kapag nagbalik ang Panginoon. Ito ay dahil sa Kanyang pagbabalik, Siya ay bibigkas ng mga salita at kakatok sa ating mga pintuan upang hilingin sa atin na salubungin Siya, at pagkatapos Siya ay sasalo sa mga yaong nakarinig ng Kanyang tinig at binuksan ang kanilang mga pinto. Samakatuwid, ito ay talagang maling isipin "Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam" sa Mateo 24:36 ay nangangahulugang walang nakakaalam matapos bumalik ng Panginoon. Sa puntong ito, ano ang iyong kasalukuyang pag-unawa sa talatang ito? 

________________________________

Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, "ako'y madaling pumaparito" Ngayon ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay lumitaw na, kaya nagbalik na ang Panginoon. Kung gayon paano natin sasalubungin ang Panginoon? Mangyaring i-click ang link at makikita mo ang paraan ng pagsasanay.

Inirerekomenda: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon


Malaya kang magbahagi ng iyong pag-unawa at damdamin sa amin sa pamamagitan ng Messenger. Kami ay online 24 oras upang makipag-usap sa inyo.

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar