Sa Pagsalubong sa Panginoon Hindi tayo Maaaring Umasa sa Kung Ano ang Nakikita ng Ating mga Mata

24.08.2020

Ang tanging paraan sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung gayon ano ang mga kahihinatnan ng pag-asa sa kung ano ang ating nakikita sa pagsalubong sa Panginoon? Balikan natin ang mga araw nang ang Panginoong Jesus ay ginawa ang Kanyang gawain, ang mga Pariseo ay tanging nakita lamang na ang Panginoong Jesus ay isang ordinaryo at normal sa panlabas na katangian, kaya hindi sila nakatuon sa pakikinig sa kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, at hindi nila nakilala na ang mga salita ng Panginoon ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Kinondena din nila ang Panginoong Jesus nang may paglapastangan. Kaya, hindi lamang na hindi nila nasalubong ang Diyos ngunit sila yaong mga humatol at lumaban sa Diyos, at sa katapusan ay pinarusahan at inabandona ng Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao. Ang substansya ay hindi nalalaman sa panlabas na kaanyuan; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maaaring umayon sa mga pagkaintindi ng tao. Hindi ba't ang panlabas na kaanyuan ni Jesus ay salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba't ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba't ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Fariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagka't tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas?" Sa mga huling araw, kapag sinalubong natin ang Panginoon na umaasa lamang sa kung ano ang nakikita ng ating mga mata ngunit hindi nagbibigay pansin sa tinig ng Diyos, kung gayon parang inuulit lang natin ang pagkakamali ng mga Pariseo. Kung kaya, hindi lamang natin na hindi masasalubong ang Panginoon, ngunit tayo rin ay aabandonahin at tatanggalin ng Panginoon. Ngayon ang Panginoon ay nakabalik na bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Alam mo ba kung paano makikilala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus?


________________________________

Nalilito ka ba: Ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo ay lumitaw na, ngunit bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Ang sagot ay nasa sumusunod na artikulo.

Inirerekomenda: Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon 

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar