Ang Panginoon ay Bumalik na, Ngunit Bakit Hindi Ninyo Siya Nasalubong?

Ngayon ang mga kalamidad ay lumalaki at lumalawak ang kinasasaklawan. Bagaman alam mo na tinutupad nito ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon at sa palagay mo ay maaaring bumalik na ang Panginoon, subalit nang makita mo ang maraming tao na nagpapatotoo sa online na ang Panginoon ay bumalik na bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, at na ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanan upang mailigtas ang mga tao at gumagawa ng bagong gawain, hindi mo ito pinaniwalaan. Iniisip mo na ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at imposible para sa alinman sa mga salita at gawain ng Diyos na makita sa labas ng Biblia. Nililimitahan mo ang gawain at mga salita ng Diyos sa Biblia nang hindi naghahanap at nagsisiyasat. Kaya paano mo masasalubong ang Panginoon? Isiping muli ang panahon na kinondena ng mga Fariseo ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus na lumalabas mula sa mga banal na kasulatan at ipinako nila Siya sa krus at ginalit ang disposisyon ng Diyos, sa huli ay nahulog sa parusa ng Diyos at naiwala ang kaligtasan ng Diyos.
Kung nililimitahan natin sa Biblia ang mga salita at gawain sa mga huling araw ng nagbalik na Panginoon, hindi ba tayo nasa isang malaking panganib na ulitin ang parehong pagkakamali ng mga Fariseo nang nilabanan nila ang Panginoong Jesus? Kaya anong pag-uugali ang dapat nating taglayin tungo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, upang maiwasan natin ang pagsunod sa mga yapak ng mga Fariseo at masalubong ang Panginoon sa lalong madaling panahon? Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay naghahayag ng misteryo tungkol sa isyung ito.
________________________________
Inaasam nating lahat na masalubong ang Panginoon at dumalo sa piging ng Kordero. Gayunpaman, paano natin sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo? Mangyaring i-click ang link upang mahanap ang sagot.
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo