Nakakagulat: Ang Panginoon ay Nagpakita sa Silangan ng Mundo - Tsina, sa mga Huling Araw
Itinala ng Bibliya: "At ang kaniyang mga paa ay magsisitayo sa araw na yaon sa bundok ng mga Olivo, na nasa tapat ng Jerusalem sa dakong silanganan" (Zacarias 14:4). Maraming tao ang naniniwala na sa mga huling araw ay darating ang Panginoon sa Bundok ng Olibo sa Judea at bababa sa gitna ng mga Israelita. Gayunpaman, ang Panginoon ay bumalik na sa mga huling araw at bumaba sa silangan ng mundo - Tsina. Maraming tao ang hindi maunawaan kung bakit nagpakita ang Diyos at gumawa sa ateistang bansa na siyang pinakamasama at pinaka-tumututol sa Diyos. Sa katunayan ang gawain ng Diyos ay naglalaman ng Kanyang dakilang karunungan at kaligtasan.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba't ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinakalubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Hindi ito nangangahulugan na ang ibang mga bansa ay walang anumang mga suliranin; ang mga pagkaintindi ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama't ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon tiyak na kinakalaban nila Siya. Bakit sinalungat at kinalaban din ng mga Judio ang Diyos? Bakit kinalaban din Siya ng mga Fariseo? Bakit pinagtaksilan ni Judas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling nabuhay, ay hindi pa rin naniwala sa Kanya ang mga tao? Hindi ba pare-pareho lamang ang pagkamasuwayin ng tao? Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang halimbawa, at kapag sila ay nilupig, sila ay magiging isang modelo at halimbawa at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba't ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamakatuwiran, pagtutol, at ang pagiging-mapanghimagsik. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan-ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang katayuan, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusuri sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kung maisasakatuparan ang hakbang ng gawain na ito, kung gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang hakbang ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay darating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran."
________________________________
Tayo ngayon ay nasa mga huling araw. Maraming mga tapat na mananampalataya ang lahat ay nagnanais ng ikalawang pagparito ni Jesucristo at pag-rapture sa kanila sa kaharian ng langit. Kaya, sa anong paraan bababa si Kristo?
Inirerekomenda: Ikalawang Pagparito ni Jesucristo