Nahanap Ko ang Paraan Upang Maging Malaya sa Sakit ng Espirituwal na Kahungkagan
Ni Xiaohe, Singapore
"Tamasahin ang buhay habang nagagawa mo, sapagkat sino ang nakakaalam kung ano ang maaaring dala ng bukas?" Sa lipunan ng panahon ngayong, maraming mga tao ang naniniwala na ang buhay ay nandiyan upang tamasahin. Hindi nila maiwasang magpakasawa sa paninigarilyo, pag-inom, pagsusugal at pagpunta sa mga karaoke bar at iba pa, ngunit ang hindi maikakaila ay, kahit na ang laman ay maaaring makaramdam ng kasiyahan at kaluguran sa oras na iyon, ang espiritu ay nakadarama ng kahungkagan at nasasaktan. Maaari bang ang kahulugan ng buhay ay ang pagkain, pag-inom at pagsasaya? Paano natin dapat palayain ang ating mga sarili mula sa hungkag at nabubulok na buhay at mahanap ang isang tunay na buhay? Masyado akong nawala at naguguluhan dati, ngunit natagpuan ko na ngayon ang sagot.
_________________________________________________________
Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
_________________________________________________________
Ang Aking Buhay na "Tamasahin ang Buhay Habang Nagagawa Ko"
Naaalala ko na ang parehong mga magulang ko ay talagang nasisiyahan sa paglalaro ng mga baraha at paglalaro ng mahjong, at madalas silang maglaro buong gabi. Madalas din nilang sabihin, "Tamasahin ang buhay habang nagagawa mo, sapagkat sinong nakakaalam kung ano ang maaaring dala ng bukas?" Talagang sumasang-ayon ako sa kasabihang ito, iniisip ko na maaari din nating masisiyahan ang ating sarili sa buhay na, pagkatapos ng lahat, ay ilang taon na lamang! At sa gayon, ang paninigarilyo, pag-inom, paglalaro ng mga baraha at paglalaro ng mahjong ay umubos ng halos lahat ng aking oras.
Nagpatuloy ako sa ganitong gawi matapos akong magpakasal. Ang aking asawa ay sobrang gumon sa mga kard, katulad ko. Madalas siyang maglaro sa araw, na kung saan ako naman ay madalas maglaro sa buong gabi at pagkatapos ay umuuwi ako ng madaling araw upang matulog, tanging upang simulan muli ang parehong ikot sa susunod na hapon. Kami ay may isang anak, ngunit hindi ko pa rin mapigilan. Masyado kaunting oras ang ginugugol ko sa aking anak, at kung minsan ay pakiramdam kong may utang ako sa kanya, pakiramdam na parang hindi ako nag-aalaga sa kanya o gumugol ng sapat na oras sa kanya. Dahil masyado akong naadik sa sugal, gayunpaman, hindi ko pinansin ang nararamdaman ng aking anak. Bukod sa trabaho, ginugol ko ang lahat ng aking oras sa aking mga kaibigan, kumakain, umiinom, at nagsasaya. Minsan ay magtataka ako kung ang buhay na ito ba ay talagang may kabutihan, ngunit nakikita na ang lahat sa paligid ko ay nabubuhay sa parehong paraan, mahinahon ko na lamang na ipinagpatuloy ang kasiyahan.
Noong 2012, ako at ang isang kamag-anak ko ay nagpunta sa ibang bansa upang magtrabaho nang anim na buwan, at nang bumalik ako sa Tsina, natuklasan ko na ang aking asawa ay nagsimulang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, at hindi na siya naglalaro ng mga kard. Sa pagka-inis, sinabi ko sa kanya, "Hindi ba't namumuhay na tayo sa isang mabuting buhay? Kumakain tayo ng gusto natin, umiinom tayo ng gusto natin, naglalaro tayo ng mahjong buong araw, masaya tayo at malaya, at nagkakapera tayo habang giinagawa ito. Ito'y napakasaya! Ano ang gusto mong puntahan at naniniwala sa Diyos?" Ang aking asawa ay nanatiling hindi natinag at patuloy na naniniwala sa Diyos. Kinausap din niya ako tungkol sa mga bagay na may pananalig sa Diyos, ngunit hindi ako nakinig, at naisip ko sa aking sarili: "Maniwala ka sa Diyos at gagampanan ko ang aking mga laro. Hangga't inaalagaan mo ang ating tahanan at ang ating anak at ang iyong paniniwala ay hindi makagagambala sa aking kasayahan, gayon ayos lang ito."
Mahirap Itago ang Kahungkagan sa Aking Espiritu
At sa gayon, nagpatuloy ako sa paglalaro ng mga baraha, pagpunta sa mga karaoke bar at mga massage parlors at iba pa, tulad ng dating gawi ko. Minsan ay nalalasing ako at madalas na hindi ako makauwi. Maaga ng isang umaga, natapos ko ang laro ng baraha at umuwi, nararamdaman ang kasiyahan at binibilang ang isang bugkos ng daang-yuan na pera. Hindi ko namalayan na nanalo ako ng sobra. Nakaramdam ng kasiyahan sa aking sarili, inilagay ko ang pera at nahiga sa kama upang makatulog, ngunit sa halip ay nagpabalik-baliktad ako at bumabalikwas at nahihirapan akong matulog. Ito ay kalaliman ng gabi at lahat ay tahimik. Habang nakikinig ako sa kimpal ng orasan at nakita ang maayos kong natutulog na asawa, hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa aking buhay ng pagkain, pag-inom at pagpapalugod: Kahit na ang aking mga pagnanasa ay nasiyahan at lagi kong tinatamasa ito at nakadama ako ng lubhang napakasaya sa oras na iyon, matapos ay palagi akong makakaramdam ng pagtamlay at kahungkagan sa aking diwa.
Sa partikular, ng maglaon, dahil sa maraming taon na akong gumugol ng paglalaro sa buong magdamag at ang aking buhay ay walang regular na sinusunod, nagkasakit ako ng isang sakit sa tiyan at nagka-insomia. Madalas akong hindi makatulog sa gabi, at naranasan ko ang aking punan ng mapait na paghihirap sa hindi pagkakatulog. Minsan, iniisip ko kung paano ko ngayon nakuha ang lahat ng hinahangad ko sa buhay, at nagtataka kung bakit ang mga bagay na ito ay hindi nagdala sa akin ng anumang kaligayahan at kagalakan, ngunit sa kabaligtaran ay pinapadama sa akin ang higit na kahungkagan, na may isip na puno ng pag-aalala at sakit. Naisip ko kung paanong ang aking asawa ay katulad sa akin, ngunit mula pa noong nagsimula siyang maniwala sa Diyos, hindi na siya naglalaro ng mga baraha o mahjong. Madalas siyang nagbabasa ng mga salita ng Diyos at dumadalo sa mga pulong sa simbahan, at sa kanyang lakas at hitsura, siya ay tulad ng isang bagong-bagong tao mula sa kung ano siya noon. Ang kanyang katauhan at ang buhay na kanyang ipinamumuhay ay mas gumaganda sa lahat ng oras, palaging ginagawa niya ang mga bagay sa maayos na paraan, nanalangin siya sa Diyos sa anumang mga isyu na lumilitaw, at ang kanyang buhay ay umunlad. Minsan naiinggit ako sa aking asawa, at iniisip: "Dapat ba akong sumali sa aking asawa sa paniniwala sa Diyos?"
Ngunit sa pagbalik sa totoong buhay, hindi ko maiwasang maimpluwensyahan ng mga tao sa aking paligid, at wala akong lakas na palayain ang aking sarili mula sa napakaruming buhay. Sa Bagong Taon ng Tsino noong 2017, umuwi ako mula sa pagtatrabaho sa malayo at ang lahat ng aking mga kaibigan ay sinabihan ako na tumbukin ang mga kalye kasama nila sa paghahanap ng mga taong magsusugal, at araw-araw ay nagkukumahog kami sa pabalik-balik sa pagitan ng mga nasabing lugar ng libangan tulad ng mga karaoke bar, mahjong parlors at mga bahay sugalan. Sa oras na iyon, naisip ko pa rin kung gaano ito kasaya, na maaari akong parehong kumita ng pera at magsaya sa parehong oras. Ngunit habang lumilipas ang panahon, nakita ko na ang mga pasugalan ay napuno ng panlilinlang at na ang bawat isa sa kanila ay parang may isang humihila ng mga tali sa kanilang mga likuran. Lubos silang walang prinsipyo sa mga masasamang-balak laban sa mga tao, at marami ang nawalan ng lahat ng kanilang pera at maging ang kanilang mga tahanan, kaya't, sa huli, wala na silang matirhan kahit saan. At sa mga karaoke bar, ang bawat tao, maging siya ay may-ari ng negosyo o isa sa kanyang mga panauhin, ay gustong magsaya sa mga babaing pang-aliw at nagpapakasasa sa kanilang pisikal na mga pagnanasa; ito ay nakakapandiri at marumi, at ganap nilang nawala ang kanilang buong pagkatao at moral. Gugugol ako ng buong araw, kumakain, umiinom, at nagpapakasaya kasama ang aking mga kaibigan at namumuhay sa kalasingan, nakakalangong buhay. Kahit na ang aking pitaka ay punong-puno ng pera at tinatamasa ko ang pisikal na kasiyahan, ngunit hindi pa rin ako nakakaramdam ng kasiyahan o kagalakan. Sa halip, nakakaramdam ako ng sakit at kahungkagan sa aking puso, palaging may pakiramdam na hindi mailarawang takot, at hindi ko talaga narararamdamg ligtas; Nais ko lang talagang mawala ang mga nasabing lugar. Minsan, iniisip ko ang tungkol sa kung paano ko ginugol ang buong araw sa pagkagumon sa ilang mga lugar ng libangan o iba pa, sa ilalim ng impluwensya ng mga nasabing lugar, ako ay namumuhay nang mas malayo sa pagiging tao, mas higit na may taglay na katauhan. Sa paghahambing ng aking pag-uugali sa aking asawa pagkatapos niyang magsimulang maniwala sa Diyos, nais ko na maging katulad niya, at sa gayon ang ideya na sumali sa aking asawa sa kanyang paniniwala sa Diyos ay nag-ugat sa aking isipan.
Ang Ugat na Dahilan ng Aking Pasakit at Kahungkagan
Isang araw, isang kapatid na babae mula sa simbahan ang dumating sa aming tahanan, at sinabi ko sa kanya, "Maaari ba akong sumali sa inyo sa paniniwala sa Diyos?" Sumagot siya, "Siyempre naman, maaari!" Pagkatapos ay iniayos kami ng kapatid na dumalo sa mga pagpupulong sa simbahan. Sa pagbabahagian sa isang pulong, binasa ng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: "Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. ... Ang tao, kung sabagay, ay tao. Ang posisyon at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang sangkatauhan ay hindi lang basta nangangailangan ng isang makatarungang lipunan kung saan lahat ng tao ay kumakain nang sapat at pantay-pantay at malaya, kundi ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila. Kapag natanggap na ng tao ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang panustos ng buhay sa kanila, saka lamang malulutas ang mga pangangailangan, kasabikang tumuklas, at espirituwal na kahungkagan ng tao."
Pagkatapos ay nagbigay ang kapatid ng pagbabahagian, na sinasabi, "Ang mga salita ng Diyos ay naghahayag ng sanhi ng kahungkagan at pasakit ng sangkatauhan. Mula pa nang ang sangkatauhan ay napinsala ni Satanas, wala tayong lugar para sa Diyos sa ating mga puso at lumago tayo ng mas malayo mula sa Diyos. Samakatuwid, ginamit ni Satanas ang lahat ng mga uri ng sikat at mahusay na mga tao upang magbigay ng boses sa mga ideolohiya at pananaw na nanlilinlang sa mga tao, tulad ng ateismo, ebolusyonismo at materyalismo. Sa ilalim ng impluwensya ng mga kamaliang ito, itinatanggi natin ang pagkakaroon ng Diyos at naghahanap lamang ng mga materyal na kasiyahan, namumuhay tayo sa isang hungkag na mundo ng pagkain, pag-inom at pag-sasaya, nagpapakasasa tayo sa paninigarilyo, pag-inom, pagsusugal, at pagpunta sa mga karaoke bar at iba pa, hanggang sa huli nawawalan tayo ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Bagaman mas mahusay ang ating pamantayan sa pamumuhay ngayon, at iba't ibang anyo ng libangan ay umuusbong sa lahat ng oras, ang hindi maikakaila ay, habang tayo ay nakakakuha ng mga kasiyahan sa materyal at kasiyahan sa pisikal, ang ating espiritu ay nakakaramdam ng kahungkagan at nasasaktan, at hindi tayo masaya na nabubuhay o nagagalak. Mayroong ilang mga tao na, pagkatapos nilang magpakasasa sa kanilang sarili nang lubos, nakakaramdam sila ng isang hindi maipaliwanag na kahungkagan sa kanilang diwa. Kaya upang mapunan ang pakiramdam ng kawalang-kasiyahan, patuloy silang naghahanap ng pagpapasigla, ngunit naramdaman nila ang kahungkagan at nag-iisa, nang walang anumang kagalakan sa kanilang buhay. Mayroon ding ilang mga tao na, habang sila ay nakakakuha ng mga kasiyahan sa materyal, ang kahungkagan sa kanilang mga espiritu ay pumipilit sa kanila na maghangad ng higit na kasiyahan sa pisikal, at sa gayon sila ay nagsusugal at gumagamit ng droga. Sa huli, dahil hindi nila matakasan ang sakit at kahungkagan sa kanilang mga espiritu, kanila nalang pinapatay ang kanilang sarili upang wakasan ang kanilang buhay. Maliwanag, samakatuwid, kahit gaano pa hinahangad ng mga tao na masiyahan ang kanilang pisikal na mga hangarin, hindi nila matatakasan ang sakit o punan ang kahungkagan sa kanilang mga espiritu. Ito ay dahil tayong mga tao ay nilikha ng Diyos, at ang Diyos lamang ang makakapuno ng ating mga espirituwal na pangangailangan; kung wala ang Diyos sa ating mga puso, magagawa lamang nating mamuhay na pinipinsala ni Satanas at hindi matatakasan ang ating pasakit. Ngayon, ang Diyos ay naging laman at dumating sa gitna natin. Bilang ilaw ng ating mga pangangailangan bilang tiwaling sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang gawain ng paghatol at pagdadalisay upang mailigtas tayo ng muli at higit sa lahat mula sa espirituwal na pasakit at kahungkagan. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa harap ng Diyos, ang pagtanggap ng pagkakaloob ng mga salita ng Diyos at pamumuhay sa mga salita ng Diyos ay madarama ng ating espiritu ang kapayapaan at kaalwanan. Kung gayon, ang problema ng espirituwal na kahungkagan ay natural na malulutas."
Ang kapwa mga salita ng Diyos at ang pakikipagbahagian ng kapatid ay tumimo sa aking puso. Sa loob ng maraming taon, nabubuhay ako sa pagkain, pag-inom at pagsasaya, at kahit na ang aking mga materyal na hangarin ay nasisiyahan, gayunpaman ang aking espiritu ay nakakaramdam ng kahungkagan at hindi ako nakakahanap ng paraan upang malutas ito. Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay nagpahayag ng ugat ng aking problema: Itong lahat ay dahil sa tayo mga tao ay napinsala ni Satanas. Dahil nalayo tayo sa Diyos, natural na tayo ay nabubuhay sa isang buhay na may kahungkagan at pasakit. "Dapat akong lumapit sa harap ng Diyos," naisip ko sa aking sarili, "at dapat kong tanggapin ang suplay ng buhay ng Diyos para sa akin, higit pang basahin ang mga salita ng Diyos at maunawaan ang katotohanan, dahil sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ay maialis ko ang sarili ko sa kakila-kilabot na pag-aalala na dulot ng ganitong kahungkagan."
Bakit Tayo Nagpapakasasa sa Pagkain, Pag-inom at Pagsasaya
Sa isang pulong ng simbahan, binasa ng kapatid ang dalawang mga sipi ng mga salita ng Diyos sa akin: "Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa 'mga instituto ng dalubhasaan.' Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian-lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya. Ang disposisyon ng tao ay lalong nagiging mas mabangis sa bawat araw, at wala ni isa mang tao ang magkukusa na talikdan ang anuman para sa Diyos, kahit isang tao na kusang susunod sa Diyos, ni, higit pa rito, isang tao na magkukusang maghanap sa pagpapakita ng Diyos. Sa halip, sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang tao ay walang ginawa kundi magpatuloy sa pagpapakasaya, ibinibigay ang sarili sa katiwalain ng laman sa pusali." "Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa pagtitiwali nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila'y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawat pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawat paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana."
Ang kapatid ay nagbigay ng pagbabahagi, na nagsasabing, "Ang mga salita ng Diyos ay nagbubunyag ng ugat na dahilan kung bakit napakaraming tao ang namumuhay sa isang masasamang buhay ng pagkain, pag-inom at pagsasaya, at ito ay dahil sa ang mga panlipunang kalakaran na binigay ni Satanas at ang mga satanikong ideya at mga panuntunan na ipinapasok nito sa atin, tulad ng, 'Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,' 'Maigsi ang buhay. Magpakasaya habang kaya.' 'Magpakasarap sa buhay hanggang kaya mo, sapagkat sino ang may alam kung ano ang mangyayari bukas,' at 'Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain at pananamit.' Sa ilalim ng impluwensya ng mga maling pananaw na ito, ang ating mga ideya at pananaw ay nagiging mas bulok at mas sumasama. Naniniwala tayo na, dahil ang mga tao ay nabubuhay sa mundong ito ng ilang dekada lamang, samakatuwid dapat nating pahintulutan ang ating mga sarili na kumain nang maayos, magbihis ng mabuti at magsaya sa bawat sandali, at iyon ang pinakamahusay na buhay na maaari nating ipamuhay. Isinasaalang-alang natin ang lubhang kasakiman para sa ating laman bilang tamang pagpursige sa buhay, at sa gayon nagsisimula tayong mag-focus sa pagkain, pag-inom, at pagpapakasaya. Ang ating buhay matapos ay lumala nang higit pa, at humantong tayo sa paghila palalim ng palalim sa isang buhawi ng kasalanan. Sa lipunan ngayon sa partikular, mayroon ng lahat ng paraan ng mga lugar para sa libangan, mga lugar na kantahan, mga lugar na sayawan, mga bar, at iba pa, na nagbibigay sa mga tao ng mga lugar upang mapadali ang pagtatamasa ng kanilang laman. Dahil wala tayong katotohanan at hindi masasabi ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, naniniwala tayo na ang pagpunta sa mga karaoke bar, pag-inom sa mga bar, at mga massage parlors, at paglalaro ng mga baraha, at iba pa, lahat ay normal. Maraming mga tao ang nasisiyahan at nakatagpo ng kasiyahan sa ganitong uri ng paglalasing, nakalalango na buhay, ngunit hindi nila nakikita nang malinaw na sa likod nito lahat ay namamalagi ang mga tusong pamamaraan ni Satanas at ang pagnanais nitong pinsalain ang mga tao. Halimbawa, dahil ang ilang mga tao ay hindi mapaglabanan ang tukso sa mga lugar na ito ng libangan, nakikibahagi sila sa mga gawain ng pangangalunya, at ang kanilang mga pamilya ay nawawasak at nagkawatak-watak sa huli; dahil ang ilang mga tao ay kumakain at umiinom nang walang pagpigil at nagpapakasawa sa kanilang laman, sa huli ay ginagawan nila ang kanilang sarili ng lahat ng uri ng sakit at kalungkutan/or pasakit; dahil ang ilang mga tao ay nahuhumaling sa sugal, sa huli inuubos nila ang lahat ng kanilang mga pera at pinapahamak ang kanilang pamilya; at pagkatapos ay may ilang mga tao na, dahil ginugol nila ang kanilang buong buhay sa pagkain, pag-inom at paggawa ng kasiyahan lamang, at walang ideya sa kung ano ang tama, nagtatapos sila sa pagkawala ng kanilang mga karera at kanilang pamilya, at nabubuhay sila bilang isang bagay na hindi tao o multo. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng epekto ng ganitong uri ng buhay sa mga tao. Samakatuwid maliwanag na ang masasamang mga uso ni Satanas ay humihikayat sa atin nang paunti-unti sa paglalakad sa landas na iyon na walang pagkaalis sa kasalanan, pagkabulok, at maging nang kamatayan. Hindi ito ang tamang landas upang lakaran."
Habang nakikinig ako sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ng kapatid, naunawaan ko na ang ganitong mga kasabihan na "Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya," at "Magpakasarap sa buhay hanggang kaya mo, sapagkat sino ang may alam kung ano ang mangyayari bukas," ay lahat mga maling pananaw sa buhay na nagmumula kay Satanas. Sapagkat ako ay lubhang naimpluwensyahan ng masasamang uso, nilalayon ko lamang na masiyahan ang aking pisikal na hangarin at mamuhay ng kasiyahan, pag-inom, pagsusugal, pagpunta mula sa isang lugar ng libangan patungo sa isa pa, pamumuhay ng pagpapakalasing, pagpapakalango sa buhay, nang walang oras na maigugol kahit sa aking asawa o sa aking anak. Ang resulta ng lahat ng ito ay walang iba kundi pasakit, at hindi lamang ako nagkaroon ng sakit sa tiyan at insomia, ngunit ang aking diwa ay nakadama kawalang-suporta at kahungkagan. Ngayon ko lang naiintindihan na ang lahat ng sakit na ito ay sanhi ng masasamang mga uso ni Satanas, at hindi ko na nais na mamuhay ng ganoon kabulok na buhay.
Ipinakita sa akin ng kapatid ang ilang nasusulat na mga artikulo at video tungkol sa kung paano ang ilang mga kapatid ay namumuhay nang kahungkagan,sumasama na buhay noon, at tungkol sa kung paano sila lumapit sa harap ng Diyos at natanggap ang Kanyang kaligtasan, at naging inspirasyon ko ang mga ito. Nakikita kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos na isiniwalat ang tiwaling estado ng sangkatauhan at ang kasalukuyang kalagayan ng buhay ng sangkatauhan, ang aking puso ay nakadama na puno ng liwanag, at naramdaman kong maganyak at desidido na makatakas sa kasalukuyang kalagayan na ito at hindi na mamuhay ng isang bulok na buhay ng pagkain, pag-inom at kasiyahan.
Pag-alis sa Aking Sarili sa Masamang Buhay
Isang araw, tinawag ako ng isang kaibigan at hiniling na sumama ako sa kanya, ngunit gumawa ako ng dahilan at sinabi kong abala ako. Matapos gumawa ng mga dahilan tulad nito nang maraming beses, unti-unting naihiwalay ko ang aking sarili sa aking lupon ng mga kaibigan at lumayo sa dating buhay ng pagkain, pag-inom, pagsasaya at pagsusugal. Minsan, gayunpaman, hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumabas, ngunit sa tuwing pumupunta ako sa ganoong klaseng libangan, hindi ako komportable, at hindi man lang ako makainom ng alkohol. Sa sandaling magsimula akong uminom ng anuman, nakaramdam ako ng pagkabalisa at nais na sumuka. Noon lang, napagtanto ko na ang Diyos ay nagsisikap na pigilan ako sa pag-inom. At gayon, lumapit ako sa Diyos at nanalangin: "O Diyos! Alam ko na ang pag-uugali sa ganitong paraan ay magkakasalungat sa iyong kalooban, ngunit hindi ako makaalis sa paglapit sa mga lugar na ito. Mangyaring tulungan Mo ako na maialis ang sarili ko sa sitwasyong ito."
Nang maglaon, binasa ko ang mga salita ng Diyos, "Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at pagkilos ng mga tao, ang kanilang bawat kilos at galaw, at ang kanilang bawat kaisipan at ideya upang makamtan ng mga tao ang panloob na kamalayan sa mga bagay na ito. Minsan mong ginagawa ang isang bagay at nauuwi ito sa di-maayos, muli mong ginagawa at nauuwi pa rin sa di-maayos, at unti-unti mong maiintindihan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming beses ng pagdidisiplina, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa katapusan, magkakaroon ka ng wastong mga pagtugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa loob mo." Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang kaunti tungkol sa mga paraan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng isang bagay na salungat sa kalooban ng Diyos, gumagamit ang Diyos ng ilang mga tao, mga kaganapan o mga bagay upang ipaalala sa atin at maging sa pagdidisiplina sa atin, upang maunawaan natin ang kalooban ng Diyos at magawang magsisi at sundin ang tamang landas. Bagaman nais kong maiwaksi ang aking nakaraang masamang buhay, maraming beses na hindi ko nagagapi ang tukso at hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na pumunta sa mga lugar na iyon. Kaya't ginamit ng Diyos ang pagkabalisa na nararamdaman ko upang pigilan ako sa bawat oras, upang gabayan ako na maiwaksi ang pinsala ni Satanas, at tulungan akong makalaya sa madilim at mabulok na buhay-ito ang Diyos na nagpapakita sa akin ng Kanyang pagmamahal.
Nang naintindihan ko ang kalooban ng Diyos, hindi ko na nais na magloko kasama ang aking mga kaibigan-sa-kasiyahan, at kaya iniwan ko ang mga lugar na ito ng libangan at nakahanap ako ng bagong trabaho. Pagkatapos ng trabaho, uuwi ako at gumugugol ng oras sa aking anak, nakikinig sa mga sermon, at nanonood ng mga video, dula at pelikula na ginawa ng simbahan. Habang dumadaan ang panahon, nagkaroon ng isang regular na pamantayan ang aking buhay, mas mabuti ang aking kalusugan, at naramdaman ko ang kapayapaan at katiwasayan. Matapos ang isang panahon ng pagsisiyasat, natitiyak kong lubos na ang mga salita lamang ng Makapangyarihang Diyos ang maaaring magbago ng ating mga tiwaling disposisyon at payagan tayong mamuhay ng may isang pagkakatulad ng tao, at napagpasyahan kong nais kong ituloy ang pagbabago ng disposisyon at maging isang tunay na tao.
Matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, naisip ko kung paano ako maaaring usigin sa Tsina ng pamahalaan ng CCP at tungkol sa kung paano walang kalayaan ang relihiyon doon, at kaya pinag-usapan namin ng aking asawa na magtrabaho sa ibang bansa. Nang makarating kami sa Singapore, regular akong nakikibahagi sa buhay ng simbahan, at sa aking bakanteng oras nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos at nanonood ng lahat ng mga uri ng mga programa na ginawa ng simbahan, at nadama kong ang mga programang ito ay lubos na nakakatulong at kapaki-pakinabang sa aking buhay. Kasabay nito, isinagawa ko ang aking tungkulin sa simbahan sa abot ng aking makakaya.
Buod:
Itinuro sa akin ng aking mga karanasan na ang tunay na kahulugan ng buhay ay walang kinalaman sa kung magkano ang materyal na kayamanan ng isang tao, mas higit na may kinalaman sa pagkain, pag-inom at pagsasaya upang pasiyahan ang laman ng isang tao. Sa halip, nakakamit natin ang katotohanan mula sa mga salita ng Diyos at nabubuhay upang gawin ang kalooban ng Diyos, at ito lamang ang isang karapat-dapat, makabuluhang buhay. Lalo na, nang makita ko ang maraming mga kapatid sa simbahan na hindi pinupursige ang buhay ng pagkain, pag-inom at pagsasaya tulad ng mga tao sa lipunan, ngunit sa halip ay matatag na pinupursige ang katotohanan, ginagawa ang kanilang mga tungkulin, nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos at pamumuhay ng may pagtaas ng buhay espirituwal na pagpapalaya, naramdaman ko ang lubusang pagka-antig. Napagtanto ko rin na kung ano ang dapat kong gawin higit sa lahat ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa katotohanan sa mga salita ng Diyos, pagbuo ng aking pag-kilatis, mamaalam sa maling pananaw sa buhay ng pagkain, pag-inom at pagsasaya na aking pinanghahawakan sa nakaraan, sinusunod ang katotohanan, ipinamumuhay ang isang tunay na pagkatao ng tao, at gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha upang masiyahan ang Diyos.
Ngayon, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, ang kahugkangan na dating mayroon ako ay nawala, at sa aking puso naramdaman ko ang kalayaan at pagpapakawala na hindi ko naramdaman dati! Mula sa kaibuturan ng aking puso, alam kong ito ang tanging buhay na may kabuluhang hangarin, at ito lamang ang tunay na buhay para sa isang tao. Na nagawa kong magbago tulad ng mayroon ako ngayon ay ganap na dahil sa biyaya ng Diyos! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!