Ginabayan Ako ng Makapangyarihang Diyos sa Landas ng Pagkamit ng Paglilinis
Ni Gangqiang, USA
Noong 2007, dahil sa maraming kagipitan sa buhay ko, pumunta ako sa Singapore nang mag-isa para maghanap-buhay. Buong taon, napakainit ng klima sa Singapore, kaya araw-araw tumatagaktak ang pawis ko kapag nagtratrabaho. Napakahirap nito kaya nagdusa ako sa hindi mabigkas na paraan, at bukod pa riyan di-pamilyar na buhay iyon na walang sinumang kamag-anak o kaibigan, kaya inakala kong kabagot-bagot at nakapapagod ito. Isang araw ng Agosto, nakatanggap ako ng polyeto ng ebanghelyo habang pauwi sa bahay galing sa trabaho na nagsasaad: "At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo" (1 Pedro 5:10). Ang pagkakita sa mga salitang ito ay nagbigay sa akin ng mainit na pakiramdam sa aking puso. Pagkaraan isang kapatid na lalaki ang nagdala sa akin sa iglesia, at malugod akong pinatuloy ng mga kapatid at hinainan ng masarap na pagkain. Nagtrabaho ako sa kalakhang bahagi ng taon mula nang umalis sa tahanan, at ang init ng pamilya at masarap na pagkaing lutong-bahay ay mga bagay na hindi ko na naranasan sa mahabang panahon. Dahil malungkot ako at walang mapuntahan, dagling bumalong sa mga mata ko ang mainit na luha, at sa pagkakataong iyon nagkaroon ako ng pakiramdam na nakabalik ako sa aking tahanan. Mula noon, ang iglesia ay isang lugar na kailangan kong puntahan tuwing Linggo.
Bininyagan ako nang Disyembre, at pormal na pumasok sa landas ng paniniwala sa Panginoon at pagkumpisal at pagsisi sa aking mga kasalanan. Minsan, sa iglesia, narinig ko ang nangangaral na nagbabasa mula sa kapitulo 18, bersikulo 21-22 ng Mateo: "Nang magkagayo'y lumapit si Pedro at sinabi sa kaniya, Panginoon, makailang magkakasala ang aking kapatid laban sa akin na siya'y aking patatawarin? hanggang sa makapito? Sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito." Pagkatapos kong marinig ito, naisip ko: "Paanong gayon kalawak ang pagpapatawad at tiyaga ng Panginoong Jesus? Ang pagpapatawad niya sa mga tao ay makapitongpung pito. Kapag tunay na nakamit ng mga tao ang ganito, magkakaroon kung gayon ng pag-ibig at init sa mga tao!" Sobrang naantig ang puso ko, at determinadong kikilos alinsunod sa mga aral ng Panginoon.
Sa tatlong taon mula nang magsimula akong maniwala sa Panginoon, medyo masigasig ako sa pagdalo sa mga pulong at pakikinig sa mga sermon. Pagtagal, inatasan ako ng amo kong pangasiwaan ang isang lugar ng konstruksiyon, kaya inilagay ko lahat ng lakas ko sa trabaho ko at unti-unting huminto sa pagdalo sa mga pulong. Pagkaraan, sa pagpapakilala ng isang kaibigan, nakilala ko ang isang amo na si Mr. Li, at ang pakikipagtrabaho sa kanya ay nakapagtatag ng isang kumpanya ng konstruksiyon. Napakasaya ko, at napag-isipang higit pang magsikap. Sa panahong iyon, lubos akong nahigop ng uliuli ng pera, at huminto sa pagpunta sa iglesia. Para mapagtagumpay ang proyekto para purihin ng mga tao ang mga abilidad ko, wala akong pag-ibig o tiyaga para sa mga manggagawa ko at madalas silang pinapagalitan, at madalas pang napapaiyak ang pinuno ng pangkat sa pang-aabuso ko. Nangingiming tumitingin sa akin ang mga manggagawa, at tatakbo pa nga palayo para iwasan ako. Kahit ang mga taong minsang naging mabuting kaibigan ko ay naging malamig sa akin at ayaw nang magbahagi sa akin ng mga salita sa kanilang puso. Napakahirap para sa puso kong tanggapin ang ganitong pagtrato! Itinuro ng Panginoong Jesus na ang pagpapatawad natin sa kapwa ay dapat makapitongpung pito. Hindi ako nagpatawad minsan man, kaya paano akong magmumukha man lang na Kristiyano? Alam kong mali ang ginawa ko, at gustong magkaroon ng pagbabago sa aking puso, pero nagdusa ako sa kawalan ng direksiyon. Kapag nalulungkot ako, ang tangi kong nagagawa ay magdasal sa Panginoon at sabihin lahat ng nasa isip ko, at noon lang ako makararamdam ng kaunting ginhawa.
Noong Agosto ng 2015, itinigil namin ang operasyon ng negosyo dahil hindi na mabuti ang takbo ng kumpanya, at umuwi ako. Sa panahong iyon, napakalungkot ko, at maglalasing at maglalaro ng baraha buong araw. Nang sabihin sa akin ng asawa kong dapat akong huminto sa pag-inom, nakahihindik na inaabuso ko siya sa pagsasabing: "Pera ko ito, kinita ko ito, at gagastusin ko ito sa anumang paraang gusto ko...." Nakahihindik ko siyang minura, at hindi nagtangka ang anak kong babaeng magsabi ng anuman, basta nakatayo lang na ninenerbiyos na nanonood sa isang gilid. Walang magawa sa akin ang asawa ko kundi maupo sa gilid at umiyak. Pagkatapos ng pananakit ko sa sarili kong pamilya tulad nito, pinagsisisihan ko pero wala akong paraan upang pigilan ang sarili ko. Sa mga araw na iyon lubos ko nang naiwala ang pagkadisente ng isang Kristiyano, at ang pag-uugali at mga kilos ko ay tulad lang ng mga hindi mananampalataya.
Nang kaawa-awa ako at nagdurusa, bumalik ako muli sa iglesia. Sa panahong iyon, palagi kong idinadasal sa Panginoong Jesus: "Panginoon! Maraming bagay akong ginawa na hindi ko ginustong gawin, at nagsabi ng maraming nakasasakit na mga bagay sa mga tao. Tuwing magagawa ko ang kasalanang ito, pinagsisisihan ko ito. Galit na galit ako sa aking sarili, pero hindi ko ito nakokontrol kailanman. Nagdasal ako at ikinumpisal ang mga kasalanan ko sa gabi, pero sa araw uulitin ko ang parehong mga kasalanan, kaya naging tao ako ngayong walang gustong makisalamuha. Lumayo sa akin ang lahat. O, Panginoon! Nagmamakaawa ako sa Iyong iligtas ako. Ano ang dapat kong gawin para maging malaya sa mga kasalanan sa wakas?"
Sa araw ng Bagong Taon ng 2016, pumunta ako sa Amerika, nagpunta para maghanap-buhay sa New York. Hindi nagtagal pagkatapos niyan, pumunta ako sa iglesia para makibahagi sa isang espiritwal na kurso ng pag-aaral, at doon ko nakilala si Sister Qing Lian. Isang araw, tinawagan ako ni Sister Qing Lian para sabihing may magandang balita siyang gustong sabihin sa akin. Sabi ko, "Ano ang magandang balita?" Sabi niya, "May pumunta ritong misyonaryo. Gusto mo ba siyang marinig na magsalita?" Sabi ko, "Mahusay! Saan iyan?" Inayos niya pagkaraan ang oras ng pagpunta ko sa kanyang bahay.
Sa pinagkasunduan naming araw, pumunta ako sa bahay ni Sister Qing Lian, at naroon din si Sister Zhao. Nakita ko silang gumagamit ng telebisyon para panoorin ang isang bahagi ng isang talumpati: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaalaman ng kanyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw-sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot na ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan" ("Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Labis akong naantig pagkarinig ng mga salitang iyon. "Hindi ba ako ang pinag-uusapan nila? Lagi kong minamaliit ang kapwa, sinusubukang ituro sa kanila ang ganito o minumura sila dahil sa ganyan, nang walang anumang moralidad o dahilan, at nawalan ng magandang asal ng mga santo." Tinusok ng mga salitang ito ang buod ng pagkatao ko. Wala pa akong nabasa dati na mga salitang tulad nito, ni hindi nakarinig ng sinumang mangangaral na nagsalita nang gayon. Sa tagal ng panahon, nababahala ako dahil sa madalas na pagkakasala, pero hindi nakawala kailanman sa pagkakapiit ng kasalanan. Ipinakita sa akin ng mga salitang ito ang landas ng pag-iwan sa kasalanan, at napaka-kakaiba ito sa akin: Mahusay na nabigkas ang mga salitang ito, pero sino ang nagsulat sa mga ito?
Sinabi sa akin ni Sister Zhao na salita iyon ng Diyos, at ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang salita sa mga huling araw. Nang marinig ko ang balitang ito, hindi ko halos mapaniwalaan. Sino sa mga naniniwala sa Panginoon ang hindi umaasa sa Kanyang pagbabalik? Ngayon hindi ko inaasahang marinig ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, at lubos akong nalito: Tunay bang bumalik na ang Panginoon? Kinailangan kong mabilis na bahaginan ako ng mga kapatid na babae tungkol dito. Sabi ni Sister Zhao, "Nagbalik na talaga ang Panginoong Jesus, at Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Ipinahayag Niya ang katotohanan tungkol sa pagdadalisay at pagliligtas sa mga tao, at nagsimulang gawin ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Layunin Niyang lubos tayong iligtas mula sa sakop ni Satanas at makuha ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, kinumpleto lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, tinubos tayo sa kasalanan, at pinatawad ang ating mga kasalanan para hindi tayo mahatulan sa ilalim ng batas, pero hindi Niya inalis ang makasalanan nating kalikasan. Natututo tayong lahat mula sa karanasan na bagamat pinatawad ng Panginoon ang ating mga kasalanan, nagdurusa pa rin tayo sa mga tanikala ng ating makasalanang kalikasan. Madalas tayong magkasala at sinusuway ang Panginoon, at walang paraan para makaalpas tayo sa kontrol ng kasalanan. Sa nakaraan, hindi natin alam kung bakit gayon, at tanging sa pagbasa lamang sa salita ng Makapangyarihang Diyos natin nalaman ito. Matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, napuno na tayo ng tiwaling disposisyon ni Satanas, tulad ng pagiging mayabang, mapagmalaki, buktot, mapanlinlang, makasarili, kasumpa-sumpa, sakim, malisyoso, at iba pa. Kontrolado ng tiwaling mga disposisyong ito, nag-aaway at nagbabalak ang mga tao sa isa't isa at nagkukumpetisyon para sa kayamanan at katanyagan, at hindi kayang mabuhay nang may pagkakasundo; madalas din silang magkasala at sumusuway sa Diyos. Para lubos na maisalba ang mga tao sa kasalanan, kailangan pa ring dumating ang Diyos at gawin ang gawain ng pag-alis sa makasalanang kalikasan ng tao, at pagkatapos lamang noon na tayo ay malilinis, maililigtas, at makukuha ng Diyos. Pagkatapos basahin ang ilang seksiyon ng salita ng Makapangyarihang Diyos, mauunawaan natin." Binuksan ni Sister Zhao ang libro ng salita ng Diyos at nagsimulang magbasa: "Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon" ("Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas" (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni't ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan" ("Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagbahagi si Sister Zhao sa ganitong paraan: Pagkatapos nating mabasa ang mga salita ng Diyos, malinaw na sa atin ito, tama? Kahit naniwala tayo sa Panginoon sa maraming taon, hindi tayo nakaalpas sa pagkatali sa kasalanan. Ang dahilan ay sa Kapanahunan ng Biyaya gawain ng pagtubos lang ang ginawa ng Diyos, pero hindi ang gawain ng pag-alis sa kasalanan. Kaya gaano man natin ikumpisal ang ating mga kasalanan at magsisi, at pangibabawan ang sarili natin, o mag-ayuno at magdasal, hindi natin makakamit ang kondisyon ng hindi pagkakasala. Ibig sabihin niyan kung gusto nating umalpas sa pagkakatali sa ating makasalanang kalikasan, ang pagdanas lang sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay hindi pa rin sapat. Kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol na ginawa ng bumalik na Panginoong Jesus dahil tanging ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang puwedeng maglantad sa pinagmulan ng mga kasalanan ng tao at magpakita sa mga tao sa landas ng pag-alpas sa kanilang makasalanang kalikasan at sa pagkamit ng kadalisayan. Kapag kumikilos tayo alinsunod sa sinasabi ng Diyos sa araw na ito, ang tiwaling disposisyon sa loob natin ay unti-unting malilinis, at makakaalpas tayo sa pagkatali sa kasalanan, at noon lamang natin makakamit ang tunay na pag-alpas at kalayaan. Kaya ang "pagbabayad sa kasalanan" sa Kapanahunan ng Biyaya at "pag-alis sa kasalanan" ng Diyos sa mga huling araw ay dalawang magkaibang uri ng gawain. Ang "pagbabayad sa kasalanan" ay ang Panginoong Jesus lang na tumutubos sa mga kasalanan ng tao, at hindi nagdadawit sa mga tao mula sa kaparusahang dapat nilang pinagdusahan para sa nagawa nilang mga kasalanan. Pero hindi nito ibig sabihing walang kasalanan ang mga tao, hindi rin na hindi na magkakasala ang mga tao at lubos nang malilinis. Sa halip, ang "pag-alis sa kasalanan" ay nangangahulugan ng pagtanggal sa pinagmulan ng pagkakasala ng mga tao, nagdudulot sa kanila ng hindi na pagkakasala at pagkamit sa transpormasyon ng kanilang disposisyon sa buhay, at lubos na nalinis. Kaya, tanging sa pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw natin matatanggap ang kaligtasan, madadala sa kaharian ng Diyos, at makakamit ang pangako at pagpapala ng Diyos.
Pagkarinig sa salita ng Diyos at sa ibinahagi ng mga kapatid na babae, naramdaman kong napakalapit ng pagkakatugma nito sa katotohanan at napakamakatotohanan. Inisip kong muli ang mga taon na iyon nang mayabang at walang pakialam ako, ang mga tao sa yunit ng trabaho ko na takot sa akin at lumalayo sa akin, ang asawa at anak kong babae sa tahanan na takot din sa akin, walang sinumang may gustong makipagkaibigan sa akin. Ni hindi ako nakahanap ng sinumang kakausapin nang malapitan, at nakadama ako ng malalim na sakit at nadamang isa akong kabiguan bilang tao. Namuhi rin ako sa sarili ko pero walang paraan para magbago. Kailangan natin talaga ang Panginoong Jesus na bumalik at gawin ang gawain ng pagliligtas at paglilinis. Pagkarinig ngayon tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paglilinis at pagbabago sa mga tao, napakasuwerte ko talaga! Sa araw na iyon, habang pauwi ako sa tahanan, binigyan ako ng kapatid na babae ng isang kopya ng libro ng salita ng Diyos Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos at sinabi na sa simula nabuhay siya sa kasalanan at hindi nakayang palayain ang sarili tulad ko. Pagkaraan, matapos niyang mabasa ang mga salita sa librong ito, natagpuan niya sa wakas ang paraan ng pagsasanay. Masaya kong kinuha ang libro at tiniyak na magkaroon ng mahusay na pananalig sa Makapangyarihang Diyos!
Mula nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, marami akong binasang salita ng Diyos, at unti-unting naunawaan ang ilang bagay tungkol sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang kahulugan ng mga pangalan ng Diyos, ang panloob na kuwento ng Biblia, at ibang aspekto, at nagkaroon din ako ng mas mabuting pananalig sa Diyos. Nang kasisimula ko pa lang, tumagos sa puso at nasaktan ako nang mabasa ang mga salita tungkol sa paghatol ng Diyos sa satanikong kalikasan ng mga tao. Meron pa akong ilang paniwala sa loob ko, at naisip na masyadong mabagsik ang sinabi ng Diyos. Pagkaraan, nabasa ko sa salita ng Diyos: "Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba't ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos" ("Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamakatuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang tao, at tinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, 'Kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?' Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama't nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ay ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, nguni't sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa diwa ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa kasalanan, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos-at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos" ("Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naunawaan ko mula sa salita ng Diyos na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay gumagamit ng katotohanang ganap na hindi taglay ng tao para ipakita ang pagkarebelde at katiwalian ng tao at para masuri ang pagsasalita at pag-uugali ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng matagalang paglalantad, pakikitungo at pagtatabas ng Diyos nila malalaman nang paunti-unti ang kanilang tiwaling disposisyon at mahalagang kalikasan, at makita nang malinaw ang kanilang sariling katiwalian, pangit na mga gawi, at maabot ang kalagayan ng pagkamuhi sa kanilang sarili at pagkaraan ay pagbabago sa kanilang sarili. Kung hindi sa ganitong paraan gumawa ang Diyos, hindi ko malalaman ang sarili kong tiwaling disposisyon, kaya paano ako makaaalpas sa makasalanang kalikasan ko at makakamit ang paglilinis? Habang mas binabasa ko ang salita ng Diyos, mas nararamdaman kong napakabuti ng gawaing paghatol ng Diyos! Nakalilinis, nakapagpapabago, at nakapagliligtas talaga ng mga tao ang salita ng Diyos.
Minsan, sa isang pulong, habang nagbabahagi ako ng sariling mga karanasan kung saan madalas kong sabihin ang mga pariralang "palagay ko," at "ito ang naiisip ko," isang kapatid na lalaki ang pumuna na ang kinagawiang ito sa pagsasalita ko ay isang indikasyon ng kayabangan. Kung may ibang naglantad sa akin nang ganito dati, makikipagtalo ako at mabilis siyang pasisinungalingan. Pero sa panahong iyon, pinili kong tumahimik nang hindi nakikipagtalo at pinangangatwiranan ang sarili, dahil naisip ko ang mga salita ng "Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay": "Kung lagi mong sinasabing 'palagay ko' sa bawat paksang makita mo, makabubuting pakawalan mo ang iyong mga opinyon. Hinihimok kitang pakawalan mo ang iyong mga opinyon at hanapin ang katotohanan. Tingnan kung ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos. Ang iyong 'opinyon' ay hindi ang katotohanan! ... Masyado kang mayabang at mapagmagaling! Kapag naharap ka sa katotohanan, ni hindi mo kayang mapawalan o matanggihan ang sarili mong mga pagkaintindi at imahinasyon. Ayaw mong sundin ang Diyos ni katiting! Sa mga taong tunay na naghahanap sa katotohanan at tunay na may pusong nagpipitagan sa Diyos, sino pa ang nagsasabing 'palagay ko'? Tinanggal na ang kasabihang ito, sapagkat sa pagsasabi nito inihahayag ng isang tao ang kanyang napakasamang disposisyon." Kaya naramdaman kong ang sinabi ng kapatid na lalaki ay tama, at wala akong batayan para pasinungalingan siya. Ang inaakalang tama ng isang tao ay hindi puwedeng pamalit sa katotohanan. Anuman ang iniisip ng tao ay mula kay Satanas. Kapag laging ginagamit ng isang tao ang salitang "ako" sa simula ng kanilang sinasabi, ito ay isang kalagayan ng hindi pagkakaroon ng Diyos sa kanyang puso, at tanda ito ng hindi paggalang sa Diyos. Gaano ako kayabang para magsalita lagi nang gayon!
Pagtagal, nabasa ko rin ang isang sipi sa librong "Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay" na nagsabi: "Nagiging mayabang ang mga tao pagkatapos nilang magkaroon ng ilang pag-aari. Kung mabuti ang kalibre ng isang tao at may ilang antas ng kakayahan, mag-iisip siyang, 'Mas mahusay ako sa ibang tao.' Sa gayon inilalantad nila ang kanilang mayabang na disposisyon, at wala silang pakialam sa sinuman. Normal ito, dahil may kasanayan at kakayahan sila. Kung tunay nilang kilala ang kanilang mga sarili, aakalain nilang wala silang kabuluhan kahit isang kusing. Ano ang dapat nilang ipagyabang kung ganoon? Inaakala niyang hindi ito dapat ipagyabang, at walang pag-aaring dapat ipagyabang, hindi siya magiging mayabang. Hindi ba ito ang nangyayari? May ilang mga taong inaakalang mas mahusay sila kesa sa sinuman at mauunawaan nila nang malinaw ang anumang bagay, kaya ano ang takdang mangyari isang araw? Kapag nagdusa sila sa isang malaking pagkabigo, at napahiya sa pagpalya, magiging mayabang pa ba sila? Mararamdaman nilang hindi na maitaas ang kanilang ulo, hindi magtatangkang makipagkita kaninuman. Kaya kapag ang mga taong may mayabang at mapansariling disposisyon ang nakararanas ng pagpalya o napahiya nang ilang ulit, o pinakitunguhan o tinabasan nang malaki nang ilang beses, natural na mareresolba ang kanilang mayabang na disposisyon. Dumarating lahat ng tao sa ganito. Sa pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, sa pagtatabas at pakikitungo, sa pagdisiplina ng Banal na Espiritu, at sa pagdurusa sa ilang pagpalya at kabiguan, magiging di-hamak na mas matapat ang mga tao. Mababawasan nang mababawasan ang kanilang kayabangan, at hindi na sila magiging gayon na sila lang ang tama. Kahit nauunawaan nilang masinsin ang ilang bagay, hahanapin pa rin nila ang katotohanan tungkol dito, hihingin ang mga ideya ng ibang tao, para makapag-ingat sa posibilidad ng paggawa ng pagkakamali. Resulta lahat itong naaabot sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Kaya gaano ka man kayabang o katiyak na ikaw lang ang tama, huwag matakot, at huwag mag-alala. Hanggang nararanasan mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at tumatanggap ng higit pang pagtatabas at pakikitungo, lalo na ang disiplina ng Banal na Espiritu, unti-unti kang magsisimulang magbago. Walang sinumang makatutulong sa iyo rito, kaya kailangan mong umasa sa pagdarasal sa Diyos, at sa paghahanap sa katotohanan, at sa pagkamit sa gawain ng Banal na Espiritu, dahil sa sandaling gumawa sa iyo ang Banal na Espiritu mareresolba lahat ang mga problema mo." Ang siping ito ay naibahagi nang medyo tumatagos, at nagawa talaga ang trabaho! Natanto kong sa lugar ng trabaho dati, o sa tahanan, lagi akong nasa mataas na posisyon na nagtuturo sa iba, at dahil lahat ng ito sa kontrol ng mayabang na kalikasan ni Satanas. Inaakala ang sarili kong may abilidad, kayang kumita ng pera, ipinamukha ko ang kataasan ko, at minaliit lahat maliban sa sarili ko, at inakalang walang sinumang kasinghusay ko, at laging inilalagay ang sarili ko sa pedestal. Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, marami akong binasang mga salita tungkol sa paghatol at paglantad ng Diyos sa mayabang na kalikasan ng mga tao, at gayon din sa pamamagitan ng ibinahagi ng mga kapatid sa mga pagtitipon nagsimula akong magkaroon ng mababaw na pag-unawa sa sarili kong mayabang na kalikasan. Nakita kong sa katunayan ay hindi ako mas mahusay sa sinuman, at ang abilidad at kayamanan ko ay ibinigay lahat ng Diyos, kaya wala akong dapat ipagyabang. Gayon din, natagpuan ko rin ang paraan upang baguhin ang mayabang na kalikasan ko sa salita ng Diyos, na pagtanggap sa pakikitungo at pagtatabas ng mga kapatid nang higit pa, paghahambing ng aking sarili sa salita ng Diyos at pagmumuni-muni nang higit pa sa aking sarili, pagkamit ng tunay na kaalaman sa sarili at pagkamuhi sa sarili, at hindi na pagsalalay sa satanikong disposisyon sa ginagawa ko kundi pagkilos ng alinsunod sa salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdanas sa pagtatabas at pakikitungo na tulad nito nang maraming beses, at sa nalaman ko sa pamamagitan ng sariling paglilimi, unti-unting nagkaroon ng ilang pagbabago ang mayabang na kalikasan ko.
Kasabay ng pagbabasa ng higit pang salita ng Diyos, at palaging pagsasabuhay sa buhay iglesia, mas nararamdaman ko pa kung gaano ako kasuwerte na maaari kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napakarubdob ng lahat ng kapatid, tinatrato ang bawat isa nang may sinseridad. Dalisay at simple silang lahat, at ibinabahagi ang sariling mga karanasan sa isa't isa, at kahit malantad ang kanilang tiwaling mga disposisyon, nakakaya nilang magmuni at kilalanin ang sarili batay sa salita ng Diyos. Nakita kong ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay tunay na kayang linisin at baguhin ang mga tao. Ipinahayag ng Diyos Mismo ang salita upang ihatid tayo sa pag-alpas sa kasalanan at pagkamit ng kaligtasan, kaya pinagpala tayong talaga! Iniisip kung gaano karaming tao ang naniniwala pa rin sa Diyos nang tapat at nababahalang naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, at nagnanasang makaalpas sa mga tanikala ng kasalanan at makamit ang paglilinis, gumawa ako ng resolusyon sa pagdarasal sa Diyos: Gusto kong ikalat ang ebanghelyo ng kaharian sa mas maraming tao, at gawin silang tulad ko, upang sundin ang mga yapak ng Diyos, at kamtin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw.
____________________________________
Ang totoong katiyakan ng kaligtasan ay: Naniniwala tayo sa Panginoong Jesus, na tanging nangangahulugang naligtas tayo ng biyaya at napatawad na tayo sa ating kasalanan, ngunit hindi ito ang tunay na kaligtasan. Kung mararanasan lamang natin ang huling paghuhukom na gawain ng Diyos sa mga huling araw ay maaari tayong ganap na maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos!