Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Narito ang Paraan Para Makatakas sa Pagkakaalipin sa Kasalanan at Makapasok sa Kaharian ng Langit

14.04.2020

Bilang mga Kristiyano, gusto nating lahat na masunod ang puso ng Diyos. Gayunpaman, sa tunay na buhay palagi tayong nakagapos sa mga kasalanan at lumalaban sa kalooban ng Diyos. Madalas tayong nakakagawa ng mga kasalanan at ikinukumpisal 'yon, namumuhay sa mga kasalanan at hindi mapalaya ang ating mga sarili. Kahit palagi tayong nananalangin para magsisi sa harap ng Diyos, nagkakasala pa rin tayo kapag dumarating sa atin ang tukso. Sinasabi sa Biblia, "ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Mga Hebreo 12:14); "Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal" (1 Pedro 1:16).

Mula sa mga salitang ito makikita natin na ang mga naghahanap lang ng kabanalan ang karapat-dapat na makakita sa mukha ng Diyos. Kaya, papano natin matatanggal ang pagkakaalipin sa kasalanan at makakamit ang pagdadalisay? Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarigang Diyos ang paraan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. ... Ito ang katiwalian ng tao; ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon."

"Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang Landas na Patungo sa Pagdalisay at Kaligtasan (Clip 6/7)


_________________________________________________

Rekomendasyon: Lumitaw na ang mga Palatandaan ng mga huling araw: Paano Tayo Madadala Bago Sumapit ang Malaking Pagdurusa?

© 2019 Pablo Siloé. Todos los derechos reservados.
Creado con Webnode Cookies
¡Crea tu página web gratis! Esta página web fue creada con Webnode. Crea tu propia web gratis hoy mismo! Comenzar